Piolo Pascual admits he almost lost himself because of success

"Siguro pag minsan nalulunod ka sa kung anuman ang ginagawa mo, you tend to lose yourself. So, yun, at that time, dun ko na-realize na hindi pala puwedeng ganun. You cannot just be happy. And mind the people around you kasi minsan may natatapakan ka na. Hindi mo alam nakakasakit ka na pala," says Piolo Pascual.


Si Piolo Pascual ang sumalang sa "Tough Ten" segment ng The Buzz kahapon, December 13. Dahil nagpo-promote si Piolo ng kanyang bagong album under Star Records entitled Decades: The Greatest Songs of the 50's, 60's & 70's, iniayon dito ang mga tanong sa kanya ng co-host ng programa na si Ruffa Gutierrez.

"Since ikaw ang guest namin for today, Piolo, we're gonna do a different take on 'The Buzz Tough Ten.' So, for each question, ilalagay namin yung title ng iyong song na kasali dito sa Decades. And yun ang magiging basis ng ating questions for you today," paliwanag ni Ruffa.

Tough Ten Question No. 10: "Decades." More than a decade ka nang namayagpag sa iyong karera sa showbiz, sa loob ng panahong ito what upon your discovery is your biggest strength and your greatest weakness?

"Siguro ang strength ko is faith. More than anything, I always believe in God's purpose, God's plans and to never go against it and just live up my destiny," sagot ni Piolo.

Did you ever get tempted with your leading ladies?

"Yes, it's a given. It's hard when you do something... buong-puso yun, e, pag ginagawa mo ang isang bagay. You cannot cheat it. Hindi mo puwedeng dayain ang isang acting. So when I get there, I get into the character, siyempre pag off-cam na, nararamdaman mo pa rin. Hindi naman puwedeng on and off lang."

So, yun ba ang greatest weakness mo, nate-tempt ka sa mga leading ladies mo?

"Parang pinain niyo yun, a!" natatawang sabi ni Piolo. "I don't wanna say that. Sige."

Tough Ten Question No. 9: "True Love" (favorite song ni Piolo sa album). Sa kabila ng mga balitang hiwalayan at maiintrigang relasyon sa industriya, naniniwala ka pa ba sa true love, at sino ang nakapagpaniwala sa iyo nito?

"Wow... naniniwala ako sa true love, definitely. Kung sino man yung nakapagpaniwala sa akin nito o kung sino man yung makakapagpaniwala sa akin nito, yun ang mapapakasalan ko sigurado," sagot ni Piolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-meet mo na ba ang iyong true love?

"I don't wanna say yes, I don't wanna say no. Maybe she's just around the corner. And maybe she's there already. But I do hope na everything will fall into place."

Tough Ten Question No. 8: "Can't Take My Eyes Off You." Kung may isa kang tao o bagay na kaya mong titigan for 24 hours, sino at ano ito?

"Ikaw, maganda kang titigan for 24 hours," mabilis na sagot ni Piolo. "Seriously... I'm serious."

Hindi mapigilang kiligin ni Ruffa kasabay ng pag-amin na, "Uy, may project kami ni Piolo."

Kinumpirma naman ito ni Piolo, "Abangan niyo 'yan, magkasama kami ni Ruffa sa isang endorsement. And you know sa pictorial niyan, hindi ako maka-concentrate. Tapos pag tinitingnan kita, name-mesmerize talaga ako. I'm serious. Natutuwa ako."

Kaya ba kayo tawa nang tawa ng photographer noon?

"Yeah."

Tough Ten Question No. 7: "Are You Lonesome Tonight?" Natatakot ka bang tumanda nang mag-isa?

"Hindi, kasi alam ko naman na hindi ako tatandang mag-isa, e. I know it will never happen because bukod sa nandiyan yung family ko, I know that we all have yung destined partner for each one of us. So, kini-claim ko naman yun. So, hindi ko iniisip na tatanda akong mag-isa."

Tough Ten Question No. 6: "If I Fell." Kailan ka huling nag-fall o nagkamali at paano ka bumangon?

"Kailan lang. Nag-fall ako. Just recently."

Can you make kuwento what happened recently?

"Backstage. Off-cam."

As in, you fell backstage?

"Hindi, hindi... I mean romantically," sagot ni Piolo.

Really? Sino yun?

"'Wag na, 'wag na lang."

"Silipin natin mamaya kung sino yung nasa backstage," curious na wika ni Ruffa.

Tough Ten Question No. 5: "You've Lost That Lovin' Feelin'." Sino ang isang tao na gusto mong hingan ng tawad at bakit?

"Hindi ko alam," malalim na pag-iisip ni Piolo. "Kung meron man... kasi naturally mahiyain ako, e. Hindi naman ako yung confrontational type. At kung meron man akong naagrabyado o natatapakan, hindi ko naman sinasadya siguro. And as far as I can remember, lahat naman ng situation, kung meron mang issues, as much as possible inaayos ko naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, you don't intentionally hurt anyone?

"I don't wanna hurt anyone. If you ask me, siyempre mas gusto kong peace lang.

Tough Ten Question No. 4: "Strangers In The Night." May punto na ba sa buhay mo na humarap ka sa salamin at nasabi mo sa iyong sarili, 'Piolo, sino ka ba? Hindi na kita kilala?'

"Ah... matagal-tagal na. Siguro noong nagsisimula ako sa showbiz. At the time na ang daming nangyayari sa buhay ko. Dire-diretso yung blessings. There was a time na naririnig ko rin sa ibang tao na, 'Parang nagbabago ka na.' So, it was the turning point of my life, actually, when I became a Christian."

How many years ago was this?

"Almost eight years ago. So, dun ko nasabi sa sarili ko na, 'Parang hindi na kita kilala.' Kasi iba na yung kinikilos mo. Siguro pag minsan nalulunod ka sa kung anuman ang ginagawa mo, you tend to lose your self. So, yun, at that time, dun ko na-realize na hindi pala puwedeng ganun. You cannot just be happy. And mind the people around you kasi minsan may natatapakan ka na. Hindi mo alam nakakasakit ka na pala."

Tough Ten Question No. 3: "Your Song." What's your song na idine-dedicate mo para sa anak mo (IƱigo)? How old is he now?

"He is 12. Ano ba ang song ko sa kanya? We always sing 'This Love' ng Maroon 5. Kami ng anak ko, mahilig kaming kumanta. Gusto kong kantahin sa kanya yung 'You'll Be In My Heart' by Phil Collins."

Tough Ten Question No. 2: "I'll Be Seeing You." Sino ang isang tao mula sa iyong nakaraan ang gusto mong muling makita, at bakit?

"Hindi naman kailangan ex or ano. Siguro ang gusto ko, daddy ko. He passed on when I was 16. So, actually, yung album na ito, isa siya sa malaking inspirasyon ko dito. My mom always want somebody in the family to be a singer like my dad. And sa ganda ng boses ng daddy ko, wala ako sa kalahati niya. I'm sure kung buhay siya ngayon, he'll be happy sa bagong album ko, sa kung anuman ang meron ako, success and everything. Gusto ko lang i-share sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, you're dedicating this album to him, as well?

"Yes."

Tough Ten Question No. 1: "Babe" (carrier single). If I were to ask you three choices: showbiz career, a quiet life, or your dream babe, at this point, what is the most important and why?

"Tama yung question, Ruffa, na 'at this point' because honestly, my priority is my career. But I would want a quiet life, of course, in time. And given the proper time, when all things fall into place, I would want to be with my babe," tugon ni Piolo na ikinakilig at ikinatili ng mga tao sa studio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN