Rhian Ramos dismisses rumors linking her to Akihiro Sato

"Mixture siya ng happy and sad. Kasi ano, masaya ako na finally makukumpleto na ang kuwento nina Jodi at Cholo. Yun lang naman ang gusto ko. From beginning to end, maibigay ko ang sarili ko kay Jodi, to give life into her, sa Filipino Jodi," says Rhian Ramos about bidding goodbye to her role as Jodi/Jenna in Stairway to Heaven.


Isa sa may mahalagang role sa Ang Panday si Rhian Ramos. Ayon sa young actress, feel na feel daw niya ang character niya sa movie na official entry sa 2009 Metro Manila Film Festival (MMFF).

"Sobra! Gustong-gusto ko talaga!" bulalas ni Rhian nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Ang Panday kahapon, December 3.

Ayon sa young actress, wala raw siyang ginawang peg for her character.

"Actually, wala kaming peg. Talagang we created the character from the ground up. Kasi, very, very unique si Emelita. Marami siyang complicated na bagay na tungkol sa kanya. Bata pa siya, pero parang in love siya kay Flavio [Bong Revilla]. Hindi niya alam kung romantic ba yun or dahil wala siyang magulang or idol na idol niya.

"Hindi niya maintindihan, pero yun na nga... Tapos yung best friend niya, si Buboy [Villar], ten years old pa lang. So, hindi niya alam kung saan siya dapat. Nasa gitna siya ng transformation niya to womanhood, so very confused siya. And at the same time, kailangan niyang i-defend ang sarili niya," paglalarawan ni Rhian sa kanyang character.

Natuwa raw si Rhian nang malaman niyang matutuloy ipalabas sa MMFF ang Panday.

"Oo talaga!" sambit niya. "Kasi kung hindi ito sa filmfest umabot, hindi ako magkakaroon ng entry sa buong buhay ko sa filmfest. Kasi, first ko 'to. So, sobrang na-excite ako na siyempre dahil alam kong ito ang magiging unang filmfest entry ko. At tingnan niyo naman, Ang Panday pa! At sa lahat ng magiging unang entry sa filmfest, 'eto pa, dito pa ako nakasali. So, ang laking blessing nito."

Looking forward na rin daw siya sa MMFF Parade of Stars sa December 24.

"Yes, that's right. Naka-costume pa!" natatawang sabi ni Rhian.

ALBUM AND INDIE. Isang linggo na lang mapapanood sa ere ang primetime drama series ni Rhian with Dingdong Dantes na Stairway to Heaven. Pero wala pa raw sa susunod niyang show ang concentration ni Rhian. Sa album at paggawa ng indie films naman daw ang pagkakaabalahan niya next year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Balak kong gawin muna ang album ko at saka indie films. Kasi, yun ang mga projects na i-put on hold para sa Stairway. Kasi pagkatapos ng Zorro, dapat wala akong project. So, marami na akong plinano na ganun nga—na gagawin ko ang album, yung indie films."

So, mamamahinga muna siya sa paggawa ng teleserye?

"Oo, for now," sagot ni Rhian. "Pero I think I'm planning to rest for a couple of months. Pero hindi ibig sabihin nun na mawawala ako nang todo sa TV. Papasok ako paminsan-minsan, pero siguro hindi muna sa soap. Kasi hindi niyo alam kung gaano nakakapagod ang Stairway."

Ano ba ang feeling niya na final week na ng Stairway To Heaven next week?

"Mixture siya ng happy and sad," aniya. "Kasi ano, masaya ako na finally makukumpleto na ang kuwento nina Jodi at Cholo. Yun lang naman ang gusto ko. From beginning to end, maibigay ko ang sarili ko kay Jodi, to give life into her, sa Filipino Jodi.

"Medyo sad, kasi mami-miss kong makatrabaho silang lahat. Ang dami kong natutunan sa show na ito. Naging napakalaking learning experience niya and parang the thought lang na matatapos yun, napakalungkot."

Sa palagay ba niya ay dito sa Stairway to Heaven niya nakita ang pagiging aktres niya?

"Well, kasi naman sa lahat ng show ko, yun naman ang trabaho ko—actress. Pero sa Stairway, talagang nawala rin naman ako sa sarili ko, e. Alam mo yun? Yung hindi na po ako si Rhian ngayon. Isa akong Jodi. May mga oras na bigla na lang, hindi ako makikipag-usap kahit kanino, kasi pakiramdam ko talaga may sakit ako, nasa gilid lang ako.

"Nakaka-stress, nakaka-depress. Pero at the end of the day, kapag narinig mo ang 'pack-up,' tinutulungan din ako minsan ni Direk [Joyce Bernal] na kapag iyak ako nang iyak, tinutulungan niya akong makabalik as Rhian ulit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto ba niyang makapareha muli si Dingdong pagkatapos ng Stairway to Heaven, or would she like to be paired with another leading man this time?

"Of course, I would always want to work with new people, new leading men. Pero if I were to work with Dingdong, matutuwa rin ako. Pagkatapos ng nagawa namin, yung pinagsamahan namin dito sa Stairway, I think kahit yung ibang mahihirap na ibang project, kaya ko rin gawin," sagot ng young actress.

AKIHIRO SATO. Sa naturang interview, nilinaw rin ni Rhian ang isyung pagkaka-link niya ngayon sa model-actor na si Akihiro Sato at ang balitang pinagsabay raw sila nito ni Rufa Mae Quinto.

"No, that's not true!" mabilis niyang sabi habang natatawa. "One time, nagkasama kami [ni Akihiro] sa Iloilo for work. Pero I assure you, the whole time, kasama namin si Otep [Boncalan, program manger], marami kami... hindi lang naman yung kaming dalawa lang."

Medyo "naloka" raw siya sa isyung pinagsabay sila ni Rufa Mae.

"Actually, ngayon ko lang narinig!" tawa pa rin niya.

Pero okay naman sa kanya si Akihiro?

"Oo, nakilala ko siya... palagi siyang happy. Tawa siya nang tawa. May childlike-ness about him. Parang bata, very playful. Parang nakakatuwa lang siya."

Magkakagusto ba siya sa mga tipo ni Akihiro?

"I don't know... siguro. Plus point yung ang tangkad-tangkad niya. Tapos, sobrang mabait. Palagi siyang naka-smile. So, yun ang isang bagay na maganda sa kanya. Pero relationship-wise, wala akong balak na magkaroon sa kanya or kahit kanino. Kahit sino pa ang banggitin niyo!" tawa niya.

Di ba, ang lungkot naman nun?

"Hindi... hindi siya malungkot. Masayang maging single."

JC DE VERA. Sila ni JC de Vera, kumusta na?

"Okay naman, we haven't been talking recently. Pero recently lang yun."

May problema ba sila?

"Problema? Wala akong problema sa kanya. Hindi ko alam kung may problema siya sa akin. Puwede niyong tanungin siya," sagot ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, pinanindigan ni Rhian na hindi talaga naging sila ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN