Dennis Trillo has son's name tattooed on his arm

"Kapag tinitingnan ko ang name niya sa braso ko, doon ko naiisip na kailangan maging responsible akong ama para sa kanya. Marami akong pinagdaanan sa buhay at noong dumating si Calix, siguro nga it's a sign na kailangan maging seryoso na ako sa personal kong buhay dahil may anak na akong kailangang alagaan at palakihin nang tama," said the actor, who got a little teary-eyed.


Masasabi ni Dennis Trillo na ito na ang pinakamasayang Pasko niya. Magkakasunud-sunod ang mga naging TV projects niya—SOP, Bubble Gang, Darna, Starstruck V at SRO Cinemaserye—at may pelikula pa siya sa 2009 Metro Manila Film Festival ngayong December 25, ang Mano Po 6: A Mother's Love ng Regal Entertainment.

Blessed na blessed pati ang personal life niya dahil kahit wala raw siyang lovelife ngayon, maganda naman ang relasyon niya sa kanyang anak na si Calix Andreas.

"Kaya naman nagpa-Christmas party kami ni Marian [Rivera] para sa entertainment press [last December 12], para naman i-share namin ang mga natanggap naming blessings.

"Naging very intriguing at stressful ang 2009 para sa akin. Maraming nangyari na naapektuhan ang personal kong buhay. Pero mabait talaga ang Diyos at bago matapos ang taon ay nabiyayaan pa ako ng maraming projects. Kaya sobra-sobra naman ang pasasalamat ko sa Diyos at sa mga taong parating nandiyan para suportahan ako," ngiti pa ni Dennis.

PLAYING SANTA CLAUS. May Christmas list si Dennis at siya raw mismo ang namimili ng mga ipanreregalo niya sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

"Kahit alam ko na nakakapagod ang mag-Christmas shopping, gusto ko kasi na ako ang mamimili ng ipanreregalo ko. Ayoko namang iutos lang iyon kasi baka mali ang mabili o mapamahal masyado.

"Praktikal pa rin naman tayo when it comes to gifts. Kahit hindi siya sobrang mahal basta useful siya at kapag makita iyon ng reregaluhan ko, maaalala niya ako. Kaya ako na mismo ang lalabas at mamimili.

"Even naman noong hindi pa tayo artista, ako ang nagsa-shopping ng mga panregalo ko. Iba ang feeling kasi kapag namimili ka ngayong Pasko. Kahit maraming tao, masaya ang feeling."

ACTOR'S CELEBRITY CHRISTMAS SHOPPING TIPS. May tip nga si Dennis para sa mga celebrities na gustong mag-Christmas shopping pero hindi maiwasan ang holiday crowd.

"Unang-una, dapat may listahan ka na. Alam mo na dapat ang mga bibilhin mo at para kanino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pangalawa, dapat alam mo na kung saan mo na siya bibilhin. Ako kasi nagtatanong na ako kung saan mabibili ang isang particular na gift.

"Pangatlo, alamin mo kung anong araw ang hindi masyadong maraming tao sa mall. May days naman kasi na walang tao masyado...

"Pang-apat, kapag sa malaking mall mo lang siya mabibili talaga, alamin mo na kung saang floor iyon at doon ka na mag-park sa level na iyon. Para hindi ka na paakyat-akyat...

"Panlima, dapat may kasama ka para matulungan ka sa pagbitbit. Kahit isang assistant lang. Kung kaya ko lang bang mag-isa, okey lang. Pero kung marami kang bibilin, kailangan mo ng kasama talaga.

"Pero siyempre, hindi pa rin maiwasan na may magpa-autograph o magpa-picture sa iyo sa pupuntahan mo. Ina-accommodate ko naman silang lahat. Pero sinasabi ko naman na may mga bibilhin pa ako kaya next time na lang ulit. Okey naman sa kanila kasi alam nilang nagmamadali rin ako," sabi ni Dennis.

SOMETHING SPECIAL FOR CALIX. May nakahanda nang mga regalo si Dennis para sa kanyang anak na si Calix na kiling sa hilig nito.

"Tulad ko, hilig niya talaga ang music 'tsaka iba't ibang ingay. Madali siyang magsawa sa ibang laruan pero kapag may music, talagang gusto niya. Kaya nakahanda na ang mga regalo niya. May mga bibilhin pa ako kasi feeling ko kulang pa ang mga ireregalo ko sa kanya.

"This Christmas kasi mas special kasi parang alam na niya na may special occasion. Natutuwa siya sa mga ilaw at mga decorations ng Christmas. Kaya feeling ko, alam na niya na malapit na ang Pasko."

Kaya naman hindi nagdalawang-isip si Dennis na ipa-tattoo ang pangalan ng anak sa kanyang left arm. Pina-tattoo raw niya ito three months ago para parati niyang nakakasama ang kanyang anak kahit nasa malayong lugar siya.

"Kesa naman kung sinong pangalan ang ipalagay ko, di ba? Ang anak ko na lang kasi, isa siya sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag tinitingnan ko nga ang name niya sa braso ko, doon ko naiisip na kailangan maging responsible akong ama para sa kanya. Marami akong pinagdaanan sa buhay at noong dumating si Calix sa buhay ko, siguro nga it's a sign na kailangan maging seryoso na ako sa personal kong buhay dahil may anak na akong kailangang alagaan at palakihin nang tama."

Medyo teary-eyed nga si Dennis habang nagkukuwento.

"When I talk about Calix, nagiging emotional talaga ako kasi ama na tayo, e, and I want the best for my child. Ayokong nagkakasakit siya at gusto ko masaya siya parati. Kapag magkasama nga kami, iba ang pakiramdam.

"Tapos marami na siyang words na alam sabihin. Nasasabi na niya ang name niya, ang name ko, pati mga lolo at lola niya nakakausap na niya. Masyadong advanced ang utak ni Calix kaya tuwang-tuwa ako. Kahit sinong ama naman, magiging emotional kapag ang anak mo ay matalino. It makes you so proud to be a father," pagtatapos ni Dennis Trillo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN