Gretchen Barretto says she prays the Rosary five times a day

Gretchen says her new religiosity is helping her in her career as well as to get past controversies and disappointments. "Sa lahat po ng naniniwala sa akin, sa lahat po ng hindi naniniwala sa akin, sa lahat ng nagmamahal sa akin. At sa lahat ng hindi nagmamahal sa akin, mahal ko po kayong lahat," she said.


Bago i-announce ang winners sa 23rd PMPC Star Awards for Television last November 29, nakausap ng Startalk si Gretchen Barretto noong papasok ito sa PAGCOR Grand Theater sa ParanĂ£que City, kung saan ginaganap ang awarding. Obvious na masaya ito sa natanggap na nominasyon para sa pagganap niya sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

"Well, minsan lang ako nano-nominate so, I'm excited and I'm quite nervous. Anxious also," pahayag niya.

At in-announce nga siya na winner tied with Sunshine Dizon for Best Single Performance by An Actress.

"Mas nagpapasalamat ako at napuna nila yung talagang gusto kong gawin sa buhay ko. Sampung taon pa lang ako, ito na ang pinapangarap ko. Talagang napakalaking bagay. Ngayon, inspired ako na magtrabaho nang magtrabaho."

FINDING RELIGION. Kapansin-pansin daw ang malaking pagbabago sa disposisyon ni Gretchen.

"Every day limang rosaryo ang dinarasal ko. Every week talaga nasa Baclaran ako. Dinasal ko po ang award na ito. Dinarasal ko po ang aking teleserye, ang aking career. Kaya po huwag kayong magulat at magiging active talaga ako sa mundo ng TV."

At dahil na rin sa pagiging madasalin ni Gretchen ay ayaw na raw niyang patulan ang iringan nila ni Mikaela Bilbao. Noong Oktubre, lumabas ang balita na nangungumisyon daw sina Gretchen at Pops Fernandez sa ilang mga roadbuilding projects ng Department of Public Works and Highways, at galing daw ang balitang ito sa beauty spa owner na si Mikaela Bilbao. (CLICK HERE for related story.)

"Wala... wala akong comment. Sa lahat po ng naniniwala sa akin, sa lahat po ng hindi naniniwala sa akin, sa lahat ng nagmamahal sa akin. At sa lahat ng hindi nagmamahal sa akin, mahal ko po kayong lahat."

May ipinapanalangin pa ba siya na mas personal pa?

"Wala na akong mahihiling. Kumpleto ang pamilya ko. Meron akong Tony [Cojuangco] na nagmamahal sa akin at nag-uunawa at nagpapatawad sa aking mga ka-naughty-han."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, they are still very much together?

"Hindi ko naman siya iniwan kahit kailan at hinding-hindi ko siya iiwan."

Ano naman ang masasabi niya sa paglipat ng bunsong kapatid na si Claudine Barretto sa GMA-7?


"Well, nalungkot ako. Nawala ang pagkakataon ko na makatrabaho ang kapatid ko na si Claudine. Pero siguro, yun talaga ang gusto ng Diyos, na maghiwalay muna kami sa aming mga career.

"Nag-try ako na tawagan siya for a few days, pero siguro, hindi pa siya handa talaga na magsalita about yung transfer niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN