Pops Fernandez and Martin Nievera to stage another Valentine concert

"Martin and I are really an odd couple. With or without each other, we still manage to spend time together as a family. Siguro dahil sobrang mahal namin ang mga anak namin," says Pops Fernandez about ex-husband Martin Nievera.


Muling magsasama sa concert stage ang dating mag-asawang Martin Nievera at Pops Fernandez. Mauuna muna ang concert nila sa Cebu on January 9, followed by their Valentine concert in February at SMX Mall of Asia, billed as One Amore Time.

This time, hindi na ang Fearless Production nina Ronald Singson at ng ex-boyfriend ni Pops na si Jomari Yllana ang magpo-produce ng concert nila.

"It's One Amore Time, si Robin [panganay na anak nila ni Martin] ang nag-suggest. Meron siyang love story, very sexy, daring, and mature. So, siguro, si Martin makikita natin na naka-thong, I love it!" natatawang pagde-describe ni Pops sa magiging tema ng concert nila sa interview sa kanila ni Martin ng Startalk.

Since Jomari is not producing the concert, iimbitahin pa rin ba nila ito?

"Kailangang bumili siya ng ticket!" biro ni Pops. "Siyempre, siyempre naman. That would be nice if he could watch."

UNEXPECTED MEETING. Speaking of Jomari, recently ay nagkita sila sa re-launching ng Channel [V]. How was their chance meeting?

"Yun talaga ang first time," sabi ni Pops. "Ako, nabigla rin ako. So, magandang way siya for us to kinda talk to each other. Tapos, may konting chika-chika. Inaasar ko siya. Sabi ko, 'My gosh, you're such a singer now!' Tapos sabi ko, 'Baka naman tapatan mo pa kami.'"

Dagdag niya, "More or less, kumbaga, na-heal na yung mga wounds."

"THERE'S NOTHING TO TALK ABOUT." Sa kaso naman nina Pops at Martin, napag-uusapan din ba nila ang kanilang mga personal na buhay?

"Ako, zero ako ngayon... So, there's nothing to talk about," sagot ni Pops.

Ayon naman kay Martin, "Martin doesn't talk about other girls in front of the mother of his children. It doesn't matter who she was seeing. We have separate lovelife and no matter what happens on Valentine's, it's our date. And it's been for many, many years even before we got married."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong ni Pops, "Martin and I are really an odd couple. With or without each other, we still manage to spend time together as a family. Siguro dahil sobrang mahal namin ang mga anak namin."

MARTIN'S OTHER SON. Napamahal na rin daw ang anak ni Martin kay Katrina Ojeda na si Santino sa side ni Pops.

"Santino is so cute!" sambit ni Pops.

Sabi naman ni Martin, "Santino loves them. Santino plays with Pops on screen."

Kuwento ni Pops, "Dati kasi, yung mga anak ko, si Kuya [Robin], six months na nasa States with Martin. So, usually, feeling ko kasi si Santino, gustung-gusto sa kuwarto nina Robin, ni Ram. So, tuwing nakikipag-chat yung mga anak ko sa akin, palaging nandoon si Santino. So, dun ko talaga siya nakilala."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN