La Diva: All for one, one for all

(From left) Maricris Garcia, Jonalyn Viray, and Aicelle Santos are collectively known as La Diva, the all-female singing trio regularly performing at SOP.


Masayang-masaya sina Jonalyn Viray, Aicelle Santos, at Maricris Garcia—o mas kilala collectively bilang all-female trio na La Diva—dahil matagumpay ang kanilang pangalawang pagtatanghal ng concert nilang Only La Diva sa Music Museum noong Sabado, Disyembre 5.

Ang una nilang pagtatanghal sa same venue noong Nobyembre 28, kung saan naging special guest nila ang isa sa top Kapuso leading men na si Dingdong Dantes, ay dinumog ng fans at supporters nila. Hindi nga nila akalain na muli nilang mapupuno ang Music Museum sa kanilang second night, kung saan naging guest naman nila ang Kapuso hunk na si Aljur Abrenica.

Umpisa pa lang ng concert ay todo-palakpakan na ang mga manonood matapos ang mahusay na rendition ng La Diva ng Pambansang Awit ng Pilipinas, na kinanta rin nila sa big fight nina Manny Pacquiao at Miguel Cotto sa Las Vegas, Nevada.

Isa rin sa most applauded numbers nila ang rendition nila ng "Through The Fire" na talagang walang nagpatalbog pagdating sa biritan at pataasan ng boses.

Nagustuhan din ng mga audience ang solo numbers nilang tatlo, with Maricris singing "Mahal Kita," Aicelle singing "I Believe I Can Fly," at si Jonalyn singing "I Am Changing."

Kinilig naman at natuwa ang manonood sa paglabas ni Aljur at sumama sa La Diva sa pagkanta ng "Way Back Into Love."

Mahigit sa 20 songs ang kinanta nila sa concert. Siyempre hindi nila nakalimutang awitin ang carrier single ng kanilang self-titled album, ang "Kasiping Ka."

Ang Only La Diva ay produced by Sunny Side Up Productions, in cooperation with GMA Network Inc. and presented by Aficionado & Joel Cruz. Si Danny Tan ang naging musical director, production designer si Pepsi Herrera, choreographer si Regine Tolentino, at stage director si Louie Ignacio.

CERTIFIED CONCERT ARTISTS. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang TV crew ang La Diva pagkatapos ng concert. Kaagad namin silang tinanong kung ano ang feeling na certified concert artists na sila at napuno nila ang Music Museum?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi after more than a year din po kaming naghintay, hindi rin po namin akalain na magagawa namin ito," sabi ni Jonalyn.

Dagdag ni Maricris, "Kinakabahan pa rin po kami kasi ito ang aming first major concert. Salamat sa mga nagtiwala at sumuporta po."

Paano sila napapayag na panahon na para magkaroon sila ng major concert?

Ayon kay Aicelle, "Siguro po, we've been waiting for this for a long time and now is the time. Tamang-tama naman po may album and we just came from the Pacquiao-Cotto fight. Tapos eto na po, concert na."

Malaki nga ang pasasalamat ng La Diva sa fans at supporters nila.

"Nagpapasalamat talaga kami sa kanila," sabi ni Maricris. "Yung tiwala nila sa amin ang mas nagtulak sa amin para mas galingan pa. Siyempre, ayaw naming sirain yung tiwalang ibinigay nila sa amin."

Ibig bang sabihin nito mahal na ang presyo nila?

"Sabi!" biro ni Aicelle. "Hindi naman po. Abot-kaya pa rin po ang presyo namin."

Paano ang hatian nila sa budget? Pare-pareho ba ang talent fee nila?

"Pantay-pantay naman po," ani Maricris.

STICKING TOGETHER. Gumawa ba sila ng pangako sa isa't isa na mag-stick sila as La Diva at walang titiwalag sa grupo?

"As of now, we are happy together as La Diva, as singers and as friends," sabi ni Aicelle.

Singit ni Jonalyn, "We're enjoying ourselves pag magkakasama kami. At saka, siyempre, we all love singing, e. And since nandito kami sa sitwasyon na ito, the more yung ibinibigay na blessings sa amin. Alam mo yun? Parang bina-value namin yun."

Dagdag naman ni Maricris, "At saka pag nawala yung isa, hindi na La Diva yun. Hangga't nandito pa kaming tatlo, sige lang."

Pero open ba sila to perform ng solo kung ang invitation ay solo performance lang?

"Depende naman po kasi sa management yun, e. Nasa GMA Artist Center po ang desisyon niyan," sagot ni Maricris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, ibig sabihin darating din yung time na maghihiwalay sila?

"For us, siyempre hindi naman po malayo yung time na yun, na yung group magkakaroon ng kanya-kanyang mga ano... mga work, mga buhay, ganun," wika ni Jonalyn.

Pero ayon kay Aicelle, "Pero sa ngayon, far out pa yun sa isip namin. We're enjoying every moment that we're together. We're happy with what we're doing."

Hinahangad din naman nilang tumagal ang grupo nila tulad na lang ng sikat na male trio na Apo Hiking Society. Wish nila na maging female version sila ng naturang grupo. In real life daw ay magkakaibigan naman talaga sila.

Sabi ni Maricris, "Magkakaibigan po kami on and off cam. We wouldn't be that harmonious kung hindi kami okay sa isa't isa."

Pinabulaanan din nila ang isyu ng insecurity sa pagitan nila.

"Wala po, wala po talagang ganun," sabay-sabay na sabi ng tatlo.

Dagdag ni Jonalyn, "Kasi, di ba, makikita naman sa group 'yan, e. Magre-reflect 'yan kung merong nai-insecure or parang may nananapaw, ganun."

Hindi raw nila iniisip yung paistaran at pagalingan.

"We know the strengths and weaknesses ng bawat isa, so tulungan talaga," ani Maricris.

NO LOVELIFE. Dumako naman ang usapan namin sa lovelife. Meron ba silang special someone na nanood ng concert?

"Sana nga meron, kaso wala," sabi ni Jonalyn, na sinang-ayunan ng dalawa.

Nagkabiruan pa ang tatlo at nagturuan kung sino talaga ang merong lovelife. Pero wala raw talaga.

"'Ika nga, sabi nga, career muna, wala munang love life," ani Aicelle.

Isa ba 'yan sa pinag-usapan nila?

"Oo. pag meron ang isa, kailangan meron ding kaming dalawa," wika ni Maricris na tinawanan nilang tatlo.

Ano ang feeling na si Aljur ang special guest nila at tila pinag-agawan pa nila on stage?

"Masayang-masaya. Yun ang isa sa cool part ng show," sabi ni Jonalyn, na onstage ay sinabi niyang puwede na raw siyang pumalit kay Kris Bernal bilang ka-loveteam ni Aljur dahil magkasing-height naman daw sila ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakasama na namin siya sa SOP. Pero in a concert na ganito, first time, kaya nakakatuwa rin," dagdag pa ni Maricris.

Ano naman ang reaksiyon ni Aicelle sa sinabi ni Aljur na kung may makaka-duet daw ang aktor ay gusto niya si Aicelle?

"Type ko yun. Yun lang ang maisasagot ko diyan!" tila kinikilig pang tugon ni Aicelle.

ISSUES & CONTROVERSIES. Bagama't marami ang pumuri sa mahusay nilang pag-awit ng Philippine National Anthem sa Pacquiao-Cotto fight, hindi naman maiwasang mapansin ito ng National Historical Institute (NHI) dahil sa ibang arrangement at rendition na ginawa nila. Ano ang naging reaksiyon nila rito?

"Basta po kinanta namin from the heart yung Philippine National Anthem. Sinunod lang po namin ang arrangement na ibinigay sa amin," sabi ni Jonalyn.

Dagdag-paliwanag ni Aicelle, "We just want to make our country proud, so we gave our best para kantahin nang maayos ang 'Lupang Hinirang.' Hindi naman po para bastusin yung kanta. Sana po hindi na sila [NHI] magalit."

Isa pang isyu na ikinakabit sa kanila ay ang pagtatapat daw ng grupo nila sa YRS ng ASAP 09, composed of Yeng Constantino, Rachelle Ann Go, at Sarah Geronimo. Ano ang masasabi nila sa isyung ito?

"Siguro iba kami. Kasi more on individuals sila, e. Sa show lang sila nabubuo. Kami, meron ding kaming individuality, pero right now, we're known as a group talaga e, as La Diva," sagot ni Aicelle.

Dagdag ni Maricris, "At saka yung competition, sa TV lang naman yun. Kasi nagkakasama rin naman kami sa labas, sa mga shows. Wala namang ilangan. We say hi, hello, ganun. Okay kami."

Sa ngayon daw ay ayaw nilang patulan ang kung anumang intrigang ibinabato sa grupo nila. Bagkus, ginagawa nilang challenge ang mga kontrobersiyang ito para mas pagbutihin pa ang trabaho nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN