Chito Roño directs first Filipino full-length musical film

"Matagal ko nang pangarap 'yan. Alam mo ang Filipino, may sikat na singers. Kumakanta sa Journey [Arnel Pineda], si Lea [Salonga], si Charice Pempengco... May ganun tayo, nananalo tayo sa mga contests. We have nice Filipino songs na talagang memorized ng buong bayan. Pero, bakit wala tayong musical?" says director Chito Roño about directing his new movie genre for the first time.


Hindi na halos matandaan ni Direk Chito Roño kung ano ang huling series na idinirek niya sa telebisyon. But as far as he remembers, Spirits raw yata ang last TV show niya five years ago pa. Sa Lastikman, which starred Vhong Navarro, naman daw ay prologue lang ang ginawa niya. Parehong sa ABS-CBN ipinalabas ang Spirits at Lastikman.

Kaya aminado si Direk Chito na na-miss niya ang pagdidirek sa telebisyon. Ito ang dahilan kung bakit tinanggap niya ang directing job sa upcoming afternoon series ng ABS-CBN na Magkano ang Iyong Dangal?, which stars Bangs Garcia, Sid Lucero, and Rayver Cruz. Magsisimula na itong umere sa January 25 pagkatapos ng Wowowee.

"Nagkaroon ng opening to direct a TV series. Maikli lang naman. Minimum of one season, tapos na ang kuwento. Kaya sabi ko, sige. Type ko talagang balikan ang TV. Tapos sabi ko, puwedeng sampalan na lang, iyakan? Walang mga chroma at kung ano-anong effects? Although, I really enjoyed effects. But this is really a soap opera to the max," pahayag ng award-winning director tungkol sa Magkano ang Iyong Dangal?

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Chito sa set visit ng Magkano ang Iyong Dangal? sa Marikina Riverbanks noong Biyernes, January 8. (CLICK HERE to learn more about this TV show)

FIRST FULL-LENGTH MUSICAL FILM. Bukod sa Magkano ang Iyong Dangal?, tinatapos din ni Direk Chito ang para sa kanya'y "one of his most ambitious films"—ang musical na Emir. In fact, kasalukuyang nasa Morocco si Direk Chito para sa shooting ng naturang indie film.

"I'm very excited. It's entitled Emir. Royal title siya sa Middle East. Yung Emirates, di ba, may seven emirs yata that comprise emirates? It's a full-length musical na parang ang ibig sabihin nun, it's like a Broadway-type na musical na konti lang ang spoken lines. Pero I have like 21 or 22 songs," kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Emir ba ang isa sa most ambitious projects niya?

"Talagang ambitious kasi hindi ako marunong gumawa ng musical!" natatawang sabi niya. "Kumbaga, inspired lang ako. Pangarap kong gawin dahil gustung-gusto ko ang musical. Tapos, gusto kong ipakita sa Filipino na may iba tayong genre that we can be proud of.

"Ang gagaling ng mga composers natin, ang gagaling ng mga singers natin. Ilagay natin sa isang dramatic vehicle. Ito talaga, it's an entire dramatic retelling of story or telling of the story by using music and dance."

All-original Filipino songs daw ang maririnig sa kabuuan ng Emir, na ginawa ng ilang Filipino composers like Gary Granada, Diwa de Leon, Ebe [of Sugarfree] and Vin Dancel [of Peryodiko]. Sa ending ay may surprise song din daw.

Ayon sa direktor, never pa palang nagkaroon talaga ng full-length musical produced sa Pilipinas.

"Never naman... never tayong nagkaroon ng talagang full musical na parang Sweeney Todd, Chicago... na parang song and dances are really part of the dramatic storytelling. Na yung mga lines, kinakanta talaga."

DREAM COME TRUE. Was it really his dream to direct a full-length musical?

"Matagal ko nang pangarap 'yan," sambit ni Direk Chito. "Alam mo ang Filipino, may sikat na singers. Kumakanta sa Journey [Arnel Pineda], si Lea [Salonga], si Charice Pempengco... May ganun tayo, nananalo tayo sa mga contests. We have nice Filipino songs na talagang memorized ng buong bayan. Pero, bakit wala tayong musical?"

Pero aminado si Direk Chito na mahirap bumuo ng isang musical.

"Mahirap talaga. Ako, nararanasan ko ngayon. Pero pinanonood ko nga ngayon sa editing, natutuwa ako. Feeling ko, gumagawa ako ng first time ulit ng pelikula na walang nagda-dialogue. Kanta ako nang kanta."

Bukod sa madugo ang paggawa ng isang musical, isa pang dahilan kung bakit hindi siguro gumagawa ng musical films ang Filipino film producers ay dahil baka hindi ito kagatin ng publiko. At this point, nakikita ba ni Direk Chito na ready na ang Pinoy moviegoers sa ganitong movie genre?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I hope so... Kasi mature naman ang Filipino audience at 99 percent ng Pinoy, gustong kumanta," sagot niya.

Ang alam ng marami, kapag indie film ay maliit lang ang budget nito. Ganito rin ba sa Emir?

"A, ito, malaki ang budget nito," tahasan niyang sabi. "Magyayabang ako sa budget nito. This is one of the biggest budgets I've ever worked on. And I've worked with the biggest budgets sa Star Cinema. Ka-level 'to."

Ang producer ng Emir ay ang Cultural Center of the Philippines (CCP) at Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Si Direk Chito raw talaga ang nag-pitch ng project sa CCP.

"They were interested to do a project, but they don't know kung anong klaseng kuwento. So, I said, 'Cultural Center kayo, kayo ang kumbaga simbahan ng Arts.' Hindi ko lang magagamit dito painting or visual arts, kasi puro location kami.

"Ipapalabas siya, regular, nationwide," patuloy ni Direk Chito. "Pinu-formalize lang namin ang final distribution. Kaya gusto ko kasi ng indie, ayokong ma-tie up sa mga artista na... Alam mo naman ngayon, di ba, kung sa pula ka or sa puti? O kaya, may mga demands ang studios sa storytelling or sa mga ano...

"E, ito talaga, CCP presentation. So, it's really parang proudly presents the Philharmonic, cultural dancers, the singers... kailangan talagang world-class. Kahit na bago lang siya at hindi siya kilala. Kung sa iba 'yan, 'Ay, hindi kilala 'yan. Gamitin mo si ano, mas sikat siya, may fans siya.' Sa CCP wala, e. Kapag maganda ang boses, maganda ang boses."

STAR OF THE MOVIE. Nagkaroon ng audition para sa lahat ng gaganap sa cast, including the lead star of the movie—Are You The Next Big Star? winner Frencheska Farr.

"Siguro, dalawang buwan kaming nag-audition. Number one kasi, yung boses at saka yung dramatic scene. Hindi lang kasi boses. Minsan may boses, pero parang gusto mong mangumunyon kapag nakikinig ka. With Frencheska Farr, she has the dramatic flare of a singer. Iba yung maiiyak ka na... Kasi, dramatic ang singing, hindi lang pang-plaka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Another thing, perfect siya sa role. Pinay na Pinay. Gusto ko talaga yung mga artistang Filipina. I'm not against... Pero, ibig kong sabihin, for this project, I wanted somebody who fits into the character. Ilokano na ang kanyang lahi, e, may lahing Ifugao. So, noong pinasayaw ko siya with real Kalinga, aba, hindi mo na kailangan meykapan! Talagang Pinoy, e," sabi ni Direk Chito tungkol sa kanyang lead star.

By May or June 2010 daw ang target date of showing nila. Pagbalik nila from Morocco on January 25, halos kumpleto na ang shooting at konting interior setting na lang ang kukunan nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN