Iza Calzado informs Lani Mercado about kissing Bong Revilla in Ang Panday

"Wala, wala pang kasal. Huwag muna tayong mag-usap ng kasalan. Pambayad muna sa bahay ko yung pag-usapan natin!" says Iza Calzado when asked if she and her boyfriend talk about marriage.


Natutuwa si Iza Calzado dahil finally ay nakasama na niya sa isang movie si Sen. Bong Revilla. Si Iza ang gumaganap na Maria, ang leading lady ng actor-politician sa Ang Panday, na entry ng GMA Films at Imus Productions sa 2009 Metro Manila Film Festival.

"Masayang-masaya ako kasi matagal ko na ring inaabangan. Kumbaga, matagal ko na ring sinasabi na I want to work with Senator Bong. There were some projects before na dapat ay magkasama na kami, pero hindi nga natuloy. Siguro perfect timing lang talaga ngayon to be his leading lady," sabi ni Iza nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa presscon ng Ang Panday kahapon, Disyembre 3, sa Sct. Borromeo, Quezon City.

Nag-enjoy raw si Iza na katrabaho si Bong at mas nakilala niya raw ang Senador dahil sa kanilang pelikula na idinirek ni Mac Alejandre.

"Working with Senator Bong, nakita ko kung gaano siya kabait na tao. So, masaya ako. Nag-enjoy ako na katrabaho siya."

OKAY WITH LANI MERCADO. Ano naman ang sinasabi sa kanya ng asawa ni Bong na si Lani Mercado, lalo na't nakasama niya rin ito at gumanap na nanay niya sa panghapong soap ng GMA-7 na Kaya Kong Abutin ang Langit?

"Sinasabi niya lang na, 'Gusto kang makatrabaho ni Bong noon pa.' Siyempre ako, I feel very honored. Pero hindi ko sukat-akalain na ganito kalaking project pa pala ang pagsasamahan namin. I didn't expect na it would be this special," sabi ni Iza.

Ano naman ang reaksiyon niya na kampante sa kanya si Lani bilang leading lady ni Bong? Hindi raw kasi nag-aalala si Lani na mali-link sila sa isa't isa.

"Well, wala naman talagang nangyari. Eto na yun. So, tama siya."

Kumusta naman ang kissing scene nila ni Bong?

"Kinunan yung kissing scene namin, tapos the day after, nakita ko si Ate Lani kasi may eksena kami sa Kaya Kong Abutin ang Langit. Sabi ko, 'Sorry po, nag-kissing scene po kami ni Senator.' Sabi niya, 'Ano ba itong batang ito?' Tapos natatawa ako kasi parang nanay ko siya, tapos leading man ko yung asawa niya. Inisip ko na lang na trabaho ito. Hindi ko na lang inisip si Ms. Lani nung panahon na yun. Pero very ano lang naman yung kiss, very tender, nung priniview ko yun," kuwento ni Iza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Iza, inabot ng two takes ang kissing scene nila ni Bong.

ATTICUS KING. Ano ang reaksiyon ng businessman boyfriend niyang si Atticus King sa pagsasama nila sa movie ni Bong?

"Alam naman niya na makakasama ko si Senator Bong," sabi ni Iza. "And wala naman siyang dapat ipag-alala. Actually, natuwa siya kasi sinabi ko na sa kanya na matagal ko na gustong makasama si Senator Bong."

Ano ang balak nila ni Atticus this Christmas?

"Wala, kasi nandito ako sa filmfest, [December] 24 sa parade. Ako, sa family talaga ako pag Pasko."

Wala ba silang out of town kahit tapos na ang Christmas?

"Nagkataon kasi na punung-puno yung schedule ko talaga. Naiipit siya ng StarStruck, tapos yung filmfest hanggang 28, meron pa [awarding]. So, we'll see."

May regalo na ba siyang nasa isip for Atticus?

"Sa amin na lang yun. Actually, wala pa akong naiisip na ibigay sa kanya."

Gaano kaseryoso na ang relasyon nila?

"Sobrang serious naman."

Napag-uusapan na ba nila ang kasal?

"Wala, wala pang kasal. Huwag muna tayong mag-usap ng kasalan. Pambayad muna sa bahay ko yung pag-usapan natin!" biro ni Iza.

2010 ELECTIONS. Hiningan na ba siya ng tulong nina Bong at Lani dahil parehong kakandidato ang mag-asawa sa 2010 elections?

"Wala pa naman," sabi ni Iza. "Pero if they would ask me, of course, I will be there for them. Kasi tinulungan din naman nila ako. At saka mabait silang tao. Actually, mas nakatrabaho ko si Ms. Lani, kasi si Senator, ilang shooting days ko lang nakasama. Si Ms. Lani kasi matagal din, dalawa o tatlong buwan din yata. Nakita ko kung gaano siya ka-committed, kung gaano siya kasipag. I admire her so much and she handles her life and her family so well. So, I'm there for them."

Excited na raw si Iza sa first time niyang pagboto sa 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Excited na ako kasi nga first time ko. Nakapagparehistro ako. Pero hindi ko pa alam kung sino ang iboboto kong presidente. Malaking kuwestiyon pa 'yan sa utak ko."

Pero may presidentiable na bang lumapit sa kanya for endorsement?

"Oo, meron na," sagot niya. "Pero hindi ko pa alam kung gusto kong mag-campaign for anybody. Kasi nga, it is such an influential position, so I have to think who I am going to represent and who I would want to be there. Ang daming considerations, e. But I have my Top 3. But I don't wanna say who."

STARSTRUCK V. Ano pa ang ibang projects na aabangan sa kanya?

"I still have StarStruck [as council member] and then Kaya Kong Abutin ang Langit. Hindi ko pa alam kung ano yung susunod kong soap, pero I have two shows coming up sa Q-11, one is a cooking show and the other hindi ko pa alam kung puwede nang i-reveal," sabi ni Iza.

Bilang StarStruck council member, aprubado ba siya sa napiling Final 14?

"Okay lang, baka meron akong dalawa na hindi masyadong aprubado," pag-amin niya. "Pero so far, masaya naman ako. I really think there are lot of potentials."

Meron na ba siyang nakikitang umaangat sa batch this early sa competition?

"Ayoko munang sabihin kasi baka lumaki ang ulo o kaya maging kampante. Basta sa akin ngayon, lahat kailangan nilang magtrabaho."

Mahirap bang maging council member?

"Mahirap, kasi katulad noong nakaraang linggo, nakatingin sila sa amin. Tapos, siyempre, nag-thank you sila, yung mga natirang 14. Paglabas namin ng door, nakapila yung mga hindi napili, umiiyak. Alam mo yung hinawakan mo na lang sila ng ganun. Sabi nga ni Direk Floy [Quintos], 'We are not so ano... I'm sure hindi nila tayo gusto at this moment.' Yun, mahirap din, pero kailangan ko ding gawin yung trabaho ko. At kailangan din na gawin nila yung trabaho nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong advice ang maibibigay niya sa Final 14?

"Huwag kayong makampante, kasi mahirap yun. Pangalawa, enjoy. Tapos pangatlo, honesty and sincerity and simplicity are three things they should think when presenting themselves and when performing."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN