JC Tiuseco wants nothing from Maxene Magalona this Christmas but her friendship

"Kami ni Maxene, hindi namin inakala na we would end up as good friends. Magkaiba ang ugali namin, e. Tahimik ako, madaldal siya. Outgoing siya, ako naman gusto ko nasa bahay lang ako. Totally magkaiba kaya nakakagulat. Totoo pala ang sinasabi nilang opposites attract, di ba?" says JC Tiuseco (in photo) about Maxene Magalona.


Nagpapasalamat ang kauna-unahang Ultimate Sole Survivor ng Survivor Philippines na si JC Tiuseco sa magandang takbo ng kanyang career sa showbiz.

Nitong 2009 ay nabigyan siya ng magagandang projects sa GMA-7, tulad ng morning show na Unang Hirit at ang afternoon drama series na Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin. Gumawa rin siya ng four-week episode for Dear Friend at ngayon ay nasa ChristmaSerye siya na Sana Ngayong Pasko.

Naging isa rin si JC sa celebrity endorsers ng Penshoppe at napasama pa siya sa top ten list ng 2009 Cosmopolitan Hunks at sa 2010 Body Calendar ng Metro magazine.

"There is so much to thank for talaga kaya happy ang Christmas ko," nakangiting sabi ni JC sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Hindi ko nga inakala na I would go this far sa pinasok kong career. Akala ko after Survivor Philippines, modeling lang ang babagsakan ko. Pero nabigyan tayo ng chance at may naniwala naman sa kakayanan natin. Ginawa ko naman ang best ko and I am grateful sa mga projects na ipinagkatiwala nila sa akin."

This time, gusto naman daw subukan ni JC ang makagawa ng pelikula. Dapat ay kasama si JC sa cast ng isang indie film, pero bigla siyang napalitan nang hindi niya nalalaman.

"Okey lang 'yon. Siguro nga hindi para sa atin ang movie na 'yon. Maganda naman ang mga naging kapalit noong mawala sa akin yung movie project. Kaya okey lang. Siguro naman magkakaroon ako ng chance na makagawa ng pelikula," sabi ni JC.

CHRISTMAS GIFT FOR MAXENE. Ngayong Christmas, ano ba ang ireregalo niya para sa nali-link sa kanya at ka-partner niya sa Sana Ngayong Pasko na si Maxene Magalona?

"Anything na may Hello Kitty!" tawa ni JC. "Halos lahat ng gamit niya Hello Kitty ang nakikita ko. Kaya wala akong ibang maisip na ibigay sa kanya kundi 'yon. Cute naman at bagay na bagay kay Maxene ang mga gamit niyang may Hello Kitty."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang si JC ang tanungin ng PEP kung ano ang gusto niyang hilingin kay Maxene sa Pasko, wala raw siyang anumang material things na gusto. Ang gusto lang niya ay mas maging maganda pa ang pagkakaibigan nila ni Maxene.

"Hindi naman ako materyosong tao," sabi niya. "Okey lang kahit ano ang iregalo sa akin. It's the thought that counts, di ba? Lalo na kung manggagaling kay Maxene, it means a lot. Siguro kung may hiling ako, yun ay ang maging mas maganda ang friendship namin.

"Kami ni Maxene, hindi namin inakala na we would end up as good friends. Magkaiba ang ugali namin, e. Tahimik ako, madaldal siya. Outgoing siya, ako naman gusto ko nasa bahay lang ako. Totally magkaiba kaya nakakagulat. Totoo pala ang sinasabi nilang opposites attract, di ba?"

Pinapasalamatan din ni JC ang pamilyang Magalona sa pagtanggap nila sa kanya bilang kaibigan ni Maxene.

"Ang laki ng respeto ko sa pamilya ni Maxene. Maganda ang trato nila sa akin at kapag magkakasama kami, para na kaming isang pamilya. Gusto ko lang silang pasalamatan sa pagtanggap nila sa akin bilang kaibigan ni Maxene."

Pero nililinaw ni JC na wala pa silang relasyon ni Maxene bukod sa pagiging magkaibigan lamang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN