Sharon Cuneta speaks up on dispute over her late father's inheritance

"It's not that something that consumes me. Pero alam ko marami kaming anak ni Daddy na minahal niya. Naaalala ko yung mga nanay at mga lumalaking anak. Unfair talaga. Ako talaga, sa maniwala kayo't hindi, alam ito ng lahat ng taga-Pasay yata, talagang wala kaming minana. Except for my mother, yung house. Pero hindi yung dapat alam namin na dapat manahin namin. Hindi yung sinabi ni Daddy," says Sharon Cuneta.


Napuno ng iba't ibang isyu ang taong ito para kay Megastar Sharon Cuneta, mula sa kanyang personal na buhay hanggang sa kanyang career. Pero bago matapos ang taon, isang matinding rebelasyon na naman ang isiniwalat niya sa publiko.

Sa exclusive interview sa kanya ng The Buzz sa shooting ng pelikula niyang Mano Po 6, na ipinalabas kahapon, December 6, walang takot na inilahad ng Megastar ang sama ng loob dahil sa manang ipinagkait diumano sa kanila.

Ang galit ni Sharon ay nag-ugat sa unresolved isyu ng pamilya na may kinalaman sa manang naiwan ng kanyang yumaong ama na si dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta. Wala raw umanong natanggap na mana ang Megastar.

"Hanggang ngayon galit ako. Masakit ang kalooban ko," pag-amin ni Sharon. "Ako, I mean, may kinikita naman ako, e. Ang mommy ko, hindi naman nagbago ang lifestyle. Pero marami akong kapatid na dine-deserve sana nila yung inipon at pinaghirapan ng tatay ko para sa aming lahat. Ang nangyayari, iba ang gumamit."

Ayaw man pangalanan ni Sharon ang taong responsable rito, makahulugan naman ang naging sagot niya sa tanong kung paano nangyari ito.

"E, magaling siya. So, siyempre wala kaming ebidensiya. Siya yung pinagtiwalaan, e. Bahala na si Lord, hindi naman natutulog ang Diyos, e," sabi ng aktres.

Nilinaw rin ng Megastar na hindi na yung para sa kanya ang inaalala niya kundi yung sa iba pa niyang kapamilya na dapat ay makakuha ng mana.

"It's not that something that consumes me. Pero alam ko marami kaming anak ni Daddy na minahal niya. Naaalala ko yung mga nanay at mga lumalaking anak. Unfair talaga. Ako talaga, sa maniwala kayo't hindi, alam ito ng lahat ng taga-Pasay yata, talagang wala kaming minana. Except for my mother, yung house. Pero hindi yung dapat alam namin na dapat manahin namin. Hindi yung sinabi ni Daddy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon daw ang karapatan lang nilang mag-iina ang ipinaglalaban niya.

"Ipaglalaban mo lang kung ano ang tama, di ba?" diin ni Sharon. "Hindi ka naman makikipaglalaban kung mali, e, di ba? Disente naman akong tao. Okay lang, bahala na si Lord. Basta ako, hindi naman kami gutom. Baka nga mas marami pa akong kinita at naipon kaysa sa tatay ko."


LESSONS IN LIFE. Bukod sa matinding rebelasyon na ito ay naharap din si Sharon sa iba't ibang intriga. Marami raw siyang leksiyon na natutunan sa mga ito. May magagandang pangyayari rin ang nagdulot ng pagbabago sa kanyang buhay. Una rito ang pagkakaayos nila ng dating asawang si Gabby Concepcion.

"We're friends," sambit niya. "Ako, as far as I'm concerned, wala akong sama ng loob na. Kasi when you're in a happy place in your own personal life, there shouldn't be any room for ill-fated things."

Ang nangyaring cancer scare kay Sharon dahil sa pag-aakalang pagkakaroon ng naturang sakit ay naging makabuluhan para sa kanya at natuto siyang mas mahalin ang sarili at ang mga tunay na nagmamahal din sa kanya.

"Dati mag-isa ako, nagkukulong ako sa Roadtrek. Tapos tatawag lang ako kay Kiko [Pangilinan, her husband] or sa best friend ko. Tapos iiyak. Tapos bababa ako, parang walang nangyari."

Pero ngayon, may mga desisyon na nais gawin ang Megastar.

"Wala na akong dapat i-prove. Gusto ko lang maging proud pa rin ang family ko. So, kahit relax na ako, kahit anong weight ko ngayon, parang okay lang. Na-realize ko it's also for myself."

Maging sa pagpili ng kaibigan ay nagkaroon na rin siya ng leksyon.

"I'm very choosy now. I treasure those that deserve to be treasured. Life's too short. Nag-edit ako ng friends ko. 'Teka, parang ito, ilang beses na akong napaso'. So, merong pipiliin mo talaga to stay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MORE SURPRISES. Ngayong unti-unting naayos ang mga isyu ng nakaraan, hindi naman nagpapaapekto ang Megastar dahil patuloy man ang intriga ay patuloy din ang katumbas na biyaya.

"I have so many surprises in store, God-willing. With God's grace talaga, itong 2010, punung-puno ng mga nakatatabang pusong sorpresa. At sana nakapapayat sa akin. Itutuloy ko na po, promise, ang pagpapapayat!" biro ni Sharon.

Marami raw dapat abangan sa kanya ang mga tao, lalo na ang mga fans niya sa 2010. Kabilang na rito ang birthday concert niya sa Enero. Magkakaroon na rin siya ng sarili niyang magazine na lalabas din sa Enero. Siyempre, tuluy-tuloy pa rin ang paggawa niya ng bigating mga pelikula matapos ang 2009 Metro Manila Film Festival entry niyang Mano Po 6.

"I have lots of surprises for you, lalo pagdating sa movies. So, I'm hoping 2010 will be a happy, happy, blessed year for all of us. Please watch out for 2010. Let's all pray for a great year ahead."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN