Jake Cuenca is happy for good reviews of his acting

Jake Cuenca says he is very happy with the good reviews he has been receiving for his acting. He is also looking forward to a busy 2010.


Pumutok kamakailan ang balitang diumano'y lumayas ng bahay nila ang young actress na si Melissa Ricks. Ayon sa bulung-bulungan, ang pag-ayaw raw ng pamilya ng dalaga sa rumored boyfriend nitong si Jake Cuenca ang dahilan ng pag-aalsa balutan nito. Itinuturo rin ang aktor na tanging nakakaalam diumano sa kinaroroonan ni Melissa.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jake, hiningan namin siya ng reaksiyon hinggil sa isyung ito na kinasasangkutan ng pangalan niya.

"She was just at home," simula ni Jake. "Wala akong alam sa paglalayas niya or anything like that. Ako, gusto ko lang magpasalamat, kasi sa mga interviews ni Melissa, ang dami niyang magagandang mga sinabi tungkol sa akin kaya I'm very flattered. Pero sana matapos na yung issue kasi alam ko naman na hindi totoo yun at saka hindi na maganda yung mga lumalabas na issues. Okey na okey naman sila ng family niya. Sumasama yung mommy niya sa ASAP, nakikita ko naman na okey sila. So I don't think there's a problem."

Sa balita namang hindi raw siya tanggap ng pamilya ni Melissa, heto ang sagot na ibinigay sa PEP ni Jake: "Basta sa akin naman, I' m just a friend of Melissa, there's no reason not to like her. Magkaibigan lang talaga kami. Sinabi ko na 'yan paulit-ulit, para na akong sirang plaka. Basta magkaibigan lang kami."

JAKE THE ACTOR. Marami ang nakakapansin sa mahusay na pagkakaganap ni Jake sa role niya sa Your Song, kapareha ang ex-girlfriend na si Roxanne Guinoo. Ayon kay Jake, gustung-gusto niya raw talaga ang role niya sa nasabing weekly afternoon show.

"Actually, gustung-gusto ko nga yun, kasi ibang-iba sa mga roles na na-portray ko na dati. I found it so challenging."

Marami rin ang nagulat sa kakaibang chemistry na nakita sa kanila ni Cristine Reyes sa Precious Hearts Romances Presents My Cheating Heart. Wala tuloy masabi ang half-Spanish, half-Pinoy na binata kundi ang magpasalamat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thank you, sana tuluy-tuloy ang suporta ng tao sa PHR namin ni Cristine. Kami naman kasi ni Cristine, magkaibigan kami. Undeniably, matagal na naming gustong gawin yung project. So ngayong natuloy na, we're really happy."

VERSATILITY. Isa si Jake sa kakaunting young actors na hindi tali sa leading man roles. Bagkus, bukas din ang binata sa pagganap ng iba't ibang roles, patunay ng versatility ni Jake bilang aktor.

"For me kasi, I don't act. I try as much as possible to live in my character's shoes. Ke anuman yun. Ke mekaniko man siya sa Your Song or mayaman na factory owner sa Precious Hearts or kung sundalo man sa Tayong Dalawa. As much as possible, hindi ko gustong ina-acting ko. I like being my character. Kaya pag sinasabi kong focused ako sa character ko, mahirap mag-break out dito. Kasi ganun ko kino-commit ang sarili ko sa trabaho ko."

BUSY 2010. Ilang araw na lang ang bibilangin ay Christmas na. For Jake, this is also the time for him to rest lalo't sunud-sunod ang trabaho na ginagawa niya. He's also looking forward to 2010 lalo't marami siyang nakalinyang trabaho na gagawin.

"I might stay home kasi marami akong tine-taping ngayon, baka magpahinga na lang ako and maybe even New Year, I'll stay here lang.

"I just look forward to work harder, ang daming blessings na pumasok ng 2009. By 2010, papasok ang Rubi [his soap with Angelica Panganiban]. So gagalingan ko na lang at susuklian ko ang suporta sa akin ng tao. I'll just continue to do my best," pagwawakas ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN