Ruffa Gutierrez got emotional after DOJ reversed its decision on libel case of Richard against PEP

"One thing I can say, I was really emotional that day. Yung talagang gusto kong yakapin si Chard nang mahigpit na mahigpit at gusto kong sabihin sa kanya na hindi natutulog si Bro, especially kapag alam mong wala kang kasalanan at alam mo that you're in the right. Yun, alam ko that the truth will always prevail," says Ruffa Gutiererz about the decision of the Department of Justice to reverse its previous decision on the libel case filed by her brother Richard against this


Kagabi, December 13, sa general press conference para sa Shake Rattle & Roll XI, ay kinunan ng reaksiyon si Ruffa Gutierrez tungkol sa naging pagbabago ng decision ng Department of Justice (DOJ) sa kasong isinampa ng kapatid niyang si Richard laban sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ayon kay Ruffa, naging very emotional daw siya nang malaman ang naging decision ng DOJ, na this time ay sa kanyang kapatid naman pumabor. (CLICK HERE to read related story.)

"I just would like to say that I am very thankful sa naging decision ng DOJ. Siyempre, nagulat ako sa news na yun. One thing I can say, I was really emotional that day. Yung talagang gusto kong yakapin si Chard nang mahigpit na mahigpit at gusto kong sabihin sa kanya na hindi natutulog si Bro, especially kapag alam mong wala kang kasalanan at alam mo that you're in the right. Yun, alam ko that the truth will always prevail.

"I think this Christmas is magiging masaya kaming lahat with the good news. Nakakalungkot na may mga kaso sa araw ng Pasko. But, nandiyan na 'yan, it's already in the court. So I can just say that we're very, very happy."

WHAT IF... Kasama si Ruffa sa "Ukay" episode ng Shake, Rattle & Roll XI, kung saan kapareha niya ang dati niyang boyfriend na si Zoren Legaspi.

Ngayon ay masayang-masaya na si Zoren sa piling ni Carmina Villarroel at ng kanilang dalawang anak, samantalang si Ruffa ay hiwalay na sa kanyang asawa na si Yilmaz Bektas bagama't may dalawa rin siyang anak dito.

Hindi ba naisip ni Ruffa kahit minsan na kung sila ang nagkatuluyan noon ni Zoren, she could also be happily married now?

"Well, never pumasok sa utak ko 'yan," sagot niya. "Never ko naisip or never ko... na kapag tinitingnan ko sila nanghininayang ako na sana napunta sa akin si Zoren, completely wala. Maybe because I'm also happy and fulfilled with my life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At kahit na siguro wala akong partner ngayon, masaya naman ako. Choice ko naman na wala akong partner at choice ko naman na maging single. But I'm very happy with Carmina and Zoren and all the things that are happening in their lives. At talagang in all honesty, happy ako for them."

Paano na-break yung 10 years na hindi siya kinakausap ni Zoren?

"Alam mo siguro, noong time na yun, noong mag-break kami ni Zoren, may bitterness pa rin, may hate. Di ba, like I said, time heals all wounds? Now, I'm very happy, I'm contented with Mina, with his kids. Wala na siyempreng bitterness sa buhay niya, ang tagal-tagal na nun. At saka siyempre kinausap na rin niya ako. Nakapag-move on na rin siya, nakapag-move on na rin ako," saad niya.

Entry sa 2009 Metro Manila Film Festival ang Shake, Rattle & Roll XI.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN