Heart Evangelista relates to her rebellious role in Mano Po 6

Heart Evangelista, one of the lead stars of Regal Films Metro Manila Film Festival entry Mano Po 6: A Mother's Love, is determined to prove herself again following a career lull a few years back.


Mismong si Heart Evangelista ay aminado na nakaka-relate siya sa role niya sa Mano Po 6: A Mother's Love, partikular noong panahon na may alitan sila ng kanyang mga magulang sanhi ng relasyon niya sa aktor na si Jericho Rosales.

Sa Mano Po 6, official entry ng Regal Films para sa 2009 Metro Manila Film Festival, ay ginagampanan ni Heart ang role na nagngangalang Stefanie na siyang anak ni Melinda (Sharon Cuneta). Rebellious daughter ang role na ginagampanan ni Heart at marami nga ang nakapansin na bagamat maituturing na offbeat ang role para kay Heart, hindi naman ito totally kaiba para sa kanya dahil napagdaanan na rin niya ang ganitong phase noon.

"I think kasi with Stephanie, it's hard for her to understand her mother. It's the same with me, it was hard for me to understand my parents at that time and up to this day, sometimes, but pikit-mata na lang ako dun kasi maayos nang lahat," paliwanag ni Heart sa press conference ng Mano Po 6: My Mother's Love na ginanap sa Imperial Palace Suites kamakailan.

Naikuwento ni Heart na hindi talaga siya kinikibo ng kanyang magulang noong panahong may problema silang kinakaharap.

"'Yong mommy ko, hindi niya ko nilambing, e. Hindi niya ako kinakausap, pag Christmas talagang hindi niya sinasagot 'yong phone," hinaing ng dalaga.

LIVING A BALANCED LIFE. Dinepensahan naman ni Heart ang kanyang mga magulang sa pagsabi na bagamat overprotective ang mga ito, binibigyan pa rin naman daw siya ng freedom para magdesisyon sa sarili sa kundisyon na hindi niya aabusuhin ito.

Subalit hindi rin naman ikinaila ni Heart na may mga pagkakataong nami-miss niya rin ang ma-in love:

"Siyempre, love is a big part of life because that's where you get passion and inspiration. But you should also love yourself and you shouldn't be incomplete without it. So now I'm proving to myself that I can be okay without it. Although I must admit it's not easy, but if you couldn't do it, you're weak."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa ngayon daw ay mas mainam na muna kung mananatili muna siyang single lalo pa nga't maganda na muli ang takbo ng kanyang career. Pagtutuunan daw muna ni Heart ng pansin ang mga bagay na napabayaan niya dati tulad ng pamilya, trabaho, at maging ang kanyang sarili.

"Kasi everything is balanced now. But I want everything, all aspects sa buhay ko na maging masaya talaga ako, fully... I don't need a lot of money or I don't need a lot of fame. I just want to do what I love to do which I'm doing now and I want to live a happy life," nakangiti ngunit seryosong paliwanag ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN