STARBIZ: Valerie Concepcion is proud of her first business venture

"Parang naisip ko na if magbi-business ako, siguro maganda kung yung business is something that I love and something that I really, really like. Kaya heto na nga," says Valerie Concepcion, who recently opened her own franchise of Posh Nails.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang actress-TV host na si Valerie Concepcion sa grand opening ng very first business venture niya—ang franchise ng Posh Nails (isang hand and foot spa) sa The Venezia Piazza—kagabi, November 8, sa McKinley Hill sa Taguig City.

Masayang-masaya si Valerie sa blessing ng kanyang negosyo at pag-eestima ng kanyang mga bisita. Ilan sa celebrities na nagpunta ay sina Isabel Oli, Saicy Aguila, at ang manager niyang si Becky Aguila.

Ang bagong negosyong ito ni Valerie ay may floor area na 87.15 square meters at matatagpuan sa second floor ng The Venezia Piazza, na bagung-bago pa lang at halos hindi pa napupuno ng tenants.

Bakit naisipan ni Valerie na mag-franchise ng ganitong negosyo?

"Kasi every week, nandun ako sa Posh Nails sa Morato. Kasi I love to pamper myself. And feeling ko naman, I deserve it naman after ng work. So, parang naisip ko na if magbi-business ako, siguro maganda kung yung business is something that I love and something that I really, really like. Kaya heto na nga," nakangiting sabi ni Valerie.

Magkano ang kabuuang halaga na ipinuhunan niya sa kanyang negosyo?

"Ha? Hindi ko alam... huwag na lang!" natatawa nitong sagot, na halatang umiiwas.

FAMILY BUSINESS. Nakakatuwa pa na ang kanyang buong pamilya ang nag-aasikaso ng negosyo ni Valerie. Ang manager ng naturang branch ay ang kapatid niyang si Erika, na mag-a-abroad na sana.

"Oo, kasi dati nag-Singapore siya for six months. And then, after that, pag-uwi niya dito sa Pilipinas, dapat maglo-London siya or parang... Basta sa ibang bansa naman siya magwu-work and this time, for two years naman. So, parang naisip ko na since hindi kami kasi sanay na magkakahiwalay, hindi kami sanay na malayo sa isa't isa, so yun, ginawa na lang namin siyang manager dito para hindi na siya umalis," saad ni Valerie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mommy naman ni Valerie ay araw-araw nagsu-supervise sa salon at si Valerie ay pumupunta rin whenever her schedule allows it.

"Every time lang na kunwari maaga ako natapos sa work, ayun, pumupunta ako dito."

WOWOWEE CO-HOSTS. Kinumusta rin ng PEP kay Valerie ang sitwasyon nila ng mga co-host niya sa Wowowee. Matatandaang nagkaroon ng isyu before na hindi sila close ng co-hosts niyang sina Mariel Rodriguez, RR Enriquez, at Pokwang.

"Okay naman, okay naman," sagot niya. "Wala na namang issues, wala nang mga kung anu-ano. I can feel na parang one big happy family talaga kami sa Wowowee. Although ngayon lang, wala sila. Pero tinext nila ako, nag-congratulate sila kasi sa akin.

"Like si Mariel may sakit, si RR may taping, si Pokwang may rehearsal sa Christmas special ng ABS. So, alangan namang unahin nila ito? Nakakahiya naman, di ba? Kaya sabi ko, sige, okay lang. Kanina nga sa Wowowee, wala nang boses si Mariel kaya naawa naman ako sa kanya, kaya sabi ko, magpahinga na lang siya.

"Tapos, 'yon nga, sinasabi nila na they're proud, na big achievement daw na may business. Parang ganun, kaya okay naman, okay na okay kami."

ANOTHER BLESSING. Kapapanalo lang ni Valerie—for two straight years—sa Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club bilang Best Female TV Host.

"Yehey! Thank you, PMPC!" bulalas niya. "Actually, hindi ako makapaniwala. Gulat na gulat na gulat ako talaga, super! Because last year, nung na-nominate ako, merong mga nagdyu-joke na, 'Paano kung ikaw ang manalo?' Mga ganyan-ganyan.

"This year, wala akong narinig na anything like that. So, hindi ko talaga iniisip na mananalo ako. So nung tinawag na yung pangalan ko, gulat na gulat ako. Tapos at the same time, parang... sobrang natuwa ako na parang... Kasi first time na yung anak ko, kasama kong pumunta sa Star Awards, tapos naka-attend ako. Kasi last year, hindi ako naka-attend, e, dahil may Wowowee tour sa U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This time, naka-attend na ako tapos kasama ko yung anak ko. So, wow! Sobrang saya! Nakakahiya nga, umiyak ako! Umiyak ako kasi parang feeling ko, para ma-recognize yung pinaghihirapan ko araw-araw, tapos dini-dedicate mo yung work mo sa anak mo, parang ano... Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko na umiyak.

"Actually, ako nga lang yata ang umiyak nun. Nakakahiya kaya! Nakakahiya, pero 'yon kasi talaga ang naramdaman ko, na sobrang thankful ako sa award and I feel so blessed."

Kumusta naman ang lovelife niya?

"Okay lang, okay lang. Happy naman ako na single ako!" tawa niya.

May plano na ba siya ngayong Pasko?

"A, wala, ano... Wala, kasi sa bahay lang kami, kasi first Christmas ko sa new house. So we're planning to celebrate Christmas there in the house, pati New Year."

Kabibili lang ni Valerie ng bagong bahay niya last April.

"Kasi usually, tradisyon namin na pag Christmas, nasa mother side kami para kasama namin ang mga relatives namin. Kapag New Year, nasa father side kami para sila naman ang kasama namin. Pero this year, dahil nga first time namin magki-Christmas dun sa bagong bahay, sa bahay lang kami. Yung mga kamag-anak namin, sila yung pupunta sa bahay sa Christmas and New Year," pagtatapos ni Valerie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN