Sylvia Sanchez gives birth to baby boy three days before Christmas

It's table for six now for the family of Sylvia Sanchez (holding baby in arms), after the Kapamilya actress gave birth to Juan Arturo Xavier last December 22. Welcoming the new addition are (standing) siblings Maria Sophia, Juan Carlos and (seated) Maria Angela and father, Art Atayde.


Last Tuesday, December 22, nanganak ang aktres na si Sylvia Sanchez sa Medical City sa Ortigas, alas dose y medya ng tanghali.

Dalawang araw pa lang ang nakakalipas ay lumabas na siya ng ospital dahil bisperas na ng Pasko, December 24.

"Ayoko naman kasing sa ospital abutan ng noche buena at ng mismong Pasko, kaya kahit caesarian ang panganganak ko, ako mismo ang nagpilit na lumabas na kami ng ospital, tutal kaya ko na naman," sabi ni Sylvia.

Matatandaang noong kasagsagan ng bagyong Ondoy ay isa sa mga nilubog ng baha ang bahay nina Sylvia, kaya kahit anim na buwang buntis ito noon ay napilitang magbangka ang aktres, kasama ang kanyang buong pamilya, sa loob ng dalawa't kalahating oras papalabas ng kanilang village sa Ortigas Extension.

SAFE DELIVERY. Kaya naman labis-labis ang pasasalamat sa Diyos at katuwaan ni Sylvia (Jossette Campo-Atayde sa tunay na buhay) at ng mister niyang businessman na si Art Atayde dahil malusog at guwapung-guwapo ang bagong baby boy nila na may timbang na 7.14 pounds.

Pinangalanan nilang Juan Arturo Xavier ang kanilang bunso, dagdag sa tatlo pa nilang anak na sina Juan Carlos, 19 years old, Maria Sophia, 17, at Maria Angela, 7.

Nakatakdang binyagan ang bata sa January 30.

Kasalukuyan pa ring inaayos ang bahay nilang nasalanta ng baha, kaya sa isang condominium unit muna sila sa Shaw Boulevard tumutuloy.

"Pero hindi pa kami sigurado kung babalik pa kami doon. Ayaw na kasi ng mga anak ko na tumira pa kami doon. Baka daw kasi maulit yung baha, e, na-trauma na sila nang husto," kuwento ni Sylvia nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Makalipas ang ilang buwan, plano ni Sylvia na bumalik sa pag-aartista. Isa si Sylvia sa mga mahuhusay na character actresses ng ABS-CBN.

"Magpapapayat muna ako," natatawang pahayag ng bago na namang nanay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN