Sexy cover girl Jackie Rice goes "rated GP" in Panday Kids

Panday Kids" data-url="https://www.pep.ph/news/24487/sexy-cover-girl-jackie-rice-goes-rated-gp-in-panday-kids" data-desc="Jackie swears to-die-for bod in FHM is all natural, not digital." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e5399848.jpg"> Panday Kids" data-url="https://www.pep.ph/news/24487/sexy-cover-girl-jackie-rice-goes-rated-gp-in-panday-kids" data-desc="Jackie swears to-die-for bod in FHM is all natural, not digital." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e5399848.jpg"> Panday Kids" data-url="https://www.pep.ph/news/24487/sexy-cover-girl-jackie-rice-goes-rated-gp-in-panday-kids" data-desc="Jackie swears to-die-for bod in FHM is all natural, not digital." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e5399848.jpg">

Panday Kids" data-url="https://www.pep.ph/news/24487/sexy-cover-girl-jackie-rice-goes-rated-gp-in-panday-kids" data-desc="Jackie swears to-die-for bod in FHM is all natural, not digital." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e5399848.jpg"> Panday Kids" data-url="https://www.pep.ph/news/24487/sexy-cover-girl-jackie-rice-goes-rated-gp-in-panday-kids" data-desc="Jackie swears to-die-for bod in FHM is all natural, not digital." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e5399848.jpg"> Panday Kids" data-url="https://www.pep.ph/news/24487/sexy-cover-girl-jackie-rice-goes-rated-gp-in-panday-kids" data-desc="Jackie swears to-die-for bod in FHM is all natural, not digital." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e5399848.jpg"> Panday Kids" data-url="https://www.pep.ph/news/24487/sexy-cover-girl-jackie-rice-goes-rated-gp-in-panday-kids" data-desc="Jackie swears to-die-for bod in FHM is all natural, not digital." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e5399848.jpg">

From studio headache to studio sweetheart, Jackie Rice now gives her career her full attention. "Love can wait," says stag mag FHM's January girl.


Masayang-masayang humarap sa press si Jackie Rice kamakailan, dahil malakas daw ang sales ng January 2010 issue ng FHM men's magazine kunsaan siya ang cover, at may 20-page pictorial and interview pa sa loob.

Kuwento ni Jackie, "Noong una, ayaw kong maniwala na malakas ang sales ng FHM. Pero natuwa ako nang magkaroon kami ng autograph signing ng 5 p.m. Natapos kami 9 p.m. na dahil ang daming tao, ang haba ng pila. Gusto na nilang ihinto pero sabi ko, tatapusin ko, nakakaawa naman iyong mga pumila na hindi ko ma-o-autograph ang kanilang copy.

"May isa ngang mama na pinaalis na nila dahil ilang beses siyang nagpabalik-balik sa pila at halik nang halik sa akin. Siyempre, ayaw ko namang mag-react, pero nakita ng mga in-charge sa autograph signing at sila na ang nagpaalis sa kanya."

PHOTOSHOPPED? Pero iniintriga pa rin si Jackie na ginamitan daw ng computer ang katawan niya para maging sexy siya.

"Pinaghandaan ko po talaga ang pictorial na iyan. In fact, right after na nanalo akong Ultimate Female Survivor ng StarStruck III, kinausap na nila ako kung puwede akong maging cover ng FHM, pero 14 to 15 years pa lamang ako noon, medyo chubby pa at hindi talaga puwede.

"Now na puwede na, pinaghandaan ko po talaga iyon. Nag-diet ako, halos hindi na ako kumakain. Kaya nang ready na ako, kahit noong pictorial namin, naaawa sila sa akin, ang sarap-sarap ng mga kinakain nila, ako may sariling baon, saging lang. Ngayon, kumakain na rin po ako, pero wala nang sweets, usually fruits lamang ang kinakain ko. 'Saka kumakain po ako on time, except kung nagti-take ako na oras na for lunch or dinner.

"Siguro po, kung gusto nila, tingnan nila ang video clips ko noong nagpi-pictorial kami dahil totoo lahat ang mga shots ko roon."

Pinasalamatan din ni Jackie ang mga friends niyang sina LJ Reyes at Iwa Moto, na tulad niya ay naging cover na rin ng FHM. Ipinagtanggol nila si Jackie sa mga intrigang retokado daw ang katawan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A DIFFERENT JACKIE. It seems ibang-ibang Jackie Rice na ang kausap ng PEP. Biro nga sa kanya, ang daldal na niya ngayon.

"Simula po nang magbalik ako, after noong na-suspend ako [ng GMA-7] kasi hindi ko sinusunod ang ipinagagawa sa akin at inuna ko ang paggimik, marami na po akong binago sa sarili ko. Na-realize ko na marami akong sinayang na panahon. Hindi ko pinahalagahan ang ibinigay sa akin ng Diyos kaya niya ako pinapanalo sa StarStruck III.

"Siguro may purpose Siya sa akin kaya Niya ako pinapanalo. Seryoso na ako ngayon. Hindi ko nga minsan namamalayan na umaga na pala, nagtatrabaho pa ako. Ayaw ko pong biguin ang patuloy na pagtitiwala sa akin ng GMA Network at ng GMA Artist Center ."

Siya raw ang susunod na ilu-launch ng GMA-7?

"Hindi po ako nag-i-expect pa ng mga lead roles, dahil kahit hindi po lead roles ang ibinibigay nila sa akin, challenging namang lahat. Iyon nga pong pinakahuli kong ginawa, ang Darna where I played a dual role na isang pangit na babae at si demonyita, very challenging po sa akin iyon dahil, bukod sa kailangan ko talagang umarte, mahirap po ang mga prosthetics na inilagay sa akin.

"Iyon nga pong costume at prosthetics ko as demonyita, dahil mahirap tanggalin, minsan iniuuwi ko sa bahay. Nagugulat at natatawa ang daddy ko. Bagay daw sa akin ang costume, demonyita raw ako talaga."

Demonyita pa rin ba siya?

"Hindi na po talaga, like what I've said, nagbago na po ako. Kahit nga kami ng mommy ko, okey na kami. Noong birthday niya last January 22, umuwi ako sa Olongapo para personal siyang batiin.

"Kung mayroon nga po akong laging ipinagdadasal ngayon, sana ay magkabalikan na sila ng daddy ko. Matagal na po silang hiwalay. Wala po naman silang ibang asawa, hindi po lamang sila siguro talaga nagkakaintindihan. Pero sana po ay magkasama na sila ulit at mag-alagaan sa isa't isa hanggang sa huli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iyon po talaga ang isa sa wishes ko at saka iyong makabili na ako ng sariling bahay at magtuluy-tuloy na ang career ko."

LOVELIFE? "Wala na po muna, career na lamang muna. Siguro po, tama na iyong inuna ko talaga ang ma-in love noon kay Biboy [Ramirez] kaysa career ko. Marami po akong lessons na natutunan doon at wala po akong regrets na nagkahiwalay na kami. Love can wait naman.

"Mayroon po akong idini-date, non-showbiz, pero hanggang doon lamang iyon, ayaw ko munang paligaw. Love can wait naman. Kung merong dumating, kung mahal niya ako talaga, he'll wait for me. Hindi ko na rin po iniisip iyong mga dating boyfriends ko kasi tapos na iyon."

Alam ba niyang si Vaness del Moral na ang bagong girlfriend ni Biboy?

"Oo po naman and I'm happy for them. Happy ako na may bago nang lovelife si Biboy, at si Vaness, kapatid ko iyan sa StarStruck. Kapag nakikita ko si Biboy, nagbabatian po naman kami."

May bagong telefantasiyang gagawin si Jackie, ang Panday Kids kunsaan makakasama niya sina Marvin Agustin, Jolina Magdangal, JC de Vera, Polo Ravales, Lovi Poe and child actor Buboy Villar.

"Magti-taping na po kami this week, at mabait po ako rito, at may power din po ako. Hindi ko pa lamang alam kung ano ang power na iyon."

Panday Kids" data-url="https://www.pep.ph/news/24487/sexy-cover-girl-jackie-rice-goes-rated-gp-in-panday-kids" data-desc="Jackie swears to-die-for bod in FHM is all natural, not digital." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e5399848.jpg"> Panday Kids" data-url="https://www.pep.ph/news/24487/sexy-cover-girl-jackie-rice-goes-rated-gp-in-panday-kids" data-desc="Jackie swears to-die-for bod in FHM is all natural, not digital." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e5399848.jpg"> Panday Kids" data-url="https://www.pep.ph/news/24487/sexy-cover-girl-jackie-rice-goes-rated-gp-in-panday-kids" data-desc="Jackie swears to-die-for bod in FHM is all natural, not digital." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e5399848.jpg">


Panday Kids" data-url="https://www.pep.ph/news/24487/sexy-cover-girl-jackie-rice-goes-rated-gp-in-panday-kids" data-desc="Jackie swears to-die-for bod in FHM is all natural, not digital." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e5399848.jpg"> Panday Kids" data-url="https://www.pep.ph/news/24487/sexy-cover-girl-jackie-rice-goes-rated-gp-in-panday-kids" data-desc="Jackie swears to-die-for bod in FHM is all natural, not digital." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e5399848.jpg"> Panday Kids" data-url="https://www.pep.ph/news/24487/sexy-cover-girl-jackie-rice-goes-rated-gp-in-panday-kids" data-desc="Jackie swears to-die-for bod in FHM is all natural, not digital." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e5399848.jpg"> Panday Kids" data-url="https://www.pep.ph/news/24487/sexy-cover-girl-jackie-rice-goes-rated-gp-in-panday-kids" data-desc="Jackie swears to-die-for bod in FHM is all natural, not digital." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e5399848.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN