Lolit Solis says Hayden Kho believes in his own lies

"Kaya lumabas na naman si Hayden at may mga ginagawang ganyan, sabik na sabik na naman siyang makita ang sarili niya sa TV at sa mga diyaryo. Napakahilig niyang talaga sa publicity!" says Lolit Solis about Hayden Kho Jr. (inset).


Sa naging panayam ni Hayden Kho sa Tweetbiz, ang showbiz talk show ng Q Channel 11, sinabi nito na kung galit daw sa kanya ang Startalk host na si Lolit Solis, siya raw ay hindi walang galit dito. Ayon pa kay Hayden, hindi raw kaaway ang tingin niya kay Lolit kahit inaaway siya nito.

Matatandaang nagpahayag si Hayden na hindi siya magpapa-inteview sa Startalk, o maging sa anumang programa ng GMA-7, dahil daw sa mga pahayag ni Manay Lolit laban sa kanya. Naging very vocal kasi si Manay Lolit sa opinyon niya tungkol kay Hayden kaugnay ng relasyon nito kay Dra. Vicki Belo at sa pagkalat ng sex videos nito na kasama ang iba't ibang babae, kabilang na sina Katrina Halili at Maricar Reyes.

Kilalang malapit na kaibigan ni Lolit si Dra. Belo.

Sa Startalk naman noong Sabado, December 19, tinanong ni Joey de Leon si Manay Lolit kung ano ang reaction niya sa naging pahayag na yun ni Hayden.

"Alam mo, sana lahat ng sinasabi ni Hayden, totoo," umpisa ng talent manager-TV host. "Di ba, napakahusay niyang magsalita? Sana man lang totoo yung sinasabi niya."

Ibig ba niyang sabihin, walang totoo isa man sa mga sinabi ni Hayden?

"Oo," diretsong sagot ni Manay Lolit. "Dine-dare ko siya. Kung talagang hindi siya galit sa akin, mag-guest siya rito at pa-interview siya sa atin, di ba? Kung hindi siya galit, patunayan niya. Kung sinasabi niya lang, pero hindi niya ginagawa, sinungaling talaga siya!"

HUMILITY, INTEGRITY, SERVICE. Since malapit na ang Bagong taon, ang New Year's Resolution ni Hayden, ayon kay Joey, ay meron daw HIS—humility, integrity, and service. Ano ang masasabi ni Lolit dito?

"Paano magkakaroon ng integrity ang isang tao na gumawa ng sex video, di ba?" sabi niya.

"Service yun," hirit naman ni Joey.

"A, ibang service?" natatawang sabi ni Lolit. "O, di ba? Kaya nga sabi ko, paano siya magkakaroon ng mga ganoong qualities, samantalang may mga ginawa siyang kababuyan?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasabi rin ni Hayden sa kanyang interview sa Tweetbiz that he's taking a sabbatical. Which means ayaw raw niyang malaman ang mga nangyayari at ayaw niyang may makitang kasamang iba ang love niya.

Ito naman ang sagot ni Lolit dito: "Joey, isang bagay lang ang sasabihin ko sa 'yo. Kaya lumabas na naman si Hayden at may mga ginagawang ganyan, sabik na sabik na naman siyang makita ang sarili niya sa TV at sa mga diyaryo. Napakahilig niyang talaga sa publicity!"

Yun ang tingin niya?

"Oo! Talagang-talaga! Kitang-kita mo naman ang personalidad niya, 'no!" walang prenong sabi ni Manay Lolit.

Sa pagkakaalam ni Lolit, meron na ba talagang bagong pag-ibig si Dra. Vicki Belo?

"Ang alam ko kasi, yung bago nilang parang operation manager, talagang ano yun, e, kapatid yun ni Ira Cruz [of Bamboo]. Tapos, parang inaano yun ni Vicki na sana maging boyfriend ni Cristalle [Henares, Dra. Belo's daughter]. Kaya lang, kinakabahan ako. Noon din, yung balak niya, ang maging boyfriend ni Cristalle, si Hayden. Tapos, napunta kay Vicki!" tawa na naman ni Manay Lolit.

Sa tingin niya, in love pa ba si Hayden kay Dra. Belo?

"Si Hayden, ang nakikita ko sa kanya, in love siya sa sarili niya. Hindi siya mai-in love kahit na kaninong tao, sa sarili niya lang," sagot ni Manay Lolit.

"HE BELIEVES IN HIS OWN LIES." Kung magpapa-interview ba si Hayden sa Startalk, babatiin na niya ito?

"Oo. Talagang dine-dare ko siya. Babatiin ko siya magpa-interview lang siya sa Startalk. Para makita ko, malaman ko..."

Bakit sa palagay niya, ayaw magpa-interview ni Hayden sa Startalk?

"Paano takot siya!" bulalas ni Manay Lolit. "Napakatalino mo [Joey], napakatalino rin ni Ricky Lo, napakatalino rin ni Butch [Francisco]. Ako nga lang ang bobo sa ating apat, e. Kaming dalawa ni Alyssa [Alano]. Kami nga, baka hindi pa namin malaman ang mga hidden ano niya, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Since magpa-Pasko at magba-Bagong Taon na, ano ang mensahe niya kay Hayden?

"Ako'y hinayang na hinayang kay Hayden. Guwapo, doctor, maganda naman ang pamilya. Nagpunta na kami ni Ricky sa bahay nila. Nakita naman namin na okey ang pamumuhay. Pero bakit ganyan siya? Punung-puno ng kasinungalingan. Para sa isang tao na napakaraming witness, na nakita siyang nasa pinyahan, tapos sasabihin niyang ibang tao yun... sa sarili ba niya? Basta ako, nakikita ko kay Hayden, he believes in his own lies. Yung mga lies niya, pinaniniwalaan niya."

Dagdag ni Lolit, "At saka, may sasabihin ako sa 'yo, bakit pa ako pupunta ng Tagaytay kung talagang gusto kong saktan ang sarili ko? Bakit hindi ko buksan ang bintana at tumalon? Hindi ko na kailangang magbiyahe. Kung talagang gusto mo, tumalon ka lang. Buksan mo ang bintana at saka tumalon!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN