Sharon Cuneta skips Mano Po 6 premiere to grieve over Yaya Luring's death

Megastar Sharon Cuneta decided not to attend the premiere of her latest movie, Mano Po 6, last night, December 20, to grieve over the death of her Yaya Luring who passed away last December 19. (Inset) Sen. Kiko Pangilinan and KC Concepcion read the letter from Sharon apologizing for not attending the premiere.


Hindi na naka-attend ng premiere ng kanyang sariling pelikula and her first movie for Regal Films ang Megastar na si Sharon Cuneta. Kagabi, December 20, ginanap ang premiere night ng Mano Po 6: A Mother's Love sa SM Megamall Cinema 9 and 10.

The night before the premiere, December 19, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Inatake sa puso ang pinakamamahal na yaya ni Sharon na si Yaya Luring, o si Loreta Benitez, on her way to Ayala Westgrove Heights sa Laguna para sa Christmas party ng mag-asawang Sharon at Kiko Pangilinan para sa kanilang mga kasambahay. (CLICK HERE to read related story.)

Matinding pagdadalamhati ang nararamdaman ni Sharon sa biglaang pagkamatay ng kanyang yaya, na isang tunay na ina na rin ang turing niya, lalo pa't 40 years niya itong nakasama.

Sa premiere night ng Mano Po 6, ang dumating na magkasama ay si Sen. Pangilinan at ang panganay na anak ng Megastar na si KC Concepcion. Binasa ni Sen. Kiko ang official statement ni Sharon para sa lahat ng tao sa loob ng sinehan.

Nakasaad sa official statement ni Sharon ang sumusunod:

"Magandang gabi po sa inyong lahat.

"Gustuhin ko mang makadalo ngayong gabi, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap kagabi—ang biglaang pagpanaw ng aking minamahal na Yaya Luring.

"Noong mangyari po iyon, hindi ko po alam kung paano ko haharapin ang lahat ng aking mga kailangang gawin, lalo pa't nalalapit na ang Pasko at heto, mayroon pa akong pelikula na kasali sa taunang Metro Manila Film Festival.

"Humihingi po ako ng paumanhin sa di ko pagdalo ngayong gabi, lalo pa't tunay kong ipinagmamalaki ang napakagandang pelikula ko—ang Mano Po 6: A Mother's Love.

"Kay Mother Lily at Roselle Monteverde, sa mga kapwa ko artista, sa production team sa pangunguna ng aming director, Joel Lamangan, at sa inyo, aking mga kaibigan at tagasuporta, nawa'y maintindihan ninyo ang aking dinadaanan ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ang Mano Po 6 ay tungkol sa pagmamahal ng ina sa anak at anak sa magulang, hinaharap ko ngayon ang isang pagkakataong maipakita ang aking pagmamahal at utang na loob sa isang taong itinuring ko na rin parang isang ina—si Yaya Luring.

"Yaya, inaalay ko sa inyo ang pelikulang ito at sa inyo, aking manonood, ang pelikulang ito; nawa ay magsilbing daan upang lalo nating ipakita ang ating pagmamahal sa ating mga magulang habang may panahon pa."

Siguradong matutuwa si Sharon kung nandoon siya sa premiere night at personal na narinig ang magagandang komento sa pagkakagawa ng pelikula at sa acting na ipinamalas niya rito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN