Jake Cuenca says year 2009 for him was more than he expected

"Ako, sana mapagpatuloy ko lang ang nasimulan ko noong 2009. Itutuloy ko lang ang pagbibigay ko ng buong puso ko sa trabaho ko. Taos-puso akong magpapasalamat sa napakagandang 2009 at talagang mas gagalingan ko pa lalo sa 2010. Sana tuloy-tuloy lang ang mga proyekto at sana, tuloy-tuloy lang din ang pagsuporta ng mga tao sa mga proyektong ginagawa ko," says Jake Cuenca.


Kahapon, December 30, ang 22nd birthday ni Jake Cuenca. Pero naging very busy day para sa kanya ang bisperas ng kanyang kaarawan, Dec. 29, dahil sa iba't ibang activities na naging bahagi na rin ng kanyang birthday celebration.

Sinimulan ni Jake noong Martes ang kanyang birthday celebration sa pamamagitan ng pagdalaw at paglalaan ng oras at regalo sa mga bata sa CRIBS (Create Responsive Infants By Sharing) Foundation. Sinundan ito ng birthday presscon niya para sa entertainment press sa Baliwag Grill and Restaurant sa E. Rodriguez, Quezon City. At noong gabi naman ay naglaan talaga ng panahon ang young actor para sa kanyang fans, na naghanda naman ng ilang surprises para kay Jake.

Ikalawang taon na ito ni Jake na sa kanyang kaarawan ay nagpupunta siya sa CRIBS upang magbahagi ng oras at regalo sa mga bata na nandoon.

"Siyempre yung CRIBS, amazing talaga yun," sabi ni Jake sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "That's my charity work for the year. At tulad nga ng sinabi ko, yung CRIBS, parang may special place na 'yan sa puso ko. So, it's a yearly thing na bibisita at bibisita talaga ako dun. Pero next year, plano ko, magsama ng ibang artista since sanay na rin sa akin ang mga bagets dun. Gusto ko rin naman yung naa-amaze sila sa akin. So, next year, mag-i-invite talaga ako ng mga close friends ko sa industriya.

"Yung presscon naman, kumbaga, pagsusukli ko yun sa mga press at walang-sawang pagsuporta nila sa akin. At the same time, gusto ko ring magpasalamat sa press. Malaking tulong din ang ibinibigay sa akin ng press at isa yun sa mga dahilan kung bakit ako nandito."

JAKE'S LOYAL FANS. Nagkaroon ng pagkakataon na makausap ng PEP si Jake sa surprise birthday party sa kanya ng fans niya.

Nakausap din namin ang overall coordinator ng iJakes sa Pilipinas na si Morgan. Ayon sa kanya, more than 2,000 members daw meron ang iJakes all over the world, na siyang nagtutulong-tulong pag may events, tulad na lang sa surprise party para kay Jake na ginanap sa 32nd floor ng BSA Suites sa Makati noong Martes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kitang-kita naman na overwhelmed si Jake sa efforts ng fans niya para sa kanya.

Ayon sa young actor, "Na-amaze talaga ako sa inayos ng fans. Hindi ko sukat-akalain. Last year, simple lang. Pero this year, parang um-all-out sila. Nagpa-cater pa sila. Sobrang nagulat ako. At bukod sa gabing ito, sobrang mahal na mahal ko ang fans ko talaga. Sa walang-sawa nilang pagsusuporta. Kahit ano na. Kahit masama ang panahon, kahit maganda, nandun sila. So, proven and tested na itong iJakes na ito at talagang ang laki ng utang na loob ko sa kanila."

Ano ang message niya sa members ng iJakes?

"Nakita ko nga kung paano lumaki. Noong una na halos iilang tao lang ang nagsusulat sa thread hanggang sa lumaki nang lumaki. So, ano ako talaga, sobrang nagpapasalamat ako sa suporta nila at sana lumaki pa sila nang lumaki.

"Siyempre, ako naman, gagalingan ko lang para sa kanila. Sila ang nagmo-motivate sa akin na galingan palagi sa career ko. At talagang sila ang inspirasyon ko na galingan pa."

JAKE'S WISH. Ano naman ang birthday wish niya at expectations niya ngayong 22 na siya?

"Ako, sana mapagpatuloy ko lang ang nasimulan ko noong 2009. Itutuloy ko lang ang pagbibigay ko ng buong puso ko sa trabaho ko. Taos-puso akong magpapasalamat sa napakagandang 2009 at talagang mas gagalingan ko pa lalo sa 2010. Sana tulou-tuloy lang ang mga proyekto at sana, tuloy-tuloy lang din ang pagsuporta ng mga tao sa mga proyektong ginagawa ko," saad niya

If he will look back sa taong 2009, na-meet ba ang mga plinano at expectations niya?

"Higit pa, e," nakangiting sabi niya. "Ang sa akin, talagang kapag nag-focus ka lang, kayang-kaya, e. Kasi higit sa expectations ko ang nangyari ng 2009. So, I hope to do the same on 2010. Siyempre, bibilangin ko ang blessing ko at thankful ako sa lahat ng meron ako ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero siyempre, gagalingan ko pa lalo kasi parang ang dami ko pang puwedeng ibuga. Ang dami ko pang puwedeng ilabas. Ang dami ko pang gustong ipakita sa mga tao."

JAKE'S SPECIAL DAY. Sa kanyang kaarawan, mahalaga raw para kay Jake na makapagsimba more than anything else. Pagkatapos magsimba ay he will visit his old school, ang Southridge.

"Palagi akong dumadaan dun. Kung basta sa isang taon, I make it a point na makapag-visit."

After that, sa rooftop na lang daw siguro ng bahay nila ang magiging simple celebration niya.

"Simpleng kainan, konting inuman siguro. Pero, simple lang, sa bahay nga lang. Then, pupunta na lang ang mga kaibigan ko," banggit ni Jake.

RUBI. Sisimulan niya ang 2010 sa pamamagitan ng bagong primetime series na Rubi.

"Iba ang proyektong ito," sambit ni Jake. "Tsina-challenge ko ang sarili ko constantly na ibahin ang acting ko rito. Na ibahin ang sarili ko rito. So, for Rubi, I'm blessed to be working with Angelica Panganiban na napakagaling na artista. With Diether Ocampo, with Shaina Magdayao na magagaling na artista rin talaga. So, gusto ko lang din sumabay. Lahat kami nagti-team effort na maging successful ang show namin. So, gagalingan lang namin to make the show good and memorable."

Mas seksing Jake ba ang mapapanood sa kanya sa Rubi bilang si Alejandro?

"Well, yung show talaga, sensual. It's a very sensual show, very sexy show at puwede nilang i-expect yun talaga. At yun din naman ang isa sa pinaghandaan ko. So, a more mature, hindi man sexy, but a more mature Jake," sabi niya.

Bits and pieces lang daw ang napanood niya sa original Mexican version ng Rubi.

"Ayokong gayahin, e. As much as possible, gusto ko sana sarili kong interpretasyon. Basta napanood ko yung highlights. So, more or less, alam ko kung paano ginawa ng artista sa Mexico," ani Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Compared to Tayong Dalawa, ano ang bagong makikita sa kanya sa Rubi?

"Ang makikita ng tao rito, mabait na mabait. Kasi sanay ang tao na may konting yabang, may konting confidence. Ang character na Alejandro, walang confidence. Doctor siya na mahirap," paglalarawan ni Jake.

Mas mahirap ba ang role niya rito kesa sa role niya sa Tayong Dalawa?

"Hindi naman sa mahirap, pero mas nakakapanibago, mas challenging. Sana magawa ko nang mabuti."


MELISSA RICKS. Natawa naman si Jake nang hiritan namin siyang tila tatapusin niya ang 2009 with a lovelife.

"With a lovelife?" natatawa niyang sabi. "Kumbaga ano, ine-end ko ang 2009 na, oo, meron akong ina-admire. Meron akong pagtingin sa isang tao. Pero bukod sa pagtingin na yun, suwerte ako na binigyan niya ako ng pagkakataon na maging totoong kaibigan sa kanya, yun."

Hindi naman itinanggi ni Jake na si Melissa Ricks ang tinutukoy niya. So does this mean na hindi nagiging hadlang sa kanya ang sinasabing kesyo against sa kanya ang parents ng dalaga, especially Melissa's mom?

"Hindi naman, e, at saka talagang pakikipagkaibigan lang. Sabi ko naman, kung talagang manliligaw ako sa kanya, magpapaalam muna ako sa mga magulang niya. Pero sa ngayon, magkaibigan lang muna kami."

Sa 2010 kaya, papunta na sa mas seryosohan ang anumang feelings meron siya for Melissa?

"Tingnan natin... Sa akin kasi, maganda na yung nangyari ng 2009 noong mag-focus ako sa career ko. So, kung dumating ang pagmamahal, siyempre, hindi ko tatanggihan yun."

Aminado naman si Jake na kapag in love siya at nasa isang relasyon, masyado siyang nagiging involved at buhos na buhos sa pag-ibig.


"Yun nga ang tinututukan ko, ang maging balanse. Kaya siguro hindi pa ako pumapasok ng bagong relationship kasi aware ako," pag-amin niya.

Nasa Hawaii raw si Melissa ng buong Christmas season at hanggang New Year. Pero hindi itinanggi ni Jake na nagte-text daw sila sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May Christmas gift na ba siya kay Melissa?

"Oo, naibigay ko na at nakapagbigay naman ako ng regalo sa lahat ng leading ladies ko—kay Angelica Panganiban, kay Cristine Reyes, kay Shaina Magdayao. Special silang lahat sa akin. Ang suwerte ko na nakatrabaho ko sila."

Ano ang naging gifts niya sa kanila?

"Sila na lang ang tanungin niyo," sagot ni Jake. "Iba-iba kasi ang gift ko sa kanila. Pero lahat sila, meaningful. Tinanong nga ako kanina kung paano ako magregalo. Sinabi ko na ang mga regalong ibinibigay ko, meaningful."

Si Melissa ba, may gift din sa kanya?

"Nagbigay rin... nagbigay rin naman siya sa lahat ng friends niya."

LAYAS ISSUE. Hindi pa rin nawawala ang "layas" issue kay Melissa, na tumuloy daw siya sa place ni Jake. Ano ang masasabi niya rito?

"Well, sabi ko nga, instead of looking at the negative issues na lumalabas kay Melissa, marami rin naman yung sobrang obvious na magaganda. Tulad nga ngayon na nagma-mature na siya. She's starting to be independent. She's blossoming into a beautiful woman. Ang sa akin naman, puwedeng ma-misconstrue ang lahat yun."


Inaamin niyang naglayas nga si Melissa?

"Hindi... wala nga akong alam sa layas or anything," sabi ni Jake. "At saka ang alam ko, hindi. Ang alam ko, hindi siya naglayas. At hindi pa siya nakakatapak ng bahay ko at hindi pa rin ako nakakatapak sa bahay nila, hanggang dun pa lang ako sa baba."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN