Sharon Cuneta considers Mano Po 6 as one of the top 10 films in her career

There's an intriguing scene in Mano Po 6 where she tries to bribe Dennis Trillo to stay away from her daughter, played by Heart Evangelista. Is it something she'd be willing to do if her own daughters were in danger of falling for a cad? "Bakit ko babayaran? Ipapakulong ko na lang, Diyos ko! Pero ako, I will never choose for my children. I'm only here to give them advice but I cannot give them their happiness."


First time si Sharon Cuneta na gumawa ng pelikula para sa Regal Films kaya hindi maikakailang napakaespesyal itong ipinasok ng Regal sa 2009 Metro Manila Film Festival, ang Mano Po 6: My Mother's Love, na pinangungunahan ng Megastar.

Katulad ng ibang actors na gumanap ng Chinese roles sa mga naunang Mano Po series, sa pagsasalita raw ng wikang Chinese, medyo nahirapan siya.

"Siyempre iba yung words na minememorya mo, nakakatulong na alam mo ang meaning. But hindi siya natural sa 'yo, so may effort talaga. Pero nasanay na rin ako. Nasanay na rin kaming lahat. Ang mahirap yung flashback. Yung schedule rin namin mahirap kasi nga yung playdate nga is Christmas.

"Kahit noong mag-China kami, we woke up at 5:30 in the morning. E, maagang bumaba ang araw, so, kailangan tapos na kami for the day ng 5 p.m. E, ma-traffic pa sa China. Yung location pa namin, two-three hours away... Pero, emotionally, mentally, we really had a good time. "

MOTHER'S ADVICE. Isa raw ang MP6 sa mako-consider ni Sharon among her special movies.

"Sa rami ng nagawa ko, I've done 65, 66, it's in the top ten. Kasama na yung mga Madrasta, Dear Heart, Bituing Walang Ningning... very, very special, aside from the fact na it's my first from Regal. After 31 years [in show business], it's my first time with Regal. Tapos, si Direk Joel [Lamangan] pa ang nagdirek nito and the actors are very good actors. So, very special."

Nagsisilbing reunion movie rin ang MP6 sa kanila ni Zsa Zsa Padilla, na huli niyang nakasama sa Madrasta noong 1996.

Ilan pa sa kasama niya sa cast ay sina Heart Evangelista, Ciara Sotto, Nicole Uysiuseng at John Manalo, na gumaganap bilang mga anak niya. Kasama rin sina Dennis Trillo, JC de Vera, Glaiza de Castro, Niña Jose at Ryan Eigenmann, with the special participation of Kris Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May eksena sa movie kunsaan binabayaran niya ng milyones si Dennis para layuan lang si Heart. Magawa rin niya kaya ito in real life para sa mga anak niyang babae?

"Kasi si Dennis [sa pelikula]... dalawang anak ko ang niloloko niya. So, since galit nga sa akin si Heart, lahat na lang ng sabihin ko, mali. Parang yun na ang pinaka-naisip kong gesture na mailayo siya from Heart.

"Pero in real life? Bakit ko babayaran? Ipapakulong ko na lang, Diyos ko! O kaya papahanap na lang ako ng ebidensiya sa kasamaan ng pagkatao niya. Pero ako, I will never choose for my children. I'm only here to give them advice but I cannot give them their happiness."

FATHER'S INHERITANCE. Napag-usapan din sa Regal press conference ang tungkol sa pamana sana sa pamilya nila ng namayapang ama na si Mayor Pablo Cuneta, pero, hanggang ngayon ay hindi pa nila nahahawakan.

Aniya, "Lahat kami na mga Cuneta, hindi namin alam or hindi namin nakita ang dapat mamanahin namin. Alam naming meron kaming mana dahil sinabi sa amin ni Daddy yun... Wala lang talaga kaming ebidensiya sa pinagkakatiwalaan ni Dad.

"I know my dad to be a good provider for us and I don't think hindi siya nag-prepare."

Sabi rin niya, "Ako, I've always been responsible with my money. Bata pa lang ako, negosyante na ako. Masipag akong mag-ipon lagi. I don't think anyone worked harder than me during my Viva days, so, sa awa ng Panginoon Diyos, umaasenso ang career ko, mas lalong nakakaipon until nawalan man kaming lahat, pero si Mommy, never na kinailangang magbago ng lifestyle. So, walang nabago sa lifestyle niya.

"Pero feeling ko, forty years niyang kasama si Daddy. I mean, it's just right. Siyempre, kanino ba niya iiwan ang pinaghirapan niya, sa pamilya niya. Lahat—mga kapatid ko, pamilya niya noong buhay siya, inalagaan niya. Alangan naman noong mamatay siya, wala na siyang pakialam. Hindi ganun ang daddy. So, bahala na ang Diyos sa lahat sa amin at sa taong yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SURPRISES FOR LOYAL FANS. This coming 2010, marami raw sorpresang ihahandog si Sharon, lalo na para sa mga naging loyal followers niya.

"I have so many surprises in store for all of you next year. As part of my documentary special which will air a week before my birthday, there's a concert at Araneta, which will be on January 12.

"Marami nang documentaries na ginawa about me, pero ito yung mga taong ini-interview, sila talaga ang mga taong nakakakilala sa akin. Hindi yung mali-mali naman ang information na ibinibigay. 'Eto, ito yung mga taong malalapit talaga sa akin. By January also will be the release of my magazine[-format program] in ABS-CBN called Sharon! I'm very hands-on with that.

"And there's also a movie next year and I'm hoping na sana matuloy ang mga plano."

Pareho sila ng kanyang ex-husband na si Gabby Concepcion na may entry sa MMFF this year. Kaya malaki ang possibility na magkita sila, especially during the parade.

"Wala namang problema and besides, matagal na naman kaming okey," natatawa niyang sabi.

"Actually, nakita ko naman ang trailer ng movie nila, maganda naman. Lahat naman ng entries maganda. I'd like to say that we have the best entry but I cannot say that because everybody has produced a special entry. At saka yung sa kanila, Laurice Guillen 'yan, hindi mo rin matatawaran."

Pero sa ngayon, marami na ang nagsasabi na Sharon could be a strong bet for Best Actress for MMFF, hindi lamang sa box-office success ng movie niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN