Heart Evangelista looks for happiness and balance in the new year

"Hindi lang basta-basta puwede kang ma-in love. Hindi lang basta-basta puwede kang pumasok sa relasyon dahil kumbaga, alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig," says the recent FAMAS awardee who's focusing on her career right now.


As far as her lovelife is concerned, it's one aspect of Heart Evangelista's life that she feels she can control. And right now, her choice is to be single and happy. Kahit na open si Dennis Trillo, ang kapareha niya sa Mano Po 6: A Mother's Love, sa pagsasabing crush siya nito, Heart cannot say if she can fall for him, too.

Aniya, "Alam niyo, sa showbiz naman, given na 'yan, lahat sila guwapo. Mabait naman ang iba. Yung iba, hindi. Pero lahat sila guwapo. So, you'll always get attracted to all of them. But it's different kasi kapag may 'something.'

"E, hindi lang basta-basta puwede kang ma-in love. Hindi lang basta-basta puwede kang pumasok sa relasyon dahil kumbaga, alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig, kaya hindi na ako puwedeng mag-date.

"Kung makikipagrelasyon ako, alam ko na yun ang pag-ibig na masa-satisfy ako na 'eto yun, magiging kuntento ako."

LOOKING FOR A SIGN. Napagod na siya, nagka-phobia or na-trauma?

"It was good trauma na nagpatuto sa akin. Pero, hindi ko naman puwedeng i-generalize lahat. Ayoko, e... kasi, nasa time ako na nanghihingi ng sign. Sign kung ano ba ang dapat kong gawin. So, nili-lift ko ang life ko one day at a time, ayokong magplano, ayokong magganyan. Kasi nga, kung magpaplano ka, mabibigo ka lalo."

Matatanggap ba ng parents niya kung mai-in love siya uli at magseseryoso sa relasyon?

"They think lang kasi na I should... bata pa kasi ako. May time lang na naudlot yung mga kailangan kong gawin. Na ma-achieve ko lang yun, yung mga dreams ko, yung mga kailangan kong gawin. Kailangan kasing maging whole ako bilang tao para malaman mo kung ano ang gusto mo sa buhay."

Dugtong pa niya, "Kailangan mong mag-mature. Parang wine, habang tumatagal yung wine, kailangan mong ma-reach yung point na yun bago mo malaman kung ano ba talaga ang gusto mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang parents ko naman, after lang sila na maging tama ang desisyon ko. Basta ngayon, it's all for my family, it's all for my parents. Ngayon, binabawian ko lang sila nang bonggang-bongga na maging masayang-masaya sila.

"But at the end of it all, alam ng mommy ko na hindi ko naman forever isa-sacrifice ang happiness ko. So, darating at darating din kami sa point na yun," sabi ng aktres na magtu-twenty five years old sa Valentine's Day.

HAPPINESS AND BALANCE. Ang Christmas wish ni Heart para sa sarili niya ay "happiness in all areas of my life. Na maging balance lahat at masaya ako. Na wala akong ibang hinihingi. Contentment with all aspect of my life, in all areas."

Tinuturing niyang isa sa pinakamagandang nangyari sa kanya sa taong ito ay ang pagkapanalo niya ng FAMAS best actress award para sa independent film na Ay Ayeng.

"Kasi, sa lahat ng pinagdaanan ko at pinaghirapan ko, especially at that time, yung ginawa ko yung movie na yun, yun ang time na walang-wala ako.

"So, noong ginawa ko yung movie na yun dahil talagang miss na miss ko nang umarte. So, parang nasuklian yun, yun pa. You know, it wasn't about the fame...kumbaga, talagang na-miss ko lang kaya ko ginawa ang indie film, tapos yun pa ang nanalo ng award. So, sobrang meaningful ng award na yun para sa akin kasi, parang sinuklian ako."

Kaya hindi niya iniintindi na wala siyang lovelife ngayon.

"Kasi, hindi rin naman maganda kung parang blessed na blessed ka, pagkatapos magrereklamo ka pang may kulang. So, hindi ko na lang iniisip," sabi ni Heart.

"Feeling ko, things will be good," ang expectation niya sa darating na taon.

"Siyempre, sa mga magagandang nangyayari, meron din na mga hindi. Kasi, ganun naman yun, e, nababalanse. Kumbaga, sabi nila, baka biglang lumaki ang ulo mo, bigyan kita ng konting problema," natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN