Zoren Legaspi wants to direct a gay-themed movie that straight guys can watch

Zoren Legaspi is considering BB Gandanghari or Roderick Paulate to play the lead role in the gay-themed movie he wants to do next year, but has yet to talk to any of them. The actor turned director wants to do the gay movie that even straight guys will not be afraid to watch. "Yung tipong kahit straight guys, hindi mai-insecure, papanoorin nila ang pelikula. More on drama. Incidental lang na ang main character is gay," says Zoren.


Feeling ni Zoren Legaspi, magiging maganda ang 2010 para sa kanya, mapa-family life man o career ang pag-uusapan. In all aspectis of his being, masasabi ni Zoren na fulfilled na siya.

"Satisfied ako sa pamilya ko, wala na akong mahihiling pa," sabi pa ni Zoren.

Nabigyan na rin ng break sa TV si Zoren bilang direktor. Pero, heto at nabibigyan pa rin siya ng pagkakataon para makalabas sa pelikula. Reunited sila ng ex-girlfriend niyang si Ruffa Gutierrez sa "Ukay-ukay" episode ng Shake, Rattle & Roll XI, entry sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF).

"As a director na lang, marami pa akong gustong gawin. Baka next year, mag-full blast ako sa directing. Pelikula naman ang gusto ko. Sa TV kasi, parang ayoko muna. Masyadong nakakapagod.

"It's about time siguro that I make my own films na. Marami na akong material. Sa sobrang dami, hindi ko alam kung ano ang uunahin ko," sabi pa ng actor-director.

GOING INDIE. Hindi kina-classify ni Zoren kung ang gagawin niyang pelikula ay indie or pang-mainstream.

"I just want to make a film," diretsahan niyang sabi. "Sa akin kasi, if you do a film, it's a film. Nowadays, kapag gumawa ka ng indie, parang B-movie ang dating. Sa Amerika, ganoon, e.

"Pero, sa foreign, ang indies nila, gumagastos pa rin nang milyun-milyon. Dito, nagkaroon ng connotation na kapag indie, mura o cheap movie, budgeted talaga.

"Hindi naman ganoon ang ibig sabihin ng indie films. So far, yung mga nakikita ko, kung marunong kang tumingin, budgeted yung mga yun. Kaya ayokong i-brand ang mga gagawin ko na indie films," sabi pa ni Zoren.

GAY FILM FOR STRAIGHTS. For his directorial debut sa big screen, gusto ni Zoren ang isang gay-themed film project. Gustong patunayan ni Zoren na puwedeng makapagdirek ang isang straight guy na gaya niya ng gay film na walang nararamdamang insecurity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mayroon din akong material na drama talaga," dugtong pa niya. "Natsa-challenge din ako sa action, pero pinag-iisipan ko pa. Parang magulo, e."

Naglalaro sa isipan ni Zoren ang magagandang ideas kaya nalilito siya.

"Sa gay film na gusto kong gawin, gusto kong gumawa ng tipong eye-opener sa audiences," banggit ni Zoren. "Yung nakikita ng mga tao, happy ang mga gay. Pero, paano sa pag-uwi nila sa gabi?

"Kung may pamilya sila o wala, o wala silang lover, I want to tackle on that. Sabi ng iba, masarap kasama ang mga bakla. Masaya. But, in all honesty, when they go home, lalo kung may galit ang tatay nila sa kanila, most fathers, gusto yung mga anak nila, straight.

"Yung tipong kahit straight guys, hindi mai-insecure, papanoorin nila ang pelikula. More on drama. Incidental lang na ang main character is gay," kuwento pa ni Zoren.

Ano naman ang comment ni Carmina Villarroel sa idea niyang ito?

"Buwisit na buwisit siya sa akin," sabi pa ni Zoren. "Gusto ni Carmina na gawin ko na ang project na 'yan noon pa. One year na sa akin yung material. Alam niya ang buong idea at gusto niya.

"Ako ang magdidirek, gusto ko, ako na rin ang mag-produce. This 2010, gusto ko na talagang gawin.

WITH OR WITHOUT SEX SCENES? "May mga naiisip akong gustong gawing bida sa project na ito, if ever. Kino-consider ko si BB Gandanghari, pati si Roderick Paulate. Wala pa akong nakakausap sa kanila.

"I just want to be honest basta sa mga totoong nangyayari na na-research ko na. Reyalidad sa buhay ng isang gay man, gusto kong yun ang palabasin. Hindi ako kokontra. Marami na akong na-interview.

"Yung iba, gustong may karelasyon. Yung iba, masaya na sila nang wala. Yung iba, gusto, may anak. Yung iba, ayaw naman. Iba-iba rin pala 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang iniisip ko naman, hindi ko alam kung ano ang gusto ng mga baklang manonood sa pelikula ko, if ever. Normally, ang gusto nila, may gay love scenes, may gay sex.

"Paano kung hindi ako magpakita ng ganoon? Magugustuhan ba nila? Sa script ko kasi, parang kulang kung walang ganoong eksena. Paano ko mapu-prove na gay talaga yung character? Importante yun, sa palagay ko.

"Naniniwala ako sa gusto ng audiences, hindi sa gusto ko," sabi na lang ni Zoren.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN