Maxene Magalona on JC Tiuseco: "Sobrang torpe yun!"

"Yung sa amin ni JC, I can say na close talaga kami and he's my closest guy friend. It's very rare for a girl to find a guy na magiging close ka talaga. With JC pa nga, marami akong nasasabing problema, nakakapag-confide ako sa kanya, ganyan," says Maxene Magalona about JC Tiuseco.


Pinatunayan nina Maxene Magalona at JC Tiuseco na kahit walang relasyon sa tunay na buhay, maaaring mag-work ang isang loveteam. Tanggap nga kasi ng publiko ang tandem nila, una sa afternoon soap na Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin at ngayon naman sa ipinalalabas na Sana Ngayong Pasko ng GMA 7.

Yun nga lang, since pareho silang aminadong nagde-date, walang naniniwalang wala silang relasyon gaya ng madalas nilang sabihin. Baka raw nagde-deny lang sila at ayaw umamin.

Ano ang masasabi rito ni Maxene?

"Wala namang kailangang i-deny kasi wala naman talaga," giit ng young actress sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "So, yung sa amin ni JC, I can say na close talaga kami and he's my closest guy friend. It's very rare for a girl to find a guy na magiging close ka talaga. With JC pa nga, marami akong nasasabing problema, nakakapag-confide ako sa kanya, ganyan."

Lumalabas din daw sila on group dates, kasama ang mga kaibigan nilang sina Patrick Garcia, Glaiza de Castro, at Rich Asuncion, na naging co-stars nila sa Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin.

Hindi kaya exclusively dating na sila ni JC?

"Hindi, kasi kami ni JC, kaya siguro sinasabi ng mga tao na kami talaga, kasi yung chemistry namin... Kasi we're both tall, chinito at chinita kami, so together, maganda talaga chemistry namin," paliwanag ni Maxene.

JC'S ABS. Nilinaw naman ni Maxene na hindi love scene ang ginawa nila ni JC sa isang eksena ng Sana Ngayong Pasko, kung saan naghubad ng kanyang damit si JC sa harapan ni Maxene.

"Hindi love scene yun, nagbibihis lang siya!" natatawang sabi ng dalaga. "Siyempre, kailangang ipakita ang abs [ni JC], hindi puwedeng mawala yun!"

Tiningnan ba niya ang abs ni JC during the scene?

"Siyempre, nandun na sa harap ko, e!" tawa niya ulit. "JC has a nice body and he takes care of it. Ikinukuwento niya na nagdyi-gym siya, tapos kapag kumakain kami sa set, lagi siyang may granola bar. Talagang iniingatan niya yung figure niya, kaya natututo ako kasi hindi naman talaga ako seksi-seksihan talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pinakagusto ni Maxene sa pagkatao ni JC?

"Madami din namang nagsasabi.... Kasi I've been in the business for so long na rin, and ngayon lang naman nagkaroon ng tsismis, ng intriga, kasi nga nag-break na kami ng bf ko. So akala nila ngayong break na kami, may possibility na maging romantic kung ano man yung meron kami ni JC ngayon.

"Pero with all of my [screen] partners before—si Cogie Domingo, Oyo Sotto, Richard Gutierrez—wala talaga, walang kahit ano. Pero with JC, I can say na different siya from all my partners, from all my loveteams, kasi talagang ano siya, mabait, simpleng tao...

"Yung iba, hindi sila salbahe. Kaya lang, like with sina Cogie, sina Oyo, sina Richard, they have been in the business as long as I have. But with JC, nakikita ko very humble siya kasi bago lang din siya. Nakikita ko na he's simple and he's very, very nice. Kahit nung napapanood ko pa lang siya sa Survivor, napakabait niya and he's very nice," paglalarawan ni Maxene kay JC.

May pag-asa bang umibig siya kay JC?

"Ganito na lang 'yan, hindi ko naman kinu-close yung doors ko or what. But right now, I can say na talagang friends lang kami because kaka-break ko lang and kaka-break lang din niya. Ayoko naman i-jeopardize yung friendship namin, di ba?"

DOUBLE BREAKUP. May nang-iintriga rin na pinag-usapan daw nila ni JC ang makipag-break sa respective sweethearts nila for the sake of their loveteam. Ano ang reaksiyon ni Mexene dito?

"That is so untrue, hindi totoo 'yan. Walang usapan yung breakups namin, walang ganun. Bakit ko gagawin yun sa ibang couple kung ayaw kong gawin din sa akin ng ibang babae? What goes around comes around," sabi niya.

And for the record, hindi raw nanliligaw sa kanya si JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, torpe yun! Sobrang torpe yun!" natatawang sabi ni Maxene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN