A psychic foresees even better things for Kris Bernal in 2010

What's not in the cards is breast enhancement. "Hindi, ah! Hindi ako nagpapalagay kasi natatakot ako, e. At saka, ina-advise rin sa akin ng lahat na basta galingan ko lang sa acting," said Kris whose love team with Aljur Abrenica is one of the breakthrough acts of the year.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kris Bernal three days before Christmas sa isang pictorial niya sa Pasong Tamo, Makati, para sa magiging billboard ng Cathy Valencia Skin Care. Kasama ni Kris sa photo shoot ang iba pang GMA Artist Center talents na sina Chynna Ortaleza at Ryza Cenon na endorsers din ng naturang beauty center.

Ayon kay Kris, siya ang mismong lumapit sa Cathy Valencia para gawing third official endorser nito.

"Actually, matagal na akong lumalapit sa Cathy. Mga one year ago pa lang siguro. Pumupunta 'ko sa clinic niya. Tapos, sinusulatan ko siya kung puwede ex-deal or discount... Gusto ko talaga ang Cathy kasi gusto ko talagang pumuti. Yun talaga ang goal ko, gusto ko talagang pumuti and since expertise nga ng Cathy Valencia yun, sila talaga ang gusto kong gumawa sa akin.

"At ngayon, lahat talaga ng kakilala kong endorsers nila, si Ate Ara [Mina], pinapalakad ko rin sa kanya ang Cathy. Tapos, heto, finally, si Ms. Shey [Sherilyn Reyes], siya yung tumulong sa akin na makapasok sa akin sa Cathy Valencia, kaya sobrang happy ako."

FAMILY TIME. Ngayong Kapaskuhan, ito na raw ang time niyang makapag-rest kahit paano.

"Noong una, hindi ko nga maramdaman na Christmas na pala. Sunod-sunod na trabaho, ang daming ginagawa. Parang ilang araw na lang pala, Christmas na.

Halos di man niya namalayan ang pagsapit ng Pasko—"Three days na lang ba?!" napabulalas siya nang mabanggit namin—mahalaga pa rin ang panahong ito para sa kanya. "Christmas day, ano talaga yun, rest day, naka-block talaga sa family."

By December 27, resume taping na naman siya for The Last Prince na pinagbibidahan nilang muli ni Aljur Abrenica for GMA-7.

GREAT YEAR FOR HER AND ALJUR. Naging napakasuwerte daw para sa kanya ang taong 2009.

"Actually sa aming dalawa ni Aljur. Kasi, yung una naming soap, yung Dapat Ka Bang Mahalin?, pumatok siya... Tapos dito rin yung first movie naming All My Life, and then, yung Bench [endorsement].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, year talaga namin ni Aljur ngayon," kahit na di raw talaga niya in-expect na ganito kaganda ang mangyayari sa mga career nila.

"Ang palagi kong iniisip noong hindi pa ako nagli-lead, bahala na si Lord sa akin. Kung hindi ko man maabot yung gusto ko sa career ko, mag-aaral na lang ako.

"Ganun talaga yung nasa isip ko. Tapos, hindi ko akalain. Parang, shucks, nag-lead na nga kami sa Dapat Ka Bang Mahalin, nag-All My Life pa kami, tapos nagsunod-sunod na. "

WHAT THE PSYCHIC SAW. Natatawang inamin ni Kris na nagpahula raw siya sa isang psychic kung ano ang magiging posibleng kapalaran niya sa taong darating.

"Parang family na rin namin siya. Sabi naman niya, magiging maganda raw ang 2010 ko, na sana totoo. Pero so far, yung mga hula niya sa akin before, nagkatotoo naman ngayong 2009. Not everything, pero makokonek naman sa mga nangyari.

"Ngayong 2010, mas makikilala raw ako. Taray, di ba?" natatawa niyang sabi. "Pero yun nga, ang sabi, mas year ko raw ang 2010. So, sana naman... Sabi ko nga, sunod lang, go lang, bahala na si Lord sa akin."

Hindi pa pala sigurado kung The Last Prince nga ang magiging official title nitong bagong serye ng Kris-Aljur love team, pero ang sigurado ay ito ang opening salvo ng GMA-7 for 2010, kaya talagang pinagbubutihan ng dalawa ang trabaho.

"Puyatan talaga, mahirap gawin ang mga effects, tapos, prosthetics pa ni Aljur..."

January 11 na raw ang pilot nito at aminado si Kris na may kaba siya.

"Oo naman... sobrang kabado talaga kami. Pero siyempre, thankful kami sa GMA. Akalain mo naman na gawin pa kaming opening salvo. Siyempre, malaking responsibililty yun. So, kami ni Aljur... alam naming hindi enough ang thank you, pero talagang gagawin na lang namin ang best namin para mas mahalin pa ng tao ang love team namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHAT'S IN THE FUTURE? Popular man ang love team nila ni Aljur, hindi pa rin masasabi ni Kris na walang mababago sa 2010.

"Ako, marami akong worries sa buhay ko talaga. From the time na maging magka-partner kami ni Aljur, nagkaroon na ako ng, 'Ano ang mangyayari sa akin kapag iniwan na ako ni Aljur?' Ganoon talaga ang thinking ko. At sana , maka-move on ako.

"Sana makapagsolo rin ako. Kasi siyempre, hindi mo rin maiiwasan, marami ka rin maririnig sa ibang tao or comment sa ibang tao, e, tulad ng yun nga, nakukumpara kami ni Aljur. So, kailangan ko rin mag-excel talaga sa sarili ko.

"In fairness naman sa sarili ko, naks! Ha ha ha! May kusa naman akong magpaganda para ma-improve at pagnasaan naman ako ng mga kalalakihan," natatawang sabi ng bagong beauty endorser.

Sa biro niyang iyon, may nakapagtanong tuloy kung naiisip na ba niyang magpa-breast enhancement, tulad ng ina-advise ng ilan sa kanya?

"Hindi, ah!" madiin niyang sagot. "Hindi ako nagpapalagay kasi natatakot ako, e. At saka, ina-advise rin sa akin ng lahat na basta galingan ko lang sa acting. Maging good girl lang ako, sumunod lang ako."

EXCHANGE GIFTS. Sa tingin ni Kris, sa love team niya nakuha ang tagumpay, pero alam niya ring kailangang paghandaan niya ang panahong maglalaho ito.

"Sa sarili ko, nakikita ko na si Aljur talaga yung leading man talaga. Nasa linya siya na puwede siyang maging big star ng GMA. Magaling siyang kumanta. Magaling siyang sumayaw. Guwapo siya at ang ganda ng katawan niya.

"Ako, hindi ko alam kung kaya ko. Pero ngayon nga, sinisimulan ko nang mag-isip ng mga bagay para alam mo na... Ako naman kasi, alam ko na hindi forever kami love team. Kaya every project na ginagawa ko, iniisip ko na lang, ito na ang last project namin together na dapat galingan ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matanong lang, may Christamas gift ba siya para kay Aljur?

"Oo... Kasi, matagal na niyang gusto yung mga PSP na games, yung mga baril-barilan na hindi ko alam ang mga sinasabi niya, so, yun ang ibinili ko sa kanya... Since wala rin daw siyang time na bumili and stuff, so ako ang bumili para sa kanya."

E, si Aljur, may gift para sa kanya?

"Oo... Noong magpunta kami ng Dubai, nagsa-shopping kami. May tinuro ako, binili naman niya in fairness, pero, hindi pa niya ibinigay sa akin. Damit siya... pero ang arte nga, hindi pa binigay sa akin," natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN