Sen. Bong Revilla Jr. says Hayden Kho lied in denying suicide attempt

"Idinenay ba ni Hayden? Sa madaling-salita, he's lying! Kausap ko yung provincial director ngayon lang at sinasabi niya na may nangyari na ganoong insidente. So,merong ganoong insidente at huwag niyang palabasin na sinungaling ang mga kababayan ko sa Cavite," says Sen. Bong Revilla Jr. about Hayden Kho's denial of his alleged suicide attempt in Cavite.


Pinaiimbestigahan ni Sen. Bong Revilla Jr. kay Senior Superintendent Alfred Corpuz ang diumano'y cover-up sa insidente na nangyari noong December 3, 2009, sa Lalaan 2nd, Silang, Cavite na kinasangkutan ni Hayden Kho Jr.

Si Sr. Supt. Corpuz ang provincial director ng Cavite at siya mismo ang nagkumpirma kay Bong na totoo ang sinasabi ng mga residente ng Silang na tumulong kay Hayden nang matagpuan ito na wala sa sarili sa taniman ng mga pinya, isang pangyayari na itinanggi sa Showbiz Central staff ng mga pulis sa presinto ng Lalaan 2nd.

Sa interview ng Showbiz Central, sinabi ng mga pulis na walang insidente na nangyari dahil hindi ito nakalagay sa police blotter.

Nagdamdam ang mga saksi sa pahayag ng mga pulis dahil lumabas na nagsisinungaling sila. Ang mga pulis ng Lalaan 2nd precint ang tinawagan ng mga saksi para matulungan sila na dalhin si Hayden sa Estrella Hospital, General Emilio Aguinaldo Highway, Silang, Cavite.

Hindi lamang ang mga pulis ang nag-deny dahil sa guesting ni Hayden sa Tweetbiz ng QTV 11, pinabulaanan din niya ang insidente. Baka raw ibang Hayden ang sinasabi ng mga saksi na nakapanayam ng Showbiz Central.

Ang isyu tungkol sa denial ni Hayden at ng mga pulis ang sinagot ni Bong Revilla sa presscon kanina ng Ang Panday, ang pelikula na kanyang pinagbibidahan at official entry ng GMA Films at Imus Productions sa 2009 Metro Manila Film Festival (MMFF).

HAYDEN IS LYING. "Idinenay ba ni Hayden? Sa madaling-salita,he's lying! Kausap ko yung provincial director ngayon lang at sinasabi niya na may nangyari na ganoong insidente. So,merong ganoong insidente at huwag niyang palabasin na sinungaling ang mga kababayan ko sa Cavite," nanggagalaiting lahad ni Senator Bong.

"Yun nga ang paiimbestigahan natin ngayon. Katulad ng nagkakaroon ng cover-up. Bakit, what for?

"At kung wala naman dapat itago, bakit kailangan itago? Yun lang ang puntos natin diyan. Ako, nothing personal. Ako naman, naka-focus sa kaso ni Katrina Halili at yung mga nabiktima ni Hayden. This is a different case. Kumbaga, nothing personal sa pangyayari na 'to pero huwag naman nating gawing sinungaling yung mga tao na nandoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bakit kailangan nila na itago? According sa provincial director, totoong may ganoong insidente," patuloy pa ng aktor na tubong-Cavite.

PRC'S RIGHT DECISION. "Sa tingin ko, tama ang naging desisyon ng PRC (Professional Regulation Commission ). Siguro, lalong naging masama kung ang naging desisyon ng PRC, e, absuwelto siya, hindi siya tinanggalan ng lisensya.

"Mas masama ang magiging tingin sa PRC kung hindi siya natanggalan ng lisensya. So, sa pangyayaring 'yon, sa mata ko, sa mata ng lahat ng tao, dapat lang siyang tanggalan ng lisensya.

At yung kaso sa kanya, hintayin natin ang sentensya ng husgado. Nasa korte na yan, naka-file na yan. Harapin niya 'yan," pahayag pa ni Senador.

Sinagot din ni Bong ang pahayag ni Atty. Lorna Kapunan, ang legal counsel ni Hayden. Sa recent interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Kapunan, ikinuwento nito ang kanyang nabalitaan na na-pressure diumano ang PRC na i-revoke ang medical license ni Hayden dahil sa diumano'y banta ni Bong na 1-peso budget para sa nabanggit na government agency kung hindi babawiin ang lisensya ng kontrobersyal na doktor. (CLICK HERE to read article)

"Yung pressure na sinabi nilang 'yan, minsan may binitawan na salita na kung hindi nila gagawin yung trabaho nila ng tama, dapat nga na bigyan sila ng piso budget.

"Ang ano natin diyan, kung ano ang tama, yun ang gawin nila. At yung ginawa nilang ito [PRC], yun ang tama. I salute PRC for doing that.

"Ang gusto nilang mangyari [Hayden's camp], ang maging desisyon ng PRC, kabaligtaran, mas maraming tao ang magwawala," pahayag ni Bong.

Ang Senador ang siyang itinuturing na "Waterloo" ni Hayden dahil ito ang tumulong kay Katrina. Si Bong ang dumulog sa PRC para kanselahin ang medical license ni Hayden dahil sa mga sex video nito.

Tahimik na sana ang kaso pero muli itong naging maingay dahil sa nangyari kay Hayden sa Silang, Cavite, noong unang linggo ng December.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa dami ng lugar na pupuntahan ni Hayden, napadpad pa siya sa teritoryo ng mga Revilla. Nakikisimpatiya si Bong sa kanyang mga kababayan na pinagmukhang sinungaling dahil sa denial ni Hayden na hindi raw ito nagpunta sa pinyahan para magpakamatay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN