Manny Pacquiao to wife Jinkee: "Salamat sa pag-uunawa at pag-iintindi."

What can you give a man who makes one billion pesos per fight? "Ako naman, hindi naman ako nag-e-expect ng mga bigay-bigay," said Manny Pacquiao. "Okey lang sa akin yung unawain ako, alagaan ako at siyempre, mahalin ako bilang asawa. Hindi mahalaga sa akin ang materyal. Ang gusto ko yung nanggagaling sa puso."


Ilang oras lang daw matapos dumating si Krista Ranillo mula sa Los Angeles, nag-resume na ito ng shooting for Wapakman, ang Metro Manila filmfest movie nila ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Nakausap ng Startalk si Manny sa opening ng kanyang Team Pacquiao store sa isang mall at hindi naman niya itinanggi ang pagkikita nilang muli ng babaeng ilang linggo nang pinag-uusapan at nauugnay sa kanya.

Ayon kay Manny, "Noong Linggo... tama, noong Linggo. Pero hindi kami nag-usap. Iba ang eksena niya. Iba ang eksena ko. Nauna yung eksena ko."

Hindi sila nagkita?

"Nagkita naman, pero sandali lang. Iba ang eksena niya, iba ang eksena ko."

Napag-usapan ba nila yung mga isyu sa kanila?

"Wala... tawa na lang kami. Tawa na lang siya, tawa na lang din ako."

Anong sinabi ni Krista tungkol doon sa mga intriga?

"Sabi niya... sana panoorin nila yung ano—grabe yung tsismis...!" natatawang sabi na lang ni Manny.

SHOW OF SOLIDARITY. Pero sa opening ng Team Pacquiao store last Tuesday, December 8, sabay na dumating sina Manny at ang misis niyang si Jinkee Pacquiao. Kaya feeling ng mga naroroon, palatandaan na raw siguro yun na naayos na ang anumang gusot sa pagitan ng mag-asawa.

In fact, binigyan nga raw ni Manny ng singsing ang asawa.

"Marami naman akong singsing na naibibigay. Tuwing Christmas talaga, tuwing December."

Si Jinkee ba, may ibinibigay rin sa kanya?

"Ako naman, hindi naman ako nag-e-expect ng mga bigay-bigay. Okey lang sa akin yung unawain ako, alagaan ako at siyempre, mahalin ako bilang asawa. At sa akin kasi, hindi mahalaga sa akin ang materyal. Hindi ako materialistic na tao.

"Ang gusto ko yung nanggagaling sa puso, yung nararamdaman."

Finally, natapos na rin daw ang shooting for Wapakman, kunsaan pinag-combine raw sa kanya ang halos lahat ng mga powers ng mga superheroes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FLOYD MAYWEATHER JR. Pagkatapos ng MMFF, sisimulan na ni Manny ang training niya para sa susunod niyang laban kay Floyd Mayweather Jr. Posibleng maging biggest fight daw ito in the history of boxing. Sa March 2010 magaganap ang laban.

"Sa mama ko, baka last fight ko na ang Mayweather, kasi, ayaw na nga niya akong lumaban, e."

May Christmas gift na ba siya for Aling Dionisia?

"Kay mommy ko, pinagawan ko siya ng bahay na malaki. Mansion niya," natatawang sabi nito.

Sa kabila ng mga pinagdaanan ng pamilya na intriga, paano nila haharapin or ise-celebrate ang Kapaskuhan?

"Masaya kaming mag-celebrate ng Pasko namin. Marami kaming activities kaya bukas, babalik na ako sa GenSan [General Santos City]. Puwede kaming mag-celebrate sa bahay namin sa Saranggani."

Sa huli, may message ba siya para sa mga taong nai-involve sa controversy niya?

"Ako, humihingi na lang ako ng paumanhin kung nakaagrabyado kami. Kung nakaagrabyado man kami ng ibang tao, e, humihingi ako ng paumanhin. Siguro dahil na rin sa showbiz tayo."

What about his message for Jinkee?

"Salamat sa pag-uunawa at pag-iintindi. Pag-aalaga mo sa mga anak natin. Salamat din sa lahat ng pag-aaruga na ibinibigay mo sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN