Jake Cuenca says he has no time to enter into a relationship right now

"There's so many things to be thankful. And yung 2009, when I said na this time magpo-focus lang talaga ako sa work ko na nagawa ko naman. Sobrang happy ako and yun nga, puro pasasalamat lang sa mga blessing at magagandang opportunity," says Jake Cuenca.


Loaded ang schedule ni Jake Cuenca kung kaya't sa isang araw, lagare siya halos sa iba't ibang commitments niya. Tulad na lamang kahapon, December 11, kung saan pagkatapos ng maghapon niyang pictorial for Bench, dumiretso pa ang young actor sa taping ng Precious Hearts Romances Presents My Cheating Heart.

Umeere na sa ABS-CBN ang My Cheating Heart, kung saansi Cristine Reyes ang leading lady ni Jake. Maayos na raw ang working relationship nila ngayon kahit na nagkaroon sila ng issue before.

"Nag-pilot na kami noong Monday [Dec. 7] at tuloy-tuloy na ang taping namin," banggit ni Jake sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Ayos naman, okey na okey kami ni Cristine. At the same time, feeling ko, parang suwerte ako. Kasi bihira ka lang namang ma-pair sa mga pinaka-sexy na babae sa Pilipinas. So, kumbaga, ang sa akin naman, parang treasure yun at sana maulit pa.

"I really enjoyed working with Cristine. Kung sa Bud Brothers okey kami, dito, mas naging close kami kasi medyo mas mahabang project. Sana in the future, ma-pair pa rin kami. At saka si Cristine, sweet siya sa set. Mahilig makipagharutan 'yan. At the same time, magdadala ng foods. Touchy na person 'yan. Palaging namimitik."

Nalaman din ng PEP mula kay Jake na service ng ABS-CBN ang ginagamit na sasakyan ngayon ni Cristine dahil kasalukuyan pa rin daw inaayos ang sasakyan ng dalaga na nasalanta noong bagyong Ondoy.

May lumabas ding balita na sa isang taping daw nila ni Cristine ay muntik na itong malunod at si Jake daw ang sumagip sa kanya. Ano nga ba ang nangyari?

"Gumagawa kami ng eksena, nalulunod na pala siya sa pool. Ang isinisigaw niya nun, 'Jake, tulong! Jake tulong!' So, siyempre, sinave ko siya. Pero hindi rin naman kasi ako magaling na swimmer. Kaya pag-angat ko sa kanya, ako naman ang parang malulunod, pero tiniis ko na lang," kuwento ng young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malalim daw talaga ang swimming pool na 9 ft. ang lalim.

"Nandoon kasi siya sa malalim na part. Nagtaka na lang ako na parang, 'Jake, tulong!' Parang mali na yun."

Ayon kay Jake, nakikita niya ang kaibahan ni Cristine ngayon.

"Ano siya, e, mas naging simpleng tao siya ngayon. At aminado siyang hindi na siya masyadong nag-e-enjoy sa mga mamahaling bagay. And I can imagine, napaka-traumatic naman kasi ng nangyari sa kanya," aniya.

RUBI. Kasabay ng taping ng My Cheating Heart ang taping ni Jake para sa Rubi, ang upcoming primetime series ng ABS-CBN. Balitang ito pang-opening salvo ng Kapamilya network sa 2010.

"Marami-rami na rin kaming nate-tape," banggit ni Jake. "We taped I think seven or eight weeks already. Matagal kasi. Tine-taping pa lang namin ang Tayong Dalawa, nagte-taping na kami sa Rubi noon.

"It's going to be a long soap, hindi siya pang-one season lang. Pero siyempre, depende naman 'yan. Depende naman sa taste ng tao. Pero confident naman kami kasi maganda rin naman yung show. It's different and at the same time, first time mo na makikita ang quadrangle namin nina Diet [Diether Ocampo], Angelica Panganiban, and Shaina Magdayao."

MELISSA RICKS. Pinabigyang-linaw rin ng PEP kay Jake ang lumabas na balitang naglayas daw ang rumored girlfriend niyang si Melissa Ricks at sa bahay ni Jake ito nagpunta. Ayon pa sa balita, si Jake daw ang tumulong at nagpayong umuwi na sa kanila si Melissa. Totoo ba ito?

Ayon kay Jake, "Wala naman... Actually, nabalitaan ko 'yan sa SNN. Nagulat din ako sa SNN. Wala naman akong alam na naglayas kasi alam ko naman na okey naman sila talaga ng mama niya.

"At the same time, sobrang flattered ako kasi ang dami niyang [Melissa] magagandang sinabi sa SNN. Sobrang na-flattered talaga ako kasi magkaibigan lang naman kami ni Melissa. Sobrang na-flattered ako, pero wala naman yung layas na naganap, sa pagkakaalam ko, ha," saad ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pumunta lang ba sa bahay niya si Melissa?

"Hindi pa siya nakakarating sa bahay ko," paglilinaw ni Jake. "Nakakalabas lang kami minsan kasama ang friends niya. Same group kami, e. Sina Gerald [Anderson], sina Erich [Gonzales], sina Enchong Dee... I mean, we're the same group of friends."

Binanggit namin kay Jake na dahil sa isyung ito ay nagkaroon tuloy ng impression na may relasyon talaga sila ni Melissa.

"Magkaibigan kami," diin niya. "At saka ako naman, basta kailangan ng isang kaibigan, nandoon ako. At pagdating kay Melissa, pagdating sa kanya, very supportive ako kasi nakikita ko yung mga pagbabago sa buhay niya ngayon. She's becoming more independent, starting to be a woman. At the same time, ang daming blessings na dumarating sa kanya, she's getting her big break. So, ako, very supportive ako sa kanya. At the same time, ganun din ako sa ibang friends ko."

Bakit hindi mamatay-matay ang isyu na hindi pabor sa kanya ang mommy ni Melissa?

"Well, ang sa akin naman, sana tingnan din ng tao ang positive side. Kumbaga, ang mga tsisimis, BI [bad influence] raw ako, well, sana stop looking at the negative side. Well, for me, totoo ang tsismis na nagbago siya... but for the better. Nagiging woman na talaga siya, independent.

"Siyempre, madaling tingnan ang negative side. Sanay na ako riyan dahil ilang beses na rin akong nalagay sa negative side. Pero sana, makita rin natin ang kagandahan ng nangyayari, di ba? Basta ako naman, basta dito lang ako supporting her as friend. Maaasahan niya ang suporta ko."

Pero ano nga ba ang status nilang dalawa—sila na ba, nanliligaw?

"Ako kasi, wala talaga akong time. I work almost every day. Kumbaga ako, naglu-look forward ako sa bakasyon ngayon. Plano ko ngang bisitahin ang pamilya ko sa Spain kasi I haven't seen my family for a year already. So, ang sa akin naman, wala pa talaga akong time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, hindi ko masabing kaya kong kumilos. Ang sa akin kasi, kung manliligaw ka sa isang babaeng tulad ni Melissa, seryoso yun, e. Siya yung tipong masarap alagaan talaga," pahayag ni Jake.

BIRTHDAY BOY. Sa December 30 ay magse-celebrate ng kanyang 22nd birthday si Jake. Aside from his yearly gift-giving sa mga less fortunate, hindi pa masabi ni Jake kung ano ang magiging celebration niya.

Para sa kanya, naging napakaganda raw ng 2009 sa kanya at looking forward na nga siya sa darating na taon.

"There's so many things to be thankful. And yung 2009, when I said na this time magpo-focus lang talaga ako sa work ko na nagawa ko naman. Sobrang happy ako and yun nga, puro pasasalamat lang sa mga blessing at magagandang opportunity," nakangiting sabi ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN