Rhian Ramos reacts to report that she "broke up" with JC de Vera because of Akihiro Sato

"I'm at certain point na nasasanay ka na rin sa kung anung-ano ang naririnig mo about yourself. Kumbaga, na-used na ako sa ganun," says Rhian Ramos about the latest issue about her.


May report na lumabas sa isang tabloid na nahuli raw ni JC de Vera si Rhian Ramos na "sweet na sweet" with Brazilian model-actor na si Akihiro Sato sa isang party. Ito raw ang dahilan kung bakit "nag-break" sina Rhian at JC, na itinatago lamang daw ang totoo nilang relasyon. Ayon pa sa report, nagkaroon pa raw ng "kumprontasyon" sa pagitan nina Rhian at JC.

Agad naman itong pinabulaanan ni Rhian nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

"Ang balitang nakarating sa akin, nahuli daw kami ni Akihiro na nagsusubuan ng oyster," simula ng Kapuso young actress. "Alam ko kung anong party ang pinag-uusapan, pero hindi naman ako kumakain dun [sa restaurant]. Yun lang. I only met Akihiro twice and he's a very, very nice guy, decent.

"Si JC naman, hindi kami umabot sa boyfriend-girlfriend. But he's very dear to me and we're still friends now. We're very updated on each other kahit hindi kami masyadong nagkikita. May schedule siya, may schedule ako, pero updated kami sa isa't isa."

May report din na sinasabing kinabukasan daw ng "pagkakahuli" niya kina Rhian at Akihiro ay nag-post si JC sa Facebook account niya ng hindi magagandang salita at mag-ingat daw kay "RR."

Pero ayon kay Rhian, hindi naman niya nakita ang nasabing mensahe ni JC, lalo't hindi naman sila friends sa Facebook. "I don't know... Naka-privacy ako, so mahirap akong hanapin," aniya.

Bagamat may mga lumalabas na ganitong balita, hindi naman daw apektado si Rhian.

"Not so much, wala lang. I'm at certain point na nasasanay ka na rin sa kung anung-ano ang naririnig mo about yourself. Kumbaga, na-used na ako sa ganun," sabi niya.

TEAM-UP WITH DINGDONG. Tinangkilik at mainit na tinanggap ng mga manonood ang tambalan nina Rhian at Dingdong Dantes sa katatapos lang na Stairway To Heaven. Noong umeere pa ang naturang primetime series ng GMA-7, lumabas din ang balita na pinagselosan daw siya ng girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, I went to the project not knowing what to expect," sabi ni Rhian. "Ayun, I was in shock lang and, siyempre, very hapy na the reactions na nakuha naming lahat sa Stairway. Yung sa amin kasi ni Dingdong is perfect working relationship, the ideal working relationship, I would say."

Dagdag niya, "Ako, personally, I don't have any reason to feel it naman coz sa paminsan-minsan na nagkita kami, hindi niya ako binigyan ng dahilan to feel that way and wala naman talaga."

GOODBYE 2009, HELLO 2010. For Rhian, 2009 has been a fruitful year for her and she looks forward sa pagpasok ng 2010.

"Sa tingin ko, itong year na 'to ang pinakamarami akong na-accomplish," sambit niya. "2010, I look forward to it. Tingin ko, ito yung year na pinaka-i-o-open ko ang sarili ko to everyone, na gusto kong ipakita ang totoong ako. Excited ako for 2010!

"I am very good, very relaxed comparing to the last few weeks. Since katatapos lang ng Stairway, I'm chilling out muna. Kasama ako sa Panday, then gagawa muna ako ng two indie films and my album, o it's a more relaxed setting."

"I just spend the holidays with my family lang. Hindi ako aalis ng bansa, masaya ako dito," pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN