Watch Now

Aquino family excited about Ninoy and Cory love storyon Maalaala Mo Kaya

by Trish Alvarez
Jan 9, 2010
"Ang daming research, grabe," Kris Aquino (main photo) relates of the Maalaala episode that will present her parents' love story in flashbacks. Bea Alonzo (top inset) will portray Cory, while Piolo Pascual (middle inset) will play Ninoy. Ballsy Aquino-Cruz (bottom inset) dubs the voice of the letter sender.

Binantayan daw ni Kris Aquino ang kanyang Ate Ballsy Aquino-Cruz nang gawin nito ang spiels para sa isang special presentation ng Maalaala Mo Kaya. Dito ipakikita in two parts ang love story ng kanilang mga magulang na sina President Corazon "Cory" Aquino at Senator Benigno "Ninoy" Aquino Jr. Ipalalabas ito sa January 23 at 30, bilang selebrasyon ng kaarawan ng yumaong pangulo sa January 25.

"Siya [Ballsy] ang nag-voice over," kuwento ni Kris. "Kailangan ko ring bantayan si Ate dahil kinakabahan siya. Siya kasi yung letter sender. Based on her story kasi siya nga yung oldest. Siya yung pinakamalawak ang naaalala. Siya yung nakuwentuhan at pinaka-close kay Mom."

HEAVILY RESEARCHED. Magbubukas ang episode sa kasalukuyang panahon, pero isasalarawan ang love story ni Cory at Ninoy sa pamamagitan ng flashbacks. Si Piolo Pascual ang gaganap na Ninoy at si Bea Alonzo naman ang gaganap na Cory.

"Ngayon nagdidiskusyon pa, kasi yung present day lang. It opens kasi nung nagliligpit kami ng gamit ni Mom sa kuwarto niya, yung after her death. It's a flashback talaga, yung love story nila kung paano sila nagkakilala. So, parang ang ano na lang doon, marami pang diskusyunan...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang daming research, grabe. Ang daming interview sa mga kapatid ko. Nagpunta sila sa Aquino Center sa Tarlac. Nagbasa sila ng lahat ng books, nasulat, very, very comprehensive talaga. So, exciting 'yan."

Pasado raw sa pamilya nila na sina Bea at Piolo ang gaganap na parents nila sa TV.

"Si Piolo, siya talaga ang gusto ng sisters ko and then we were thinking na, kinailangan kasi ang requirement nila, CSC [Charo Santos-Concio] and all, yung girl had to be very refined. Yung very ano, yung maganda ang image, so parang it will suit Bea. Yun, regal ang dating. I don't know about the movie kung kailan sisimulan."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang daming research, grabe," Kris Aquino (main photo) relates of the Maalaala episode that will present her parents' love story in flashbacks. Bea Alonzo (top inset) will portray Cory, while Piolo Pascual (middle inset) will play Ninoy. Ballsy Aquino-Cruz (bottom inset) dubs the voice of the letter sender.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results