Piolo Pascual excited to turn over leading-man crown in due time

"You know, kung anuman ang mangyari, mawala man ito [kasikatan], happy pa rin ako because may nagawa ako sa buhay ko. Sobra-sobrang blessings po. Sa akin, grabe na yung mga nangyari sa akin. Kung magpapaka-selfish pa ako at hindi ko binibigyan ng chance ang ibang tao, may problema sa akin," says Piolo Pascual.


Bagama't launching ni Piolo Pascual para sa kanyang bagong album under Star Records na pinamagatang Decades: The Greatest Songs of the 50's, 60's and 70's ang ipinunta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kahapon, Disyembre 9, sa 13th floor ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN compound, hindi pa rin nakaiwas sa mga maiintrigang tanong ang hunky actor-singer. (CLICK HERE to watch one of his performances in the presscon)

Hanggang ngayon ay pinipilit pa rin kasi ng mga press si Piolo na aminin ang totoong estado ng relasyon nila ng leading lady niya sa Lovers in Paris na si KC Concepcion, lalo na nga't dedicated sa aktres ang kantang "Can't Take My Eyes Off You" mula sa Decades album ni Piolo.

Sa past interviews kasi ni Piolo ay sinasabi niya na iniiwasan nilang umamin ni KC dahil baka sabihin lang ng mga tao na dahil may ginagawa silang project ay promo lang ang sweetness nila. Ngayong magtatapos na ang Lovers In Paris sa December 11, aamin na ba sila?

"Hindi pa tapos. After Friday, balikan mo ako. Hindi ko alam!" sabay tawa nang malakas ni Piolo.

So, after Friday, meron bang mai-expect na pag-amin mula sa kanila?

"A, hindi pa nga kami nakakapag-usap ni KC, e. Mag-usap muna kami, tapos sasabihin namin sa inyo," pag-iwas pa ng aktor.

Dati kasi sinasabi niya na ayaw pa niyang ituloy ang panliligaw kay KC because of Lovers in Paris. Ngayon ba ay itutuloy na niya ang panliligaw?

"Sa amin na lang yun ni KC. Basta if there's anything, if there's something, just like what I've said, we want to keep it to ourselves. Because masyado kaming parehong exposed sa camera. Ang bottom line naman, we just want to protect our friendship, our relationship, whatever you may call it," saad ni Piolo.

Hindi ba siya naiinis sa mga taong ayaw maniwala na special talaga sa kanya si KC?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"A talaga, may ganun ba?" reaksiyon niya. "Tahimik pa ako ng lagay na 'yan, a. Paano pa pag sinabi kong kami na, ano pang sasabihin ko? Saan pa ako lulugar? Wala naman akong magagawa, e, opinyon nila 'yan, e. Bahala sila sa buhay nila. Basta KC will always be somebody special."

OWN FAMILY WILL BE TOP PRIORITY. Nasa hustong edad na rin naman si Piolo para mag-asawa. Pero ayon sa aktor, who will turn 33 on January 12 next year, ayaw niya raw pilitin ang kanyang sarili. Naniniwala siyang darating din ang araw na 'yon.

Meron na siyang isang anak na lalaki, si Iñigo, pero hinihintay pa rin niya ang panahon na magkakaron siya ng sariling pamilya. Kung siya raw ang tatanungin, excited na siya pag naiisip niya ito.

If ever ba na mag-settle down na siya, yung career ba ay less priority na?

"Pag nag-settle down na po ako, definitely mas magiging priority ko yung pamilya ko."

Pero magsu-showbiz pa rin ba siya?

"If there is still work at kung meron pang interested, or pag may projects pang darating, yes, definitely. I would like to stay in the business as long as I can. Ito yung mahal ko, e. Mahal ko yung pag-arte, mahal ko yung pagkanta, mahal ko yung magpasaya ng tao. Pero pag dumating kasi yung point na mag-asawa ako at magkaroon ako ng family, yun ang magiging top priority ko," saad niya.

EXCITED TO ENJOY LIFE. Nasa prime si Piolo sa kanyang career ngayon. Hindi ba siya nagwo-worry na darating yung araw na mababawasan ang offers sa kanya?

"Actually, nae-excite nga po ako, e," sabi niya. "Nae-excite akong makapamasyal. Kasi sa eleven years ko sa industriya, hindi ko nabigyan ang sarili ko ng enough time to enjoy life. As it is, yes, I enjoy life, but because I love what I'm doing. Not naman na I'm expecting it, but I want to anticipate that so that you give chance to others. I mean, because ang isang bagay kapag inari mo at nawala sa iyo, masakit. E, sa akin naman po, ang lahat ng bagay panandalian lang, hiram lang. Kung anuman yung meron ako ngayon, I enjoy it and I'm grateful for it. It doesn't mean na aariin ko na para sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napaghandaan na rin ba niya ang pagdating ng araw na mawala na ang maraming offers?

"Napaghandaan ko na rin naman. May insurance naman ako!" natatawang sabi ni Piolo. "Lahat naman [ng artista] dumadaan sa ganun. Hindi ka naman teenager forever, di ba? Tulad nga ng sabi ko, excited akong magbakasyon. Excited akong makapamasyal. Excited akong mag-start ng family. Excited ako to enjoy life.

"You know, kung anuman ang mangyari, mawala man ito [kasikatan], happy pa rin ako because may nagawa ako sa buhay ko. Sobra-sobrang blessings po. Sa akin, grabe na yung mga nangyari sa akin. Kung magpapaka-selfish pa ako at hindi ko binibigyan ng chance ang ibang tao, may problema sa akin."

So, hindi totoo yung nai-insecure daw siya sa mga kapwa niya Kapamilya na sina John Lloyd Cruz at Sam Milby?

"Natutuwa pa nga ako pag may nangyayari sa kanila, e. Like si Sam na kapatid, si Lloydie na kasama ko sa Star Magic, pati si Gerald [Anderson]. Noon ngang Sunday sa ASAP, kumanta kami, nandun pa si Derek [Ramsay]. So, I always welcome anybody new.

"Kung sinuman yung ano... you rise above the challenges of being a leading man. Hindi biro, e. So, if I can be a kuya or somebody na magbibigay ng advice, hindi ako makikipagkumpitensiya. Ang kinukumpitensiya ko ay sarili ko, e. Never akong nakipag-compete sa kahit kanino," saad ni Piolo.

PLAYING NINOY. Samantala, nilinaw naman ni Piolo ang tungkol sa balitang sisimulan na raw niya ang biopic o pelikula tungkol sa buhay ng bayaning si Ninoy Aquino. Diumano'y hawak na raw niya ang script para rito. Gaano ito katotoo?

"It's not a biopic, it's an MMK [Maalaala Mo Kaya] episode. We're taping next week," rebelasyon ni Piolo.

Hindi pa raw niya puwedeng sabihin kung sino ang makakasama niya. Sa ngayon daw ay siya pa lang ang confirmed sa mga artistang kasama sa MMK episode tungkol kay Ninoy. Ididirek daw ito ni Jeffrey Jeturian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang mga paghahandang ginagawa niya para rito?

"Binabasa ko. Katulad noong ginawa ko nung Dekada '70, binasa ko yung nobela. Ito, binabasa ko... meron akong mga research materials. And yung DVD ng buhay nila. And coming from ABS also, binibigyan nila ako ng aids para makilala ko pa kung sino si Ninoy and, of course, yung love story ng mag-asawa [Ninoy and Cory Aquino]."

Bakit MMK episode lang at hindi pelikula?

"E, yun ang in-offer, e," sagot ni Piolo. "Kung meron mang pelikula, hindi pa dumarating sa akin yung offer. Wala pang kontrata. So, dun muna ako sa Maalaala. Anyway, it's still a challenge. Pero siguro gusto nilang makita. And they wanted to pay tribute to Tita Cory and Ninoy, so dun muna. It's an MMK episode. It's a challenge, it's an opportunity for me to portray somebody na alam naman nating lahat na hero of our generation."

Nagkausap na ba sila ni Kris Aquino tungkol dito?

"Hindi pa kami nagkakausap, but I will definitely call her and ask for advice, ask for tips. Because kinuha naman sa kanila, sa magkakapatid yung reference, e."

Ano ang feeling niya na aprubado ng mga magkakapatid na Aquino ang pagganap niya bilang Ninoy?

"Nakaka-pressure din," pag-amin ni Piolo. "I mean, hindi ka puwedeng mag-rely lang dahil gusto ka nila. Yung mga tao kasi, hindi pa lumalabas, may judgment na... Hindi ko raw kamukha. You're not as eloquent as he was. And then sasabihin nila na wala akong karapatan. So, ako, you know, I'll take it like a grain of salt and do what I can to, you know, come up with something na version ko, kasi i-entrust sa akin yun, e."

Dagdag niya, "Ganun naman ako pag, like kunwari pag may kanta sa concert, kaya ko ba ito? Sa acting, kaya ko ba ito? Pero dapat sabihin mo sa sarili mo na kaya mo. Kaya nga binigay sa iyo because kaya mong gawin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHRISTMAS PLANS. Ano ang plano niya sa Pasko?

"Nandito ako ng Christmas and New Year. I'm leaving before Christmas for abroad. I'll be gone for a couple of days, then babalik ako for Christmas."

Makakasama niya ba ang anak niyang si Iñigo sa bakasyong ito?

"No, Iñigo is in the States kasi," sabi niya.

Ano naman ang kanyang Christmas wish?

"Ang wish ko is magkaroon ng magandang Christmas yung mga kababayan natin, especially yung mga nasalanta ng typhoon. I wanna be able to at least share something or, you know, through prayer at least, na magkaroon ng magandang Pasko yung mga kababayan natin."

SEXIEST MAN. Ano ang comment niya sa recognition na ibinigay sa kanya ng Cinema One Originals bilang "The Legend" and "Sexiest Man"?

"Thank you, thank you. Wala akong masasabi. Blessing yun, I mean, you know, nakakatuwa, nakakataba ng puso kapag nabibigyan ka ng ganung recognition. Pero hindi ka puwedeng mag-dwell, you have to move on and just accept it and be happy dahil may mga taong naniniwala. But it doesn't end there."

Agree ba siya na sexy siya?

"Oo!" walang gatol na sagot ni Piolo sabay tawa nang malakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN