Manny Pacquiao threatens to file libel charges against Floyd Mayweather Jr. and his camp

Filipino boxing champ Manny Pacquiao has issued an official statement in connection with his plan to file libel charges against the camp of American boxer Floyd Mayweather Jr., who continuously accuses Pacquiao of taking performance-enhancing drugs.


Mukhang matatagalan pa o posibleng hindi na matuloy ang inaabangang paghaharap sa boxing ring nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. Ito ay matapos sabihan ni Pacquiao ang Top Rank promoter na si Bob Arum na sampahan ng libel, slander at defamation suits ang kampo ni Mayweather Jr.

Tila napuno na si Manny sa paulit-ulit na alegasyon ni Mayweather Jr., ng kanyang amang si Floyd Mayweather Sr., at ng Golden Boy Promotions, na gumagamit siya ng performance-enhancing drugs (PED) kaya raw nagagawang talunin ng Pinoy boxer ang mga nakakalaban nito.

Bukod pa rito ay naglabas din ng statement si Mayweather Jr. na nagde-demand kay Pacquiao na sumailalim sa "Olympic-style drug testing" na isinasagawa ng US Anti-Doping Agency. Ngunit tinanggihan ito ng Top Rank, sa ngalan ni Pacquiao, at dito na nagpalitan ng salita ang magkabilang kampo.

Noong una ay pinapalamapas lamang ni Pacquiao ang mga alegasyong ito ng kampo ni Mayweather, partikular na ang ama nitong si Mayweather Sr., pero nasagad na rin ang pasensiya ng Filipino boxing champ. Ito ang dahilan kung kaya't nagdesisyon na siyang magsampa ng kaso laban sa kampo ng American boxer.

"Gumagawa lang siya [Mayweather Jr.] ng paraan o strategy niya 'yan para magalit ako, para ma-distract ako sa concentration ko sa fight. O kaya ninenerbiyos lang siya," saad ni Manny sa panayam sa kanya ng Startalk.

Tungkol naman sa demand ng kampo ni Mayweather na sumailalim siya sa drug testing, ito ang sagot ni Pacquiao: "Hindi naman yun before or after, e. Bakit, dahil mas malakas siya sa akin, e, mas maliit ako. Pag nag-blood test kami, pareho kaming manghina pareho... Advantage siya dahil malaki siya."

OFFICIAL STATEMENT. Naglabas rin si Pacquiao ng official statement kaugnay ng planong pagsasampa niya ng kaso laban sa kampo ni Mayweather. Ito ang nilalaman ng statement:

"Enough is enough. These people, Mayweather Sr., Jr. and Golden Boy Promotions, think it is a joke and a right to accuse someone wrongly of using steroids or other performance-enhancing drugs. I have tried to just brush it off as a mere pre-fight ploy, but I think they have gone overboard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I have instructed my promoter, Bob Arum, head of Top Rank, Inc., to help me out in the filing of the case as soon as possible...

"I maintain and assure everyone that I have not used any form or kind of steroids and my way to the top is a result of hard work, hard work, hard work, and a lot of blood spilled from my past battles in the ring, not outside of it."

Ngayong taon ay tinalo ni Pacquiao ang British boxer na si Ricky Hatton at ang Puerto Rican boxer na si Miguel Cotto.

Sa March 13, 2010 sana nakatakda ang laban nina Pacquiao at Mayweather Jr. Hindi man matuloy ang kanilang paghaharap, mukhang tuloy pa rin ang pagtuntong muli ni Pacquiao sa boxing ring sa araw na yun. Pero imbes na si Mayweather Jr. ay ang Italian-American fighter na si Paul Malignaggi ang makakalaban ng tinaguriang best pound-for-pound boxer at "one of the greatest boxers in the world."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN