Carlo Guevara is now part of Perry Lansigan's growing talent management

Be Bench winner Carlo Guevara is the latest talent of PPL Entertainment, Inc., which is being handled by Perry Lansigan (inset). The model turned actor signed a three-year management contract.


Pumirma ng three-year management contract sa PPL Entertainment, Inc. ang Be Bench winner na si Carlo Guevara noong Monday afternoon, December 7. Ginanap ang contract signing sa mismong opisina ng PPL Entertainment, Inc., na pinamamahalaan ni Perry Lansigan.

Nakilala si Carlo sa ABS-CBN simula nang manalo siya sa Be Bench model search. Nakagawa rin siya ng iba't ibang TV shows sa Kapamilya network; his last was Tiagong Akyat with Gerald Anderson. Pero last September, nag-expire na ang contract niya at kahit may offer naman daw to renew, mas pinili ni Carlo na subukan ang magkaroon ng sariling manager.

Bakit ang PPL Entertainment, Inc. ang napili niya?

"Sa akin kasi, first time kong magkaroon ng manager talaga. Nagtanong-tanong naman ako sa mga kakilala ko. Nakikita ko rin sa diyaryo, sa newspaper. So, parang ako, nilakasan ko lang ang loob ko nang makuha ko ang number ni Perry, nag-text ako sa kanya," lahad ni Carlo sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ang talents na nasa pangangalaga ngayon ng PPL Entertainment, Inc. ay sina Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, Geoff Eigenmann, Angelika dela Cruz, Gabby Eigenmann, Athur Solinap, at Carlo Gonzales.

Among the PPL talents, okey raw sa kanya ang nakikita niya sa career ni Geoff Eigenmann ngayon.

"Nakita ko kasi siya kahit noong ABS pa siya. Nakita ko rin yung galing niya sa pag-arte. Pero siyempre, gusto ko rin makagawa ng sariling pangalan."

STAR MAGIC. Thankful naman daw si Carlo sa ABS-CBN, lalo na sa Star Magic, dahil marami rin daw naibigay sa kanyang shows noong nandun siya. Dito rin daw siya nahasa through acting workshops.

But now that he's with Perry, plano na ba niyang lumipat na rin ng network?

"Well, ang sa akin, depende kay Perry kung ano ang plano niya at kung saan niya ako ilalagay," sagot ni Carlo. "Personally, gusto ko sanang i-try ang lahat ng network para mas malawak din ang pinagtatrabahuhan ko. Gusto ko rin makatrabaho ang ibang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Nakausap ko naman sila Mr. M. [Johnny Manahan, Star Magic head] at maganda naman ang naging pag-uusap namin. Naintindihan naman nila."

May career plan na raw na nabuo ang bago niyang manager at okey rin daw sa parents niya ito. In fact, last Monday, nang pumirma siya ng kontrata, mag-isa na lang siya dahil bago pa man daw ang contract signing ay nabasa at naapruban na rin ito ng parents niya.

DAIANA MENEZES. Tinanong namin si Carlo kung may kinalaman ba ang rumored girlfriend niyang si Daiana Menezes sa desisyon niyang magpa-handle kay Perry since mas identified ang Brazilian model sa Kapuso network?

"Sa akin, hindi, e. At saka nag-usap naman kami ni Daiana. Wala naman kaming pakialam sa trabaho. Professional kami. Nag-uusap kami sa trabaho, wala kaming pakialaman. Siguro on my part, gusto ko lang din subukan ang iba't ibang network," saad ni Carlo.

"Dating" pa lang daw ang status ng relationship nila ni Daiana. Pero aminado si Carlo na kapag magkasama sila ay masaya siya.

Nakagawa na rin ng indie film si Carlo, ang Biyaheng Lupa. Natutuwa siya sa magandang reviews sa ipinakita niyang acting dito. Ngayon naman daw, kasama siya sa 2009 Metro Manila Film Festival entry na Shake, Rattle & Roll XI.

Marami ang nakakapansin na maganda ang pangangatawan ni Carlo ngayon. Kung sakali, okay naman daw sa kanya ang magpaseksi, pero may hangganan pa rin daw.

"Siguro okey sa akin ang topless, pero hanggang dun lang," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN