Rayver Cruz says Sarah Geronimo's star status is one reason he hasn't courted her yet

"Pero si Sarah, pag nakikita mo, ano, e, parang hindi siya si Sarah Geronimo, sobrang bait kasi, e. Hindi niya pinapasok sa utak niya na Sarah siya," says the pop singer's number one fan, and hopefully, successful suitor.


Kahit aminadong may pagtingin ang aktor na si Rayver Cruz sa tinaguriang Pop Princess na si Sarah Geronimo na kasamahan niya sa ASAP '09, ay wala pang plano si Rayver na ligawan ito.

"Friends lang talaga kami. Gusto kong hanggang dito lang muna kami, ayaw ko namang madaliin. 'Tsaka alam naman nating lahat na hindi pa kasi siya puwedeng magka-boyfriend," sabi ni Rayver nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon na ipinatawag ng ABS-CBN Star Magic. Ang okasyon ay para sa mga talents nila na nagbi-birthday sa buwan ng Disyembre at sa mga may entries na pelikula sa 2009 Metro Manila Film Festival. Kasama si Rayver sa "Lamanglupa" episodeng Shake, Rattle & Roll XI.

Gusto ni Rayver na friends muna sila ni Sarah para "at least kilala ninyo na yung isa't isa bago pa man magkaroon ng ligawan," sabi ng binata.

"Hindi naman kami nawawalan ng communication," dugtong pa niya. "Kinakamusta ko naman siya once in a while. Di ba kababalik niya lang galing Europe?"

Special friend kung ituring ni Rayver si Sarah.

"Special siya kasi hindi ko naman ini-expect na magiging friends kami... Nagsimula yung friendship namin nang magkasama kami sa You Changed My Life. Nakakapag-usap na kami backstage sa ASAP."

Niyaya na ba niya si Sarah na lumabas?

"Ay, hindi pa," aniya.

BIG STAR. May mga nagsasabi na kaya di maligawan ni Rayver si Sarah ay dahil hindi boto sa kanya ang Mommy Divine ng dalaga.

"Hindi naman ganoon," tanggi ni Rayver. "Okey naman ang mommy niya sa akin. Minsan nagkakausap naman kami sa ASAP."

Ang pagiging big star ni Sarah kumpara sa kanya ay isa ring dahilan kung bakit ayaw pa niyang ligawan si Sarah.

"Siyempre, kasama rin yun. Sarah Geronimo siya, di ba, kaya kahit paano may ilang factor... Pero yun nga, hindi ko ini-expect na magiging magkaibigan kami dahil big star siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero si Sarah, pag nakikita mo, ano, e, parang hindi siya si Sarah Geronimo, sobrang bait kasi, e. Hindi niya pinapasok sa utak niya na Sarah siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN