Princess Punzalan takes a break from her simple life to play evil witch in The Last Prince

Top character actress Princess Punzalan makes a special guest appearance on GMA-7's latest telefantasya, The Last Prince, as Alwana, the evil witch.


Natutuwa ang comebacking actress na si Princess Punzalan nang bigyan ulit siya ng pagkakataon na umarte sa isang TV show. Ibinigay sa kanya ang role ni Alwana sa bagong telefantasya ng GMA-7, The Last Prince, na pinagbibidahan ng Royal Teen Couple na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Princess sa grand launch ng The Last Prince noong January 6, sinabi niyang parang nagbabalik lang siya sa GMA-7. Matagal na naging tahanan ng kanyang yumaong ina na si Ms. Helen Vela ang Kapuso network, at kung saan nabigyan din siya ng sarili niyang drama anthology noon na Princess.

Ang iba pang mga nagawang TV shows ni Princess sa GMA-7 ay ang mga sumusunod: Now and Forever Presents Mukha, Te Amo: Maging Sino Ka Man, Kung Mawawala Ka, at Mulawin.

Kahit na kontrabida ulit ang kanyang role sa The Last Prince, okey lang daw 'yon kay Princess dahil sa ganitong roles siya talaga nakilala. Hanggang ngayon nga ay unforgettable ang pagganap niya bilang si Selena sa ABS-CBN soap opera na Mula Sa Puso.

"Welcome sa akin ang role na 'yan kasi nami-miss na raw nila ako sa ganyang role!" tawa ni Princess. "Okey lang talaga sa akin kasi gusto ko ulit umarte sa TV at nagpapasalamat ako sa GMA-7 for giving me such a wonderful role. Since bakasyon nga ako dito until the end of January, might as well do this. Maganda naman ang role na ibinigay sa akin at talagang na-miss ko ito. Akala ko nga kinakalawang na ako, pero once we started taping, nandoon pa rin pala."

LIFE IN THE U.S. Saglit lang ang appearance ni Princess sa The Last Prince dahil babalik na siya sa U.S. para tapusin ang kanyang pag-aaral ng Nursing. May two years pa raw siya at kailangan na rin daw niyang balikan ang kanyang mister.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As much as I want to stay, may iba pa akong commitments sa U.S. I have a husband and a home. At may kurso pa ako na kailangan tapusin. Pero hindi naman sila mabibitin sa role ko sa The Last Prince dahil lahat ng puwede kong ibigay sa role ay ginawa ko," paniniyak ni Princess.

Simple lang daw ang buhay ni Princess sa California. Wala raw silang maids sa U.S. kaya halos lahat ng house chores ay ginagawa nila ng kanyang asawa. May schedule raw na sinusunod si Princess araw-araw.

"Naku, ang buhay ko doon ay magising nang maaga, magluto ng almusal, pasok sa school, tapos uwi to make dinner. Parating gano'n ang takbo ng buhay ko doon. Medyo masasabi mo ngang boring, pero yun na ang nakasanayan ko sa U.S.

"Yun din naman ang hiling ko sa Panginoon na maging simple na lang ang buhay ko. Before, nasanay tayo sa buhay na sobra-sobra, di ba? This time, it's a simple life that I enjoy very much. Nandiyan naman ang husband ko to enjoy that simple and quiet life with me," saad niya.

Minsan nga raw ay nagugulat na lang si Princess dahil may mga nakakakilala pa rin sa kanya sa U.S.

"Once nga nag-grocery ako, yung cashier tinanong ako kung ako ba si Princess Punzalan. Siyempre, hindi na ako makapag-deny, e, kasi Pinoy. Kaya ngumingiti na lang ako at sinasabi ko na ako nga yun.

"From there, magtatanong na sila kung ano ginagawa ko doon at kung sa U.S. na ba ako nakatira. Nakakatuwa naman dahil kilala pa pala nila ako kahit na ang tagal ko nang hindi gumagawa ng TV show or pelikula. It feels good that people still recognize you and they remember my mom as well, lalo na ang show niya na Lovingly Yours. Nakatatak na kasi sa kanila yung show ni Mama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MISSING HER LATE MOM. It's been 17 years mula nang pumanaw ang ina ni Princess si Ms. Helen Vela. February 14, 1992 nang sumakabilang-buhay ang TV-radio host, actress, and news anchor.

Every Christmas and New Year ay nakakaramdam ng lungkot si Princess dahil magpahanggang ngayon ay nami-miss niya ang kanyang butihing ina.

"Hindi naman siguro mawawala yung ma-miss mo ang mahal mo sa buhay, di ba?" sabi ni Princess. "Every year naman talaga, I always think of my mom. There are times na naiiyak na lang ako because she's not around, most especially when we're celebrating Christmas and New Year.

"Kaya kahit sobrang busy ako ngayon, I still can't stop thinking about my mom kasi marami pa akong gustong itanong sa kanya. There are so many things pa kasi na I need to ask her na hindi ko nagawa noon. Pero dahil wala naman siya dito physically, kaya I always to pray to God, hoping na makarating kay Mama ang mga gusto kong itanong sa kanya."

Pinakanami-miss daw ni Princess ay ang bonding nilang mag-ina. May mga bagay raw kasi na silang mag-ina lang ang nakakaalam.

"Yun ang mga moments that I truly miss. Very close kami ni Mama and lahat ng mga naging problema ko, emotionally and physically, sa kanya ko sinasabi. Then she would give advices na makakatulong talaga sa nararamdaman ko sa moment na 'yon.

"Since wala na nga siya, I try to fill that void by praying or concentrate on what I'm doing, like sa school at sa bahay namin sa U.S. Nakakabawas ng lungkot. Pero siyempre, nandoon pa rin yung may kulang na sa buhay mo. You just try to learn to live with it and I have been doing that for the past 17 years now."

PRINCESS & FRIENDS. Simula nang magbakasyon si Princess dito sa Pilipinas ay hindi pa niya nakakasama ang mga dati niyang barkada na sina Pops Fernandez, Dolly Anne Carvajal, at Liezl Martinez. Masyado raw kasi siyang naging busy dahil sinimulan niya ang taping para sa The Last Prince. Naging sobrang hectic din ang schedule ni Princess at mas inuna niya ang makasama ang kanyang mga kapatid noong Pasko at Bagong Taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero gusto ni Princess na magkita-kita sila ng dati niyang barkada dahil na-miss niya ang mga ito.

"Wala lang time talaga. Alam ko na busy rin sila nitong nakaraang holidays kaya hindi ko muna sila inaabala. Ako rin naman, hindi rin maabala because I had a taping schedule tapos nag-bonding pa kami ng mga kapatid ko. But before I leave naman, siguro magkikita-kita rin kami. May paraan ang Diyos para magkasama-sama ulit kaming magkakaibigan."

Pero nakausap naman daw ni Princess si Liezl sa telepono noong mabalitaan niya na may breast cancer ang huli. Nalungkot nga raw si Princess dahil ayaw niyang may isa siyang kaibigan na may malubhang karamdaman.

"Nagkausap kami ni Liezl kelan lang at bilib ako sa tapang niya to face whatever she is feeling right now. Sinabi ko naman sa kanya na hindi siya pababayaan ng Diyos. Huwag lang siyang mawalan ng pag-asa. I heard naman she's getting a little better at yun ang importante. Gusto ko lang na maging strong siya at huwag siyang bibitaw sa Panginoon."

WILLIE REVILLAME. What about her ex-husband Willie Revillame, wala ba siyang balak na kumustahin ito?

"Kung tatawagan ba niya ako, bakit naman hindi, di ba?" nakangiting sagot ni Princess. "Pero wala naman akong naririnig from him kaya okey lang na hindi kami mag-usap. 'Tsaka mahirap na yung may ganyan pa kasi may kanya-kanya na kaming buhay. Ayaw na rin naming abalahin ang isa't isa."

Bilang dating asawa ni Willie, happy ba siya sa natatamong tagumpay ng TV host-comedian sa kanyang career?

"But of course!" sambit ni Princess. "Lahat naman na nangyayari kay Willie, 'yan ang dream niya noon pa. He would always dream about these things na mangyayari sa career niya. And natupad naman lahat kaya bilib ako sa mga pinagdaanan ni Willie. He really worked hard for it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He's doing very good now and I am really happy for him at sa mga naa-achieve niya ngayon. Pangalagaan lang niya lahat 'yan at huwag niyang kalimutan na parating magpasalamat sa Panginoon sa lahat ng mga blessings na natatanggap niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN