Jennica Garcia clueless about rumors linking her to Rayver Cruz

Jennica Garcia reunites with Mart Escudero in Shake Rattle & Roll XI, but she points out that their relationship status is just like their reel roles: Magkabarkada.

Also part of the cast of "Lamang Lupa" episode—Rayver Cruz, Iya Villania, Bangs Garcia, plus, twin brothers Dominic Roco and Felix Roco.


Muling magsasama ang dating magkasintahang sina Jennica Garcia at Mart Escudero sa "Lamang Lupa," isang episode sa Shake Rattle and Roll XI, na entry ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival ngayong Pasko.

Pero magkabarkada na lang sila rito. Pebrero noong naghiwalay ang dalawa, pero kung tatanungin mo ang panganay ni Jean Garcia kung kailan, ang sagot nito: "Ang tagal na, e, hindi ko na alam."

Sa tono ng kanyang pananalita, tila malabo nang magkabalikan sila ng StarStruck graduate. Ano bang nangyari?

"Actually, we both tried naman [to work things out]. Kaya lang, it so happened na pareho naming napapansin na mas okay talaga kaming dalawa bilang magkaibigan.

"Walang halong plastic 'yan. Kasi, kung kaya pa naman, wala rin namang dahilan para hindi namin itago, kasi, ever since naman na naging kami, inamin namin.

"Yung breakup, hindi ko na nga lang maalala kung kelan. It's been a long time already!" ang mahabang bungad ni Jennica.

NO SECOND CHANCE FOR MART? Ayon kay Mart, hindi raw ito nagtagumpay bagama't mahal pa niya ang young actress. Hindi nga ba binigyan ni Jennica ang ex-boyfriend ng another chance?

"Wala, e...Siguro kasi, pareho naming na-outgrow ang isa't isa, na in a span of time na wala kami no'n...'Tapos, all of a sudden, parang gusto naming, 'Baka puwede pa, baka kaya pa...'

"It's been so long already, e. Parang kaya niyang mag-isa, kaya kong mag-isa. We both enjoy life, like being single, so, ituloy na lang, kasi, we're both young. Ako, magtu-twenty pa lang. Alam ko rin ang feeling ng magkaroon ng boyfriend. Okay na ako doon," lahad ni Jennica.

Hindi naman itinatanggi ng dalaga na masaya sila ni Mart noong nagkasama sila sa shooting ng SRR XI, at mga promo activities nila sa pelikula. Pero wala na bang pag-ibig?

Tumawa muna ito bago sabihing, "Kumbaga, 'pag nakikita ko siya, 'Uy, pare', 'yan na nga 'yan, ha!' Parang yung gano'n na lang...Hindi na romantic in a way siguro."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala na bang puwang ang binata sa puso niya?

"Bilang kaibigan, siyempre, meron. Pero yung mabalik sa dati, e, binigyan ko siya ng chance...Pero wala, e," ang makahulugang pahayag ng alaga ni Manny Valera.

Sabi ni Mart, hinahanap-hanap niya ang pagiging malambing at mabait ng dating kasintahan. Ano naman ang nami-miss niya kay Mart?

"Ako kasi, di ba, unang boyfriend ko ito, e, so sa kanya unang nalaman na, 'O, kapag girlfriend, ganito, kailangan, sasabihin mo sa akin kung ano ang mga lakad mo.'

"So, ako, pag dumarating yung mga days na busy ako, minsan parang, 'Ay!' Alam mo yun? Nakaka-miss lang na meron ka palaging sinasabihan ng mga ginagawa mo, kung may problema ka man, o masaya ka man...

"Ang sarap lang [ng feeling] na may boyfriend ka na, may best friend ka pa."

May kasabihang "first love never dies" o sadyang mahirap malimutan ang unang pag-ibig. Sang-ayon ba siya?

"Haaaay!" parang nais munang umiwas ni Jennica na sagutin ang tanong, sabay tawa. "Hindi, kasi... Siguro kasi, nadadaan ko lang sa dasal. At saka sobrang blessed din ako dahil, alam mo yun, nawalan man ako ng boyfriend, marami pa rin akong kaibigan at pamilya na nagmamahal sa akin. At gano'n din sa kanya.

"Like with his family, alam mo yun, sobrang naging close rin ako sa kanila, e, so nakaka-miss rin yun."

Desisyon ba niyang hindi na tanggapin muli si Mart sa ikalawang pagkakataong nagtangka itong isalba ang kanilang relasyon?

"Wala na kasi, e!" diretsong sabi ni Jennica tungkol sa alaga ni Popoy Caritativo, na manager din nina Marian Rivera at Dennis Trillo.

Siya ba ang tumanggi sa kanilang pagbabalikan?

"Hindi naman," pagklaro niya. "It's mutual [decision] naman, e. It's mutual naman. Pareho ang desisyon pagdating sa gano'n... Kumbaga, nakakatuwa rin dahil nagsimula kaming sobrang isip-bata, pero sabay rin kaming nag-mature."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JENNICA SAYS MART LOVES HER BUT... Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Mart, hindi itinago ng binata na mahal pa rin niya ang dating girlfriend. Ayon dito, mahaba pa raw ang buhay kaya hindi niya masasabing tapos na ang anumang namagitan sa kanila ni Jennica.

Anong reaction niya sa tinuran ni Mart?

"Hay! Ang dami-dami niyong tanong, e, kinakabahan na 'ko!" ang patawang sagot ni Jennica. "Basta ako, thankful ako sa kanya kasi, ang dami ko talagang natutunan, pati sa pamilya niya..."

Pero mahal pa rin siya ni Mart...

"Siyempre, bilang kaibigan, mahal ako niyan, mahal talaga ako niyan," ang singit ni Jennica. "Bilang kabigan, alam ko, mahal ako niyan. Kilala ko rin si Mart, e. Kapag isang babae lang ang nasa isip niya o puso niya, alam ko yun, e. Matagal rin kami. It's been a year and a half. So, I know...I should know!"

Ano naman ang reaksiyon niya sa sinabi ni Mart na "half-half o 50-50" pa lang daw ito nakaka-recover mula sa kanilang breakup?

"Okey na 'yan," aniya, habang nakikipagkulitan sa dating boyfriend. "Okey na siya. Kilala ko kasi si Mart pag hindi niya kaya. Alam ko rin kung kaya niya. E, sa ngayon, alam kong okay siya kahit wala ako."

Inamin rin ni Mart na umiyak daw ito para sa kanya. Iniyakan rin ba niya si Mart?

"Oo naman. Ang plastic ko naman kung sasabihin kong hindi. E, unang relasyon ko 'yan, e. Kahit sinasabi ng utak ko na, 'O, first love, 'wag mong isipiin na mag-la-last forever...' Hindi naman ako nakikipag-boyfriend kung hindi tatagal.

"Inimagine ko talaga na itong lalaking ito ay hindi ako iiwan at mamahalin ako habambuhay..." sabi niya.

At hindi man nangyari yung gusto niya, masaya naman daw siya. "Tagal na nga lang naming hindi nagkaka-textan ni Mart," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COLD CHRISTMAS. Noong nakaraang taon ay sobrang sweet sila. Naibalita pa nga ang regalo nila sa isa't isa. Paano na ang kanyang Pasko?

"Alam niyo po, eto ha...17 pa lang ako, nililigawan na ako ni Mart. Magtu-20 na po ako. Seventeen pa lang ako noon, bago mag-debut, so, siguro...yun lang, pag pumapasok sa isip ko, parang, ilang years, my god!

"Ilang years rin kaming naging masaya. We both shared happy moments together. Na hindi ko nakikita kung bakit hindi kami puwedeng maging magkaibigan, kahit tapos na, alam mo yun.

"Meron mang mga pangit na nangyari, di naman maiiwasan sa isang relasyon na maraming tampuhan, pero andun yung mas maraming magandang nangyari na puwede mong panghawakan.

"Parang hindi ko siya matawag o masabi na hindi kami okay. "

Nang usisain namin kung ano na nga ba ang dahilan ng kanilang paghihiwalay, "ibalato niyo na lang po sa amin yun," aniya.

Dagdag pa ni Jennica, "We're both very open naman, di ba. Pero siguro, ito, sa amin na lang po. Basta walang third party involved. Mabait 'yan [sabay tapik kay Mart na naroon din sa presscon]...

"Pero kung ano man po ang naging desisyon namin, sa amin na lang po yun."

Hindi ba nakialam ang kanyang mommy?

"Hindi, my mom is very supportive and very understanding. Wala siyang advice na hindi nagging mabuti para sa akin," ang pahayag ni Jennica.

Dugtong niya, "Hindi rin ito career move or something... Ako naman, masaya ako sa pagiging artista ko, e. Di po kasi ako nag-aaral ngayon. Lagi kong dinarasal na, 'Lord, pag nawalan po ako ng trabaho sa matagal na panahon, maiinitindihan ko yun at mag-aaral na ako."

RAYVER RUMORS. Sa ngayon, inilalapit ang pangalan niya sa Kapamilya actor na si Rayver Cruz. Ang sabi ng kanyang ex-boyfriend, hindi raw ito totoo. Hindi nga ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Uy, wala po, grabe!" tili niya. "Ano ba naman 'yan? Wala po! Hindi ko alam talaga 'yang link-link na 'yan. Sa totoo lang po, ngayon ko lang nalaman at narinig 'yan dito, e.

"Kanina ko lang narinig, pero wala po!" mariing pahayag niya.

Pero tumatanggap ba siya ngayon ng manliligaw o nakikipag-date ba siya?

"Oo naman, kasi di ba, single na ako? So, I've been dating some guys pero laging group dates. Ini-enjoy ko lang ang pagiging single na parang, 'Ang sarap! Sobrang bait ko ba?'" ang nakangiting kuwento niya.

Huling hirit, paano iyan, greatest love daw siya ni Mart?

"Greatest love? E, ang dami niyang naging girlfriend noon, huh!" ang hirit niya bago ito tumawa nang malakas. Reaction?

"Yun na'yun, okey na 'yon, 'wag ka nang magsalita, Mart!" pagtatapos ni Jennica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN