FIRST READ ON PEP: Krista Ranillo arrives from L.A., avoids the press

Controversial sexy actress Krista Ranillo has arrived from Los Angeles, California earlier today, December 6. But she managed to escape from the media who waited for her at the arrival area of Centennial Airport. According to a report, she was escorted by an airport official to avoid the press.


Dumating na ngayong umaga, December 6, ang controversial sexy actress na si Krista Ranillo mula sa Los Angeles, California. Sakay si Krista ng Philippine Air Lines (PAL) PR 103. Dapat ay 6:50 a.m. ang lapag ng eroplano pero na-delay ang flight.

Dismayado ang media people na naghintay sa kanya sa arrival area ng Centennial Airport dahil hindi nila nakita si Krista. Nalaman ng mga reporter na sinundo si Krista ng isang airport official mula sa loob ng eroplano para makaiwas siya sa press na nag-aabang sa kanya sa arrival area.

Nais malaman ng press people ang kanyang reaksiyon tungkol sa isyung may relasyon diumano sila ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Habang nasa U.S. kasi si Krista ay naging malaking balita rito sa Pilipinas ang napabalitang relasyon daw nila.

Angel Atutubo ang pangalan ng airport official na nag-escort kay Krista sa paglabas nito sa airport. Ipinagtaka ng mga empleyado ng PAL ang pagpasok ni Atutubo dahil day-off niya ngayon. Nasagot ang kanilang pagtataka nang malaman nila ang pagsundo nito kay Krista.

Itinanggi ng pamilya Ranillo at maging ni Manny na may relasyon ang sexy actress at ang Pambansang Kamao. Ayon sa kanila, "close friends" lamang ang dalawa. Humingi pa nga ng paumanhin si Manny sa pamilya Ranillo dahil sa pagkakasangkot nila sa isyung ito.

Sa kabila ng pagtanggi ni Manny at ng kampo ni Krista, marami pa rin ang naniniwala na hindi lamang "close friends" ang turingan nina Manny at Krista. Bukod sa reports na nagsasabing may relasyon diumano ang dalawa, may mga litrato at videos ding lumabas na nagpapakita sa boxing champ at sa sexy actress na magkasama sa ilang pagkakataon—hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa U.S.

Nagpunta si Krista sa U.S., kasama ang kanyang buong pamilya, upang suportahan si Manny sa kanyang nakaraang matagumpay na laban kay Miguel Cotto ng Puerto Rico. Kinuha na rin nila ang pagkakataong iyon para maoperahan ang bunsong kapatid ni Krista na si Trixie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa kumpirmado kung kasama ni Krista na umuwi ng Pilipinas ang kanyang pamilya o mag-isa lamang siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN