Lani Mercado thankful for the double successof husband's recent film project

Lani Mercado's prayer for next year has something to do with the "katuparan ng pangarap" of her family. She's eyeing a seat in Congress this coming May 2010 election.


Ayon kay Lani Mercado, pinakamasuwerte ang gabi ng 35th Metro Manila Film Festival Awards para sa lahat ng bumubuo ng Panday, na proyekto ng Imus Production at GMA Films. Bukod sa bonggang box office result ay humakot din ito ng mga awards—gaya ng Best Festival Picture, Best Actor, Best Supporting Actor, Best Child Actor, Best Visual Effects, at Best Theme song.

Ang bati ng maybahay ng senador, "Ito talaga yung ultimate dream ng Imus Production na makakuha ng ganito karaming awards. Nagpapasalamat din ako dahil akala namin box office lang pero sobra-sobra ito, kumbaga malaking bonus na ito para sa amin."

Siyempre, tuwang-tuwa din si Lani na napabilang ang naturang pelikula sa MMFF. Matatandaang, muntik na itong hind payagang ipalabas dahil sa kandidatura ni Bong Revilla bilang senador sa darating na 2010 election.

Aniya, "Nagpapasalamt din tayo na nabigyan ng pagkakataon na mapanood sa Pasko ang Panday dahil talagang pamasko naman talaga [ito]...Ito na yata ang best Christmas gift ever na natanggap namin."

Noong tanggapin ni Sen. Bong ng kanyang Best Actor trophy ay nabanggit nito na ang asawang si Lani ang kanyang lucky charm. Ayon naman sa aktres, matagal na itong wish ng kanyang asawa.

"Alam ninyo, wish niya ito matagal na. Pinagtrabahuan niya talaga ito, tumutok si best friend Ipe [Phillip Salvador], si direk Mac [Alejandre], lahat sila. Talagang ipinakita nila na di si Bong Revilla ang nakikita nila kundi si Flavio. Sa lahat ng sumusuporta kay Panday, kay Flavio, maraming salamat po."

At dahil sa tagumpay na ito, makakatiyak daw tayong meron ulit pambato ang Imus Productions sa susunod na MMFF, ang sabi pa ng aktres.

"Sa ganitong magagandang pangyayari, sa palagay ko, sasali uli ang Imus, sasali kami. Sabi nga ni Joey Abacan [executive ng GMA Films], mukhang maganda ang partnership ng Imus at ng GMA 7."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANOTHER BLESSING. Bukod sa Panday, mainit din ang naging pagtanggap ng publiko sa remake ng Pepeng Agimat, na pinagbibidahan ni Jolo sa ABS-CBN. Para kay Lani, isa itong blessing na ipinagpapasalamat niya para sa anak.

"Isa pang blessing yun para sa amin. Jolo is doing very well, his ratings also very high, salamat sa Panginoon sa pagtulong sa kanya."

At sa dami ng biyayang nakamit ng kanyang pamilya sa taoong ito, ano ang mahihiling niya sa 2010?

"Naku, maraming trabaho ang 2010! We want to take it one day at a time. Sana yung mga pangarap namin, yung mga pangarap namin, matupad," ang makahulugang sinabi ni Lani.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN