Vhong Navarro is inspired by new series on Mother Nature

"Dito sa Kokey, si Inang Kalikasan ang mamahalin natin. Masarap sa pakiramdam na kasama ka sa show na makakapagbigay ng inspirasyon, ng magandang halimbawa sa tao, lalo na sa mga kabataan para gayahin nila," said Vhong.


May mga nasulat kamakailan na na-preempt daw ng Showtime ang sumusunod ditong programa na Wowowee, dahil halos may pagkakahawig ang tema ng dalawang top-rating shows ng ABS-CBN.

Sa nakaraang Kokey pictorial, tinanong namin si Vhong Navarro, isa sa mga host ng Showtime, sa obserbasyong ito. Di ba siya kinakabahan na baka tuloy-tuloy nang pagsabungin ang mga shows nila ni Willie Revillame.

"Di naman sa pine-preempt. Sila Direk Bobet ang may konspeto niyan. Ako naman as a host, ginagawa ko lang ang tungkulin ko para entertain-in ang mga Kapamilya natin na nanood ng Showtime. Sa ratings, sobrang happy kami kasi parang experiment lang ito. At least, nag-click sa mga Kapamilya natin. Kahit wala kaming pinamimigay na pera, nae-entertain namin yung mga nanonood.

"Dun sa pinagsasabong ang Wowowee at Showtime, iisang network lang naman tayo. Si Kuya Willie, kaibigan ko siya, so, wala namang problema dun. Kami, nagtatrabaho lang... Tulungan lang, tulungan lang tayo."

Ano kaya ang edge ng Showtime sa ibang talent search shows na lumalabas ngayon?

"Sa Showtime kasi, di namin kailangan dito ang sobrang talented ka. Kaya nga ang sinasabi namin lagi, yung mga hurado dito ang importante, maaliw ang mga nanonood. Yun ang kaibahan namin sa ibang talent-search shows."

FANTASERYE WITH MORAL LESSON. Matagal-tagal ding namahinga sa paggawa ng teleserye si Vhong. Ngayon ay balik fantaserye siya via Kokey, kung saan makakapareha niya si Angel Locsin. Aminado ang komedyante na sobra ang pressure sa kanila dahil mataas ang ratings ng show na papalitan nila, May Bukas Pa.

"Yun nga ang pinag-uusapan namin sa storycon kaya dapat galingan daw talaga namin. Dapat tulungan dahil ang papalitan nga namin ay napakalakas, ang May Bukas Pa. Kung sa May Bukas Pa ay si 'Bro' [Jesus Christ], dito naman ay si Inang Kalikasan ang mamahalin natin.

"Masarap sa pakiramdam na kasama ka sa show na makakapagbigay ng inspirasyon, ng magandang halimbawa sa tao, lalo na sa mga kabataan para gayahin nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN