Maxene Magalona says Francis M didn't want to be included in the Walk of Fame anymore

"Aaminin ko sa inyo, it's my dad who wanted na hindi na siya masali dun. When he was still alive, he said in passing na, 'Okey lang sa akin kahit hindi ako masali diyan,'" said the daughter of the late Master Rapper.


Halos tatlumpung artista na ang nabigyan ng sariling star sa Walk of Fame sa Eastwood, Libis, Quezon City. Isa itong inisyatibo ng Master Showman na si German Moreno upang parangalan ang mga artistang malaki ang naging kontribusyon sa mundo ng Philippine showbiz. Isa na rito ay ang namayapang Master Rapper na si Francis Magalona.

Pero mismo ang biyuda raw ni Francis M na si Pia Arroyo-Magalona ang tumanggi na maging bahagi ng Walk of Fame ang asawa niya.

Nang makausap ng Startalk si Kuya Germs tungkol dito, ito ang kanyang sinabi:

"I tried so many times calling her sa cellphone. Pero ayaw niyang sumagot. Hindi niya sinasagot. Pero with other people, sumasagot siya. At saka, meron pang nakarating sa akin na hindi raw siya naniniwala na hiling ni Francis yun.

"My God, yun ba, e, gagawin ko pang sinungaling ako sa bagay na yun?"

DAD'S LAST WORDS. Nang makausap naman ng Startalk ang anak ni Francis na si Maxene Magalona, ito naman ang nalaman sa kanya: "Aaminin ko sa inyo, it's my dad who wanted na hindi na siya masali dun.

"When he was still alive, he said in passing na, 'Okey lang sa akin kahit hindi ako masali diyan.'"

Pero ayon kay German, "Twice niyang hiningi sa akin yun at sabi ko naman sa kanya, time will come, 'kako na ganyan. Pero hindi ko ini-expect na sa ganung maagang panahon, babawian ng buhay si Francis."

As for Maxene, hindi na rin daw niya gustong ibigay pa ang naturang parangal para sa ama.

"Personally, I don't like the idea na i-include siya ro'n when he has already passed away. Sana binigay yun noon pa, noong nakita man lang niya or something like that. Pero now that he has already gone and he doesn't have a say on it anymore, and the last thing that he said to us is that he doesn't want to be included in the Walk of Fame anymore, yun ang nirerespeto namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN