Heart Evangelista immune to political mudslinging

May 6, 2016
<p>Heart Evangelista on joining campaign sorties of husband Sen. Chiz Escudero: "Nag-e-enjoy naman ako, sabihin pang nakakapagod din talaga. Heto yung klase ng pagod na meron kang nararamdamang fulfillment. Ibang klase, ibang saya."</p>

Para kay Heart Evangelista, napaka-showbiz ng dating ng balitang suntukan sa pagitan ng kanyang asawa na si Senator Chiz Escudero at ng mister ni Grace Poe na si Neil Llamanzares.

Sina Grace at Chiz ay running mates sa Partido Galing at Puso para ngayong May 9 elections.

Read:

Pahayag ni Heart tungkol sa lumabas na isyu, “Oo, medyo merong similarities rin pala [sa showbiz], di ba?

“So, nung marinig ko yun, 'Talaga?'

“Parang nasanay ako, e. Parang tumibay na ako sa eleksyong ito.”

Dahil hindi naman siya naapektuhan sa usaping ito, ano ba ang puwedeng magpatibag ng kanyang dibdib bilang maybahay ni Chiz na binabato ng iba't ibang klaseng pang-iintriga?

Mabilis na sagot ng Kapuso actress, “Actually, wala na.

“Naubos na, e, na-immune na ako.

“Parang nagkaroon ako ng immunity after sometime, so naubos na.”

Tungkol naman sa survey results, ano ang nararamdaman ni Heart na wala sa Top 2 si Chiz?

Continue reading below ↓

Ayon kay Heart, “Hindi ko na iniisip.

“Basta ako, lalabas ako, pupuntahan ko sila [Filipino voters], at pasasayahin ko sila.

“Yun lang ang aking goal, di ba? Kailangang laging happy ka lang.

“You think of it as a good experience, bahala na.

“I believe in destiny. Kung para sa iyo, para sa iyo, di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa thanksgiving dinner na inihanda nila para sa press, na ginanap sa 77 Limbaga Restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City, noong May 4.

CAMPAIGNS. Marami rin ang curious malaman kung napag-usapan nila ng kaibigang si Lovi Poe ang tungkol sa isyung ito.

Si Lovi ay kapatid ni Grace sa yumaong si Fernando Poe Jr.

Saad ni Heart, “A, hindi, actually, hindi namin napag-usapan.

“Kasi nga, normal na, e. Ganun na talaga, e.

“So, nag-uusap lang kami, 'Sa'n ka pupunta ngayon?'

“So, na-enjoy namin yung pagsasama namin sa campaign.”

Continue reading below ↓

Kumusta naman ang karanasan niya sa pagsama sa kampanya?

Saad niya, “Masaya, masaya!

“Heto nga't halos nawalan na ako ng boses, medyo inuubo na ako dahil nga sa walang tigil ko ring kasisigaw.

“Hindi lang kasi ako yung tipong kakaway-kaway lang, merong microphone sa sasakyan, at ako talaga ang sumisigaw.

“Nag-e-enjoy naman ako, sabihin pang nakakapagod din talaga.

“Heto yung klase ng pagod na meron kang nararamdamang fulfillment.

“Ibang klase, ibang saya.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Heart Evangelista on joining campaign sorties of husband Sen. Chiz Escudero: "Nag-e-enjoy naman ako, sabihin pang nakakapagod din talaga. Heto yung klase ng pagod na meron kang nararamdamang fulfillment. Ibang klase, ibang saya."</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results