Sherilyn Reyes chooses her roles carefully

"Nagiging mapili rin ako sa mga roles dahil nga sa mga roles na ibinibigay, parang gusto nila, gawin akong kontrabida na parang i-pattern kay Jean Garcia. Actually, siya ang nakausap, e, yung husband ko. Pero sabi nga niya, may mga limitation siya na kahit ako mismo, hanggang doon lang ako," says Sherilyn Reyes.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Sherilyn Reyes sa pictorial niya for Cathy Valencia Skin and Body Center.

Masaya siya na sa pagpasok ng 2010 ay may project siya agad na mapapanood ng mga tao. Pang-opening salvo kasi ng GMA-7 para sa 2010 ang kinabibilangan niyang fantaserye na The Last Prince, na pagbibidahan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

"Yung role ko dun, ang gusto nila yung character ko sa Bahay Mo Ba 'To? [defunct GMA-7 sitcom], si Jessica, parang ganun. So, Bisaya, nasa comic side kami. Asawa ako ni Gene Padilla, barangay captain siya," paglalarawan ni Sherilyn sa kanyang role.

Mas masaya rin si Sherilyn na ang role na natoka sa kanya sa The Last Prince ay mortal at wala sa fantasy world.

"Mga guesting-guesting pa lang ang nagagawa ko in terms of fantasy. Pero kung ako ang tatanungin, huwag na lang... parang wala na yatang uwian yun, e!" natatawa niyang sabi.

"E, itong role ko," patuloy ni Sherilyn, "ang dami kong oras sa pamilya ko. Alam niyo yun? Yung kapag nag-taping ka, sandali lang or kung mapuyat ka man, ang call time mo gabi, so tulog na ang mga anak mo. Hindi na nila naramdaman na umalis ka na. Ganun."

Mukhang nakakapagdire-diretso siya na nakakagawa ng mga soap opera?

"Wala na kasing Moms [defunct Q Channel 11 talk show]," paliwanag niya. "Dati kasi may Moms, so namimili talaga ako ng tatanggapin. At saka depende rin yun sa asawa ko [Chris Tan] kung papayagan niya ako o hindi. Although siyempre, minsan, nami-miss mo yung challenging ang role mo. Pero now, happy ako na sa three consecutive soap opera na ibinigay sa akin ng GMA, e, medyo magaan yung mga roles."

Ang tinutukoy ni Sherilyn na soap operas ay Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, Rosalinda, at ito ngang The Last Prince.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHERILYN'S LIMITATIONS. More than being a career woman, masasabing mas focused si Sherilyn sa kanyang pamilya, lalo na't aminado siya kung gaano siya kasaya sa piling ng asawang si Chris Tan. Pero may mga limitasyon ba ito sa kanya?

"Well, yung limitation, galing din naman sa akin yun. It so happened na siyempre yung limitation ko, yun din ang gusto niyang limitation ko para sa sarili ko. So, doon kami nagkakasundo.

"Nagiging mapili rin ako sa mga roles dahil nga sa mga roles na ibinibigay, parang gusto nila, gawin akong kontrabida na parang i-pattern kay Jean Garcia. Actually, siya ang nakausap, e, yung husband ko. Pero sabi nga niya, may mga limitation siya na kahit ako mismo, hanggang doon lang ako," saad ni Sherilyn.

So, hindi niya pala tine-take ang mga ganoong challenge sa work?

"Hindi!" natatawa niyang sabi. "Unless ginagawan nila ng paraan. Tulad sa My Only Love na nalaman kong may boylet ako dun, si Alfred Vargas. I said, 'Nothing against Alfred, pero hindi ko kaya na may bed scene, may kissing scene,' sabi kong ganun.

"Kasi, the last time na nag-kissing scene ako, nawala ako sa blocking. Ganun ako kanerbiyoso kapag may kissing scene. E, noong time na yun, bagets pa nga ako, so hindi ko talaga kaya."

Pero hindi naman ito ipinagbabawal sa kanya ni Chris?

"Siyempre, hindi niya ia-appreciate yung mga ganun, di ba?" sabi ni Sherilyn. "So, noong nasa storycon, sinabi ko talaga na, 'Pasensiya na po kayo, parang hindi po yata sa akin ang role na ito, hindi ko alam na may boylet pala.' Pero natuloy ako dahil afternoon soap naman, nagawan ng paraan. Pero alam mo yun, na nakakahiya. Siyempre, may gusto silang gawin na kontrabida na hindi ko kayang gawin.

"E, baka nga kahit sa asawa ko mismo ako makapag-bed scene, hindi ko rin kakayanin! At saka, malalaki na ang mga anak ko, hindi nila ako puwedeng makitang ganun, dyusko!" tawa pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CARLA ABELLANA. Bagamat tapos na ang Rosalinda at nakapagbigay na rin ng side niya si Carla Abellana tungkol sa report na nagsuplada raw ang baguhang aktres sa taping nila, ano ang alam ni Sherilyn at masasabi niya sa naging negative issue kay Carla bago nagtapos ang series nila?

"Well, mali rin naman kasi yung kumalat," sabi ni Sherilyn. "Kung may kumalat na ganun, na-misinterpret siya. Kung may kumalat na ganun, parang hindi yata nakumpleto ng pagkukuwento. Na-misinterpret si Carla dun. Mabait si Carla at makikita mo na nagri-reach out naman ang bata.

"Siyempre, hindi pa naman siya sanay sa showbiz. Yung pagka-tahimik niya, nami-misinterpret ng tao. Siguro, parang sinasabi na nagiging suplada ang dating, but in fact, she's very nice."


CHIRSTMAS & NEW YEAR AT THEIR NEW HOME. For the past several years, lumilipad daw silang magpamilya papuntang Singapore, kung saan naroon ang pamilya ni Chris, para mag-Pasko at mag-New Year.

"Pero ngayon, dito muna kami ng Christmas at New Year," sabi ni Sherilyn. "Kasi bagong lipat kami sa bagong bahay sa San Juan. Pero sana, mas importante nga na dun [Singapore] kami mag-spend ng holidays kasi nagbukas sila ng restaurant dun. Kaya lang nga, hindi puwede kasi may soap ako. At saka parang, di ba, dapat first Christmas mo sa bahay at first New Year, dun ka muna?"

What does she look forward to this 2010?

"Siguro ako, when it comes to career, honestly, hindi ko iniisip. Kung may work, okay, thank you. Kung wala, e, di bahala na ang asawa ko ulit sa akin!" natatawa niyang sabi.

"Kumbaga," patuloy ni Sherilyn, "walang pressure talaga sa akin na magtrabaho. Pinapayagan niya lang ako para pandagdag sa luho ko at para lang din may iba akong ginagawa!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN