Dingdong Dantes expresses gratitude to the loyal viewers of Stairway To Heaven

"Mami-miss ko ang pagiging seryoso ng lahat ng tao sa set. Kasi, ganun kami. Bihirang magkaroon ng moment for enjoying because most of the time, we were really studying our script. So, talagang it is a working atmosphere talaga," says Dingdong Dantes when asked what he will miss most about Stairway to Heaven.


Naging successful ang grand fans day ng Stairway to Heaven sa Skydome ng SM North Edsa kahapon, December 6. Nagkaroon din ito ng live hook-up sa musical variety show na SOP.

Present halos ang karamihan sa cast na nagbigay ng bawat isang production number para magbigay ng kasiyahan sa fans na mapalad na nakapasok sa loob ng SkyDome. Sayang nga lang dahil napakarami pang tao sa labas na hindi na na-accommodate ng venue.

After magpalaro ng mga bida ng teleserye na sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap ang Pinoy Cholo sa backstage ng Skydome.

Una naming kinumusta sa kanya ang pagpapalit ng time slots ng final week ng Stairway to Heaven at ng Full House nina Richard Gutierrez at Heart Evangelista simula ngayong gabi, December 7. Pagkatapos ng Darna ay susunod na ang Full House, bago ang Stairway to Heaven. Pagkatapos naman nito ay papasok ang ChristmaSerye ng GMA-7 na Sana Ngayong Pasko.

"Yung totoo, naniniwala kami na kahit naman saan mo ilagay ang show, e, I know that people will be eager to find out what will happen. So, sana, huwag silang bumitiw. We went this far all the way, as far as giving part of ourselves in this project. So, siyempre, gusto rin namin itong ma-appreciate ng mga tao. So, it will be shown after ng Full House," sabi ni Dingdong, na medyo paos ang boses.

FINAL WEEK. Masaya rin ang actor-TV host dahil hanggang sa huling linggo ng Stairway to Heaven ay nakita niya ang suporta ng tao sa kanilang teleserye, gaya sa fans day nila kahapon.

"For me, eternal yung gratitude because maaaring sabihin natin na after this show, iba na ang panonoorin nila, iba na ang magugustuhan nila. At kahit kami, iba na rin ang gagawin namin. But, you know, the memories and appreciation namin for them will be eternal because bukod sa ginawa namin ito for ourselves, siyempre, partly, we want to entertain and we want to give a good show."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ang nagsasabi noon na baka kapag hindi na sila ni Marian Rivera ang magkatambal ay hindi na ito madadala ni Dingdong. Now that he was able to prove na kaya naman pala niyang magdala ng show kahit iba ang kapareha niya, pakiramdam ba niya ay vindicated siya?

"Well, I believe kasi in the material also. Nagkataon na when we started in Marimar, we had good material. Marimar was also a good one, especially for her [Marian], and so with Dyesebel. Kaya nangyari siya hanggang sa nagtuluy-tuloy siya hanggang sa pangatlo.

"This one din, maganda rin ang material. So, importante rin kasi na lahat ng elemento, present. Like kunwari sa Marimar, kung isa dun wala, it won't be as successful. This one naman sa Stairway, nandiyan ang pagiging seryoso ko, then yung willingness ni Rhian. Nandiyan din ang passion ng directors [Joyce Bernal and Andoy Ranay] na pagandahin siya.

"All these elements, naging present at ang kagalingan pa nina Jean [Garcia], Glaiza [de Castro], TJ [Trinidad], naging malaking tulong siya, at lahat ng tao sa cast. Kung may isa dun na nawala, it won't be the same," saad ni Dingdong.

Masaya rin si Dingdong na kung naging maganda ang pagtanggap sa original Korean version ng Stairway to Heaven, gayundin naman ang naging pagtanggap ng Pinoy viewers sa kanilang version.

"Oo, malaking bagay yun. We're doing a remake and I cannot say ours is better, but it is our version," sabi niya.

Ano ba ang mami-miss niya sa show ngayong nasa final week na ito?

"Mami-miss ko ang pagiging seryoso ng lahat ng tao sa set. Kasi, ganun kami. Bihirang magkaroon ng moment for enjoying because most of the time, we were really studying our script. So, talagang it is a working atmosphere talaga."

Dugtong pa niya, "Hindi ko makakalimutan yung mga biyahe. At least three hours to get to our shoot. Kahit na walang pahinga, mas natsa-challenge kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mami-miss din ba siya sa kanyang leading lady na si Rhian?

"Maganda yung naging experience kasi nakita ko how dedicated she was," sabi ni Dingdong. "Kumbaga, since first time ko siyang makatrabaho and knowing naman na kahit very young siya, nakita ko yung determination niya."

ENJOYING HIS HOSTING JOB. Pagkatapos ng Stairway to Heaven, magpapahinga muna si Dingdong sa paggawa ng teleserye at mas magko-concontrate muna sa kanyang daily game show na Family Feud. Masaya rin daw siya na maganda ang natatanggap niyang feedback sa hosting job niya rito.

"Nakakatuwa dahil ipinagkatiwala nila sa akin ang paborito kong show. And I'm very, very proud to be in that show. Nag-e-enjoy ako," nakangiti niyang sabi.


NOTHING IS IMPOSSIBLE. Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni Dingdong sa report na lumabas dito sa PEP Alerts na nakita raw sa bakuran ng ABS-CBN ang manager niyang si Perry Lansigan. May posibilidad kaya na gumawa rin siya ng proyekto sa kabilang network?

"Well, walang imposible. Pero kung anuman yung pinag-usapan nila dun, I do not know yet. We haven't talked pa," maikling tugon ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN