Newcomer Carlo Gonzalez considers cousin Dingdong Dantes his mentor in showbiz

"Siya yung nagbigay sa akin ng lakas ng loob. Siya yung nagsasabi na, 'Alam mo, you have it. Natural sa 'yo.' So, parang galing sa isang Dingdong Dantes, kahit sino naman ang makarinig nun, parang siyempre, go, go ka. Alam mo na walang makakapigil sa 'yo," says Carlo Gonzalez (in photo) about cousin Dingdong Dantes.


Unang napanood ang baguhang aktor na si Carlo Gonzalez sa magtatapos nang primetime series ng GMA-7 na Stairway to Heaven. Additional character from the original Korean series ang role ni Carlo bilang kaibigan ni Cholo, na ginagagampan ni Dingdong Dantes. In real life, magpinsan sina Carlo at Dingdong sa mother side.

Kung tutuusin, maganda ang pagsisimula ni Carlo sa kanyang showbiz career dahil napasama siya sa isang teleserye na mataas ang rating.

"Actually, sobrang honored ako. Noong marinig ko pa lang na kasama ako dito sa project na ito, alam ko na ang mga cast, alam ko na ang magpi-play ng mga roles, sobrang honored ako.

"Unang-una, natakot ako, na-pressure ako that I have to step up to their level. If not to their level, kahit konti man lang to give justice to the role. Even if it's a small role, I have to give my best, especially since Stairway is my first show," sabi ni Carlo sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Na-prove na raw ni Carlo ang lawak ng viewership ng Stairway to Heaven dahil kahit dito pa lang siya napapanood ay may mga nakakakilala na sa kanya kapag nasa mall siya or other public places.

"Marami-rami na rin. Nakakatuwa nga and I can only credit that to the show. Dahil sa Stairway, nabibigyan ako ng chance na unti-unting makilala na rin."

Ano ang pakiramdam niya kapag may nakaka-recognize na sa kanya?

"Sobrang iba ang feeling. Nakaka-inspire lalo na kapag may nagpapa-picture," sabi niya.

DINGDONG AS HIS MENTOR. Aminado si Carlo na malaki ang tulong at suportang naibibigay sa kanya ni Dingdong sa kanyang pagpasok sa showbiz.

"Actually, before akong sumabak dito, siya talaga yung parang naging mentor ko," sabi ng baguhang aktor. "Siya yung nagbigay sa akin ng lakas ng loob. Siya yung nagsasabi na, 'Alam mo, you have it. Natural sa 'yo.' So, parang galing sa isang Dingdong Dantes, kahit sino naman ang makarinig nun, parang siyempre, go, go ka. Alam mo na walang makakapigil sa 'yo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Carlo is also under the management of PPL Entertainment Inc., na pinamamahalaan ni Perry Lansigan.

Ngayong magtatapos na ang Stairway to Heaven, looking forward naman daw siya sa naka-lineup na isa pang series and a possible movie next year.

Si Carlo ay graduate ng Culinary Arts sa Academy of Culinary Arts. Noon pa raw niya pangarap na mag-artista, pero mas sinunod niya ang advice ng kanyang mga magulang na magtapos muna ng pag-aaral.

Aminado si Carlo na wala siyang lovelife ngayon dahil kahihiwalay lang daw niya sa kanyang dating girlfriend.

"For now, nothing serious. Especially I'm new in the business. Dito muna, yung trabaho muna ang focus ko," nakangiting niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN