Tanya Garcia wants to have another baby before marrying partner Mark Lapid

"Siguro by mid-next year at wala pang baby, baka mauna na ang wedding. Pero kasi ang plano talaga, magka-baby muna. Ayoko rin kasi na 30 na ako, dun pa lang ako mabubuntis," says Tanya Garcia.


Nagkaroon ng pocket interview para kay Tanya Garcia sa Via Mare restaurant sa Tomas Morato noong Martes ng tanghali, December 8. May kaugnayan ito sa bago niyang business, ang Salon MiSCHA na kasalukuyang under construction sa 5th Level Atrium ng SM Megamall.

Hindi man siya masyadong busy sa kanyang showbiz career, busy naman siya sa kanyang pag-aaral. Kumukuha siya ngayon ng makeup and salon management sa Australian College of Hair and Beauty Design.

From Pampanga, kung saan siya nakatira with partner Mark Lapid and their daughter Mischa Amidala, lumuluwas si Tanya ng Maynila para mag-aral. Pero umuuwi siya agad sa Pampanga pagkatapos ng klase niya.

"It's something new kasi," sagot ni Tanya kung bakit niya naisip magtayo ng sariling salon. "Hindi lang siya salon, it's more on hair care treatment clinic siya na nasa salon. Hopefully by February, mag-open na siya. Meron kaming kukuhaning experts talaga na yun ang expertise nila. Hindi kagaya sa ibang salon na marunong lang gumipit, stylist na, pero hindi nati-treat ang hair.

"Ang aim talaga namin is to eliminate yung trial and error at ipapasok namin yung something really new. At ngayon nga, nag-aaral ako ng basic makeup. After that, kailangan mo pang i-take up ang ibang courses. At diploma siya, degree holder talaga. School talaga siya at puwedeng ipadala sa Australia kung papasa ka talaga," lahad ni Tanya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Tamang-tama raw sa kanya itong salon business dahil mahilig talaga siyang magpaganda.

"Siyempre, di ba, when you put up a business, gusto mo yung something that you really want?" sabi ni Tanya.

Supportive naman daw si Mark sa pagpasok niya dito.

"Supportive siya in everything I do. Pero ano kasi siya, worrier, natatakot siya kapag gabing-gabi na wala pa sa bahay. Pero ngayon, happy naman siya dahil alam niyang I'm doing something that I really like at hawak ko nga ang time ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Since dito siya naka-focus, nangangahulugan bang hindi na siya magiging aktibo sa showbiz?

"Hindi naman... Ano lang, semi-retired? Meron bang ganun?" natatawa niyang tanong. "Open naman ako to work. Nagkataon lang talaga na kapag may family ka na, iba na yung dapat mong i-prioritize."

WORKING ON SECOND BABY. Sa ngayon, masasabi ni Tanya that she's happy and contented with her personal life.

"Yes, super, of course," nakangiti niyang sabi.

Hindi rin itinatanggi ni Tanya na she and Mark are already working on a second baby.

"Two months na rin na nagta-try kami, kaso wala pa. Pero siguro ano rin, busy lang. Pero hindi naman siya stressed. Hindi rin naman ako stressed. Pero hindi pa lang talaga. Wala namang nakikitang diperensiya.

"Although, before nga, noong mabuntis ako, ang sinabi lang sa akin ng ob-gyne ko, inverted uterus. And usually raw kapag inverted uterus, mahirap talagang magbuo. But since nabuo nga si Mischa, sabi naman niya, baka hindi... baka ganyan... Pero ngayon nga, we're trying talaga."

Isa rin sa mga plano nila ay ang pagpapakasal nila ni Mark, lalo na ngayong na-annul na ang kasal ni Mark sa Koreana na si Yuri Park.

"Oo nga, isa pa yun sa plano," sabi ni Tanya. "Siguro by mid-next year at wala pang baby, baka mauna na ang wedding. Pero kasi ang plano talaga, magka-baby muna. Ayoko rin kasi na 30 na ako, dun pa lang ako mabubuntis."

Kilala si Tanya as a very good event planner. Kaya siguradong something to look forward to ang wedding niya.

"Gusto ko nga sana tatlo. May garden, may beach at saka simbahan. At saka gusto ko meron pang Paris. Nadaragdagan nang nadaragdagan!" natatawa niyang sabi.

Hindi raw tatakbo sa 2010 elections si Mark, na natalo noong 2007 nang tumakbo muli itong governor ng Pampanga.

"Kasi tatakbo ang daddy niya [Lito Lapid] for senator again. Pero alam niyo naman ako, when it comes to politics, hangga't maari, ayaw kong makialam or hindi ako nakiki-involve," sabi ni Tanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN