Claudine Barretto blames ex-flame Mark Anthony Fernandez for delay of reunion project

The reunion project of ex-lovers Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez is off to a bad start as delays and misunderstanding between the two stars are reportedly putting the project on indefinite halt.


Masama raw ang loob ni Claudine Barretto sa ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez sa hindi pagsipot diumano ng aktor sa kanilang scheduled meetings kaugnay ng pelikulang pagsasamahan nila for next year.

Ayon sa kuwento na nakalap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), apat na beses na raw hindi natutuloy ang dapat sana ay meeting nina Claudine at Mark, kasama ang big bosses ng Viva Films at Unitel Productions, na siyang magpopondo ng proyekto. Lagi raw kasing hindi sumisipot si Mark bagamat nagsabi ito sa lahat ng pagkakataon na darating siya para pormal na makipag-usap.

"The fourth meeting was yesterday [December 21] and he texted in the morning. Nagpasabi siya [Mark] na a-attend siya sa meeting, which was scheduled at two o' clock for him to apologize to Tony [Gloria of Unitel] and Vic del Rosario [Viva]... Pina-move niya at four o' clock tapos four o' clock, hindi pa din siya nakarating," kuwento ng aming source na konektado kay Claudine.

Dahil nga sa unnecessary delays ay sigurado na raw na hindi agad tatakbo ang project. Sa Enero sana ang target date ng simula ng shooting nila.

Hindi raw tuloy maiwasan ni Claudine na ikumpara ang ex-boyfriend sa mga nakatrabaho niya in the past, partikular sa iniwang estasyon, ang ABS-CBN. Matatandaang isa nang Kapuso si Claudine pagkatapos niyang pumirma ng two-year exclusive contract sa GMA-7 noong November 25.

"'Yong mga kasama ko doon [Star Magic, ABS-CBN's talent arm], kahit sobrang sikat na sila, they were all very humble and very considerate of others," narinig na sabi ng aktres.

Supposedly ay lilipad daw sana patungong Estados Unidos si Claudine para magbakasyon at upang sorpresahin ang babaeng kapatid ng namayapang aktor na si Rico Yan, na dati ring naging kasintahan ng aktres.

"But because of those scheduled meetings nga, hindi na siya nakapunta," sabi ng aming source. "She was supposed to visit Tina Yan who is very close to her. She wanted to surprise her sana. But because of these delays, hindi na natuloy and wala na siyang makukuhang tickets by now."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap naman ng PEP sa pamamagitan ng telepono ngayong hapon, December 23, ang manager ni Mark na si Paula Punla subalit tumanggi muna itong magbigay ng pahayag.

Mananatili namang bukas ang PEP sa kampo ni Mark kung sakaling handa na itong magsalita tungkol sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN