Katrina Halili still wants Hayden Kho in jail

Actress Katrina Halili is still not satisfied with the revocation of Hayden Kho's medical license. "Kulang pa yun. Kulang pa yun... 'Tapos, sana ano... maparusahan naman po siya sa ginawa niya. Sana makulong pa siya," says the StarStruck alumna.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang sexy actress na si Katrina Halili sa mismong tahanan niya sa New Manila, Quezon City, noong Martes, December 8.

Ayon kay Katrina, nakarating na sa kanya ang balita na tinanggalan na ng lisensiya ng Professional Regulation Commission (PRC) ang idinemanda niyang si Dr. Hayden Kho dahil sa pagkuha nito ng video ng kanilang sexual act na kumalat sa Internet. Pero hindi pa rin daw masaya ang aktres dito.

"Kulang pa yun. Kulang pa yun," sabi ni Katrina.

Hanggang saan ba ang gustong mangyari ni Katrina kay Hayden?

"Yun nga, malaman niya na nagkasala siya, magsisi po siya. 'Tapos, sana ano... maparusahan naman po siya sa ginawa niya. Sana makulong pa siya," diretsong sabi ng StarStruck alumna.

HAYDEN'S REPORTED SUICIDE ATTEMPT. Kamakailan ay napabalita na nagtangkang magpakamatay for the second time si Hayden. Aware din daw si Katrina sa balitang ito kay Hayden.

"Narinig ko po 'yon. Pero ayoko po munang mag-comment kasi hindi po kami puwedeng magsalita. Kasi may kaso po kami," iwas niya.

Kahit galit si Katrina kay Hayden ay hindi naman daw niya ikinatutuwa ang balita tungkol sa muling suicide attempt nito.

"Sobrang naaawa na ako. Alam niyo 'yon, pero... hay naku! Huwag na lang... hindi na lang po ako magku-comment," pagpigil ni Katrina sa kanyang sarili.

Samantala, itinanggi na ni Hayden at ng kanyang pamilya na nagtangka siyang magpakamatay. "Intestinal flu" lamang daw ang dahilan ng pagkaka-confine niya sa hospital.

Ilang tulog na lang ay Pasko na. Paano kung biglang magpunta sa kanilang bahay si Hayden at humingi ito ng tawad sa kanya? Ano ang gagawin niya?

"Huwag po siyang magpaka-plastik. Tapusin na muna namin yung kaso namin, di ba?" sagot ni Katrina.

THE FIGHT CONTINUES. Present sa lahat ng kanilang hearing si Katrina. Gusto raw kasi niyang ipakita na talagang desidido siya na ituloy ang kasong isinampa niya laban kay Hayden, ang lalaking minsan ay minahal niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay nito, personal na nagtungo si Katrina at ang kanyang legal counsel na si Atty. Raymund Palad sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon, December 10. Dinala nila ang written request at resolution ng Department of Justice (DOJ) na nagsasaad ng direktiba sa NBI na imbestigahan ang apat pang iba na posibleng sangkot sa pagpapakalat ng sex video nina Katrina at Hayden.



Kabilang sa pinaiimbestigahan ni Katrina sina Cedric Lee, partner ng singer-actress na si Vina Morales; Cris Arenas, sinasabing anak ni Rosemarie “Baby" Arenes; Mario Villaroman, computer expert; at Joy Umandap, empleyado ng Belo Medical Group.

Ayon sa GMA News, ang pangalan ng apat ay nabanggit diumano sa meeting na ginawa nina Hayden, ang girlfriend nitong si Dra. Vicki Belo, ang talent manager na si Lolit Solis, at isang abogado.

ALL-OUT SUPPORT FROM GMA-7. Natutuwa naman si Katrina dahil all-out ang suportang ibinibigay sa kanya ng kanyang mother studio, ang GMA-7, sa laban niyang ito. "Mula sa umpisa ng kaso hanggang ngayon, nakita ko yung moral support nila sa akin," sabi niya.

Happy rin si Katrina sa suporta ng Kapuso network sa kanyang career dahil hindi siya nababakante sa trabaho.

"Super-happy ako na after Rosalinda, nasa Darna naman ako."

MARICAR REYES. Hindi lang si Katrina ang may sex video with Hayden, kundi pati na rin ang Kapamilya telent na si Maricar Reyes. Pero hindi kailanman nagpa-interview si Maricar tungkol dito.

Ano ang masasabi ni Katrina na sa kabila ng eskandalong kinasangkutan ni Maricar ay maganda pa rin ang takbo ng career nito?

"Happy naman po ako na hindi siya pinapabayaan ng network niya. At least, nakakapag-move on din siya. Ako, hindi ko pa man masabing fully recovered na ako, mas tumibay ang loob ko ngayon. Ang dami kong hinarap, di ba? Ang dami ko pang hinaharap at haharapin pa. Lahat 'yon nalampasan ko at lalampasan ko pa. At 'yong maraming taong sumuporta sa akin ang nagpatibay ng loob ko talaga," pahayag ni Katrina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AFRAID TO LOVE AGAIN? After her failed relationship with singer Kris Lawrence ay hindi pa ulit nakikipagrelasyon si Katrina. Kailan kaya muling susubukan ni Katrina na magmahal?

"Naku, mahirap po 'yan!" tawa niya. "Right now, wala rin po akong manliligaw."

Natatakot na ba siya sa mga lalaki dahil sa nangyari sa kanya?

"Baka sila ang natatakot!" tawa na naman ni Katrina. "Basta wala muna pong ganyan. Kasi... Di ba, trabaho na lang po muna? Si Kris, okey naman po kami. Magkaibigan kami. Sinusuportahan niya ako. Ayoko po muna ng karelasyon."

So, close pa rin sila ni Kris?

"Opo. Pumupunta pa rin siya sa bahay."

Masasabi pa rin ni Katrina na special pa rin sa puso niya si Kris dahil palagi raw itong nandiyan para sa kanya at sinusuportahan siya.

So, may posibilidad bang magkabalikan pa sila?

"May chance kung maghihintay siya," sagot ni Katrina. "Basta ako, kapag may tiyaga, puwede, di ba? Bahala na po. Pero sa ngayon, wala po muna akong interes sa lovelife. Hindi muna sa ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN