Regine Velasquez bats for typhoon survivors' urgent need for homes

Regine Velasquez gets teary-eyed as she reveals how frustrated she was during the onslaught of Typhoon Ondoy. "It was very frustrating. To sit there, watch the news, and not be able to do anything. And... kasi si Jessica Soho, I could see the frustration on her face. Sabi niya, 'I am so frustrated, I feel so useless. Is there anything we can do? All we do is just tell people that this is what's happening. Ito yun, ito ang status ang daming taong nangangailangan ng help.' Yun lan


Noong Lunes, December 7, nagpatawag ng isang pocket presscon ang GMA-7 para sa Asia's Songbird na si Regine Velasquez. Kaugnay ito sa GMA Network Christmas special na ipalalabas sa darating na Linggo, December 13, sa Sunday Night Box-Office (SNBO)After the Rain: A Hopeful Christmas with Regine.

"This is a GMA Christmas special. But this one is quite different from the other specials that we've done before, because kasama namin yung mga typhoon victims," simula ng Asia's Songbird nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag pa ni Regine, free concert daw talaga ito para sa mahigit walong daang Typhoon Ondoy at Typhoon Pepeng victims mula sa mga lugar na naapektuhan ng dalawang matitinding bagyo, tulad ng Pasig, Marikina, Rizal, Laguna, at Pangasinan.

Inimbitahan at inihatid sa GMA Network Center ang mga typhoon victims mula sa evacuation centers sa mga nabanggit na lugar para i-entertain ng mga Kapuso artists: Eva Castillo, Frencheska Farr, Julie Ann San Jose, Mae Flores, Moymoy Palaboy, Jude Matthew Servilla, Shane Velasco, Yassi, Kiddiwockees, Jay-R, Kyla, La Diva, Angelika dela Cruz, at Jaya.

Kasama rin sa pa-concert ng GMA para sa typhoon survivors sina Kuh Ledesma, Pops Fernandez, University of the Philippines Concert Chorus, Mandaluyong Children's Choir, at IIAF Development Group.

Noong December 1, Martes, ginawa nina Regine at mga nabanggit na artists ang concert para sa survivors. Binaunan pa ng mga goodies at iba pang tulong ng GMA-7 ang mga ito mula sa sponsors ng istasyon.

Sa TV airing naman nito, may special participation ang mga sikat na artista ng Kapuso network, tulad nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, at mga iginagalang na news anchors na sina Mel Tiangco at Mike Enriquez.

"The purpose of this concert is to uplift their spirit a little bit. It's very important, e. Because right now, some people may think, the typhoon is already over, how many months na yun, baka hindi na kailangan pa ng mga tao ng tulong, pero they still do. And also, I think one of the reasons why GMA did this is to, yun nga, we wanted them to feel a little bit happy, and make them forget whatever problems they are going through right now, kahit sandali, hopefully makalimutan nila. And I think naman they had fun [during the concert]," ani Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AFFECTED. Pahayag ni Regine, hindi man siya nasalanta ng bagyong Ondoy nang tumama ito sa Kamaynilaan, hindi naman masasabing hindi siya naapektuhan. Ligtas man siya sa loob ng kanyang tahanan, naghihimagsik naman ang kalooban niya nang mga panahong iyon dahil sa napapanood niya ang lupit ng paghagupit ni Ondoy sa mga kababayan.

"I was affected," sabi niya. "I was safe in my home, but I was very much affected. Because I felt so useless that I could not do anything. And I kept telling Ogie [Alcasid, her boyfriend, na kasama niya noong kasagsagan ng bagyo], 'I want to go there!' If I could swim, I mean, I can swim... If I could go there swimming, I'd go and, like, try to save people. But I felt so helpless because there was nothing I could do.

"So, after that, the only thing na puwede kong gawin was just try to... Basta ang ang unang-unang nasa isip ko, mamimigay ako ng water. Kasi parang... Di ba, pag gano'n walang tubig? 'Tsaka madumi, tapos iniisip ko yung mga bata, wala silang iinumin, kailangan nila ng gatas... So, nag-shopping ako!" natatawang kuwento pa ng singer-actress.

Agad namili si Regine kinabukasan pagkatapos ng bagyo para sa mga pangangailangan ng mga nasalanta, sa kabila ng pag-atake ng migraine niya. Sa tulong ni Ogie at ng iba pang mga malalapit nilang kaibigan, nai-distribute niya rin agad ang mga ipinamili nang walang masyadong ingay o atensyon, liban sa pagmamalaki na rin ni Ogie.

Kung si Regine ang masusunod, ayaw na niyang pinagkukuwentuhan ang mga ginagawa niyang pagtulong. Pero nang makausap kasi noon ng mga reporter ang boyfriend niyang si Ogie, very proud na nagkuwento ito kung paano ngang kahit sumasakit ang ulo ay agad tumulong si Regine sa mga nasalanta.

"He's just very proud of me. As I am proud of him," sambit ni Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FRUSTRATED TOO. Sa gitna ng pagkukuwento ni Regine ay nangilid ang luha nito. Nagpigil ng iyak, pero makikita sa mukha nito na hindi dahil may nararamdaman itong sakit kaya napaluha. Pagkadismaya at frustration ang dahilan ng biglang pangilid ng luha sa mga mata nito.

Katulad nga ng sinabi niya, feeling-useless siya noong kasagsagan ng bagyo. Gusto niyang tulungan ang mga taong ipinapakita sa telebisyon na sinasalanta ni Ondoy, ngunit siya rin naman ay di makalabas ng bahay dahil sa lakas ng bagyo.

"It was very frustrating. To sit there, watch the news, and not be able to do anything. And... kasi si Jessica Soho, I could see the frustration on her face. Sabi niya, 'I am so frustrated, I feel so useless. Is there anything we can do? All we do is just tell people that this is what's happening. Ito yun, ito ang status ang daming taong nangangailangan ng help.' Yun lang ang puwede nilang gawin. Hanggang gano'n lang. I think a lot of people felt the same way," sabi pa ni Regine kung paanong nakaka-relate siya sa naramdaman din noon ni Jessica, ang sikat at award-winning GMA TV news anchor at vice president ng GMA News Department.

Mas nakaka-frustrate pa para sa kanya ang di maasahan noon na mabilisang pag-aksyon sana ng mga taong nasa posisyon talaga para magtrabaho sa mga panahong tulad ng pananalanta ng bagyo. Salamat na nga lang daw sa concerned citizens at private sectors na agad na tumulong sa mga nasalanta.

"In our own little way, we tried to help. All of us, ha. Ang dami natin. Kasi yung mga taong dapat gumagawa no'n, hindi natin inaasahan na hindi nila magagawa yung job nila. So a lot of people did their best. Yung mga civilian talaga, tried to help everybody," sentimyento pa ni Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinapikon pa niya ang napanood na pahayag ng isang opisyal ng gobyerno habang iniinterbyu sa TV. "Sabi niya, 'Hindi tayo agad makakarating sa lugar na 'yan. Kung wala naman kayo sa immediate danger, hindi kayo dapat mag-worry.' Hello! Nasa bubong na po ng bahay nila ang mga tao, at tumataas pa ang baha, anong 'wala sa immediate danger'? They were stuck in their bubong for like, freaking three days! Some of them were stuck there for three days with what, ano ang kinain nila?"

Nakadagdag pa sa pagkabahala niya ang pag-aalala rin sa kaligtasan ng kanyang sariling pamilya.

"Hiwa-hiwalay na kasi kami ng family ko," sabi ni Regine. "I kept checking on my family, 'cause my mom was in Quezon City at baha sa Quezon City, and for some reason, our house in Quezon City, hindi siya binaha. E, dun sa area na yun, konting ulan, binabaha. It's so weird, so parang feeling ko, love ako talaga ni God. But at the same time, you feel guilty, because yung ibang tao was not spared."

INSPIRATION. Pero hindi lang naman galit, awa, frustration, pagkadismaya, at pag-aalala ang umiral na mga damdamin sa bahay ni Regine noon. Dahil sa mga pangyayari noon, nagkaroon naman ng inspirasyon ang kasintahan ni Regine na si Ogie.

"During the typhoon, when he was being frustrated, we were both frustrated, he wrote this beautiful song called, 'Kaya Natin 'To.' And he wanted everybody to participate in it, so he asked each artist... and they said yes," kuwento ni Regine.

Pakiramdam ni Regine, naging madali sa mga artists na kinausap ni Ogie na mag-participate dahil sa tatlong rason: "One, they [the artists] really wanted to help in their own little way. Two, they did it because it was Ogie who asked them. I mean, respetado kasi siya ng mga tao talaga, ng mga artists. And three, 'cause they wanted to break all the barriers and just get together... You know, 'Let's do this, let's do this song, let's do this concert. It's for a good cause. Walang mawawala sa atin.' Walang channel-channel. So I thought it was really beautiful and it was Ogie's vision and I am so, so very proud of him."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nalulungkot lang si Regine sa mga negatibong komento ng ilang tao. Na kesyo bakit ngayon lang daw ginawa ang pagtulong, samantalang tapos na ang bagyo, na kesyo ginagamit lang nila ni Ogie at ng iba pang mga artista ang mga typhoon survivors para sa self-promotion, at iba pang di magagandang komento.

Sagot naman ng Asia's Songbird: "Di ba, lagi namang may nangangailangan? Oo nga tapos na yung bagyo, pero alam ba ng ibang tao na... like sa Marikina, nasa relief centers pa rin sila? Wala silang bahay, okey? So how can you say that it's already over. It's not over."

Sa tulong daw ng non-government organization na Gawad Kalinga na siyang beneficiary ng Kaya Natin 'To concert at album, makakagawa raw ng bahay para sa mga biktima ng bagyo at tulungan na rin ang mga ito na unti-unting bumangon mula sa pagkakasadlak sa trahedyang dulot ng mga bagyo.

"Kasi yung magbigay ka ng pagkain, gaano katagal lang yun? Isang araw lang yun. But they need their homes back. They need their hopes back. So that's why we are doing this. That's why we are trying in our own little way to help."

Sana naman daw ay isipin ng mga taong mapamintas na genuine ang ginagawa nila ni Ogie at mga kaibigan nila at di para lang sa sinasabi nilang "self-promotion."

"What for? Pag gumagawa naman kami ng album, okey pa naman kami, e. But this is totally different. It's really just to help people. Hindi siya gimik. Sana intindihin na lang nila 'yon. We just wanna help. All these artists just want to help in their own little way.

"And yung mga negative comments siguro parang, sa ngayon, hindi siya masyadong needed. Kasi maraming mga taong nawawalan ng mga pag-asa. Siguro [mas okey] kung mag-encourage tayo to have more positive attitude, to have positive comments would actually be nicer, 'cause mas ini-invoke mo yung positivity kesa sa negativity," pakiusap pa ni Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PLAYING ELEKTRA. Samantala, kinumusta naman ng PEP ang nalalapit na pagganap ni Regine bilang Elektra, ang bagong kontrabida ni Marian Rivera sa Darna.

"It's very exciting 'cause you know, I've never played kontrabida, nor an alien before. But actually, my character, even in the original character [played by Rosanna Ortiz in the 1975 Darna film Darna vs. The Planetwomen], Elektra is not naman bad, e," sabi niya.

Sa latest version, naghahanap si Elektra ng puwedeng pagkuhanan ng tubig para sa kanyang namamatay na planeta.

"She's not really a terrifying villain. She just wanted to save her planet, 'cause she's the queen of her planet and she came here to Earth to find water to bring to her planet. To save nga her planet. Nagkataon lang na nag-cross ang path nila ni Darna," kuwento ni Regine.

Handa na rin naman daw siya para gampanan ang role as far as physical demands are concerned.

"Kung sa harness, handang-handa na ako sa ganyan dahil nakapag-harness na rin naman ako in the past. At saka kung sa tayo, sa stance, okey na rin ako kasi I've been boxing."

Malaki raw ang nagawa ng pagba-boxing niya para sa kanyang physical fitness at pagre-relieve ng stress. Nagsimula raw siyang mag-boxing to lose weight at noong sinabihan siya ng GMA-7 noon na magkakaroon siya ng role sa Totoy Bato.

"Well, hindi na nga natuloy yung role ko roon, pero I found a perfect way naman of staying in shape. At, in fairness, ha, malakas daw ako sumuntok sabi ng personal trainer ko." Bigay raw ng World Boxing Association (WBA) interim super flyweight boxing champion na si Nonito Donaire ang trainer niya.

"Kasi raw, kaya ako malakas sumuntok, I'm flat-footed. Since I'm flat-footed, I'm more grounded and I get my strength in punching from there," saad ni Regine.

WORKING WITH AGA AGAIN. Kinumusta na rin ng PEP ang status ng pelikula nila ni Aga Muhlach, Of All The Things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, it's gonna be shown in February next year, so it's a Valentine movie. And we already did the pictorial, at kilig na kilig na kilig ang staff. Sabi ko, 'Okey naman kayo?'"

Katulad ng mga nauna na nilang pelikula ni Aga na Dahil May Isang Ikaw (1999) at Pangako... Ikaw Lang (2001), hindi na raw sila lumayo sa dating formula nila na isang cute love story at feel-good movie.

"Yun lang naman ang gusto naming ma-achieve, e. Nakita na ni Boss Vic [del Rosario, Viva Films big boss] ang rushes at ang sabi niya, ang ganda-ganda raw. Although ang gusto sana ni Boss Vic, puwede na kaming gumanap ng mas mature na roles na tulad nung ginagawa noon nina Vilma Santos at Christopher de Leon. Pero doon na nga kami nakilala sa past movies namin. Yung mga gano'ng klaseng roles. So ayaw naman naming mawala yung gano'ng pagkakilala sa amin nung fans," patuloy ni Regine.

Sa tagal ng hindi na nila pagtatrabaho ni Aga, marami pa rin naman daw silang pinag-uusapan. Pero kumpara noon, mas seryoso at mature na ang usapan nila.

"Pareho pa rin naman kaming madaldal, parehong mahilig tumawa. Pero sa ngayon, yung mga pinag-uusapan namin, mas malalim na," wika pa ng Songbird.

AGREES WITH ANGRY AGA. Natanong tuloy ng PEP si Regine kung sang-ayon ba siya sa mga opinyon ni Aga sa kumalat kamakailan na YouTube at Facebook video ng aktor. Pareho rin ba sila ng sentimyento ni Aga tungkol sa maling pamamalakad ng gobyerno?

"I can totally relate [with] him!" bulalas ni Regine. "He's actually very angry! But I totally understand why he's very angry. We're both very frustrated. He's just like Ogie and I. I think we all are naman, e.

"Can you imagine... I was watching TV, I was watching the news, alam niyo yung sa 24 Oras... yung meron silang libro, sa Biyaheng Totoo? Yung bibigyan ng parang libro yung tao, tapos isusulat nung tao yung gusto niya... 'Para sa susunod na presidente, sana po ay tulungan niyo kami...'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"What does that tell you? We still have a president, right? Why are we waiting [agad] for the next one? May ilang buwan pa naman, a. Malayo pa yung eleksyon. What does that tell you, di ba?" natatawang tanong ng Asia's Songbird.

Di tuloy napigilan na rin ni Regine na magparating ng mensahe sa mga boboto sa 2010 presidential elections.

"Kaya nga, before tayo bumoto—think! It's time for us to really think. 'Wag tayong... Kasi naiintindihan ko naman yung mga pamilyang walang-wala. Yung bibigyan ng P5,000 [kapalit ng boto], dahil walang-wala ka, e. Pero isipin mo rin na yung gagawin mo, yung P5,000, isa o dalawang araw lang 'yan. Yung kapalit naman, pangmatagalan, e. Yung kinabukasan. So, think. Think before you vote," pagwawakas ni Regine.

CLICK HERE to watch video clip of Regine about After the Rain.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN