Nag-celebrate ang Star Magic artist na si Nyoy Volante ng birthday niya noong January 25. Masaya raw dahil sorpresang sinalubong ang kaarawan niya ng pamilya't mga kaibigan. On the day itself, pumunta sila ng family niya at girlfriend sa church.
Happy daw siya sa girlfriend niya ngayon na nagtatrabaho sa isang hotel sa Manila. Nang tanungin kung bakit non-showbiz na ang girlfriend niya, mabilis niyang tinugon: "I've learned my lesson."
Ang dating karelasyon niya ay isa sa pinakamalaking pangalan sa music industry, ang Soul Siren na si Nina. Nagkahiwalay sila noong 2007, and at the time, mukhang maayos naman ang breakup nila.
Pero noong May 11, 2009, kinasuhan ni Nina ng estafa ang mga magulang ni Nyoy dahil daw sa 1.4 million pesos na inutang sa kanya noong three-year relationship nila ni Nyoy na hanggang ngayon ay hindi pa nababayaran. (CLICK HERE to read related story.)
CHANCE ENCOUNTER. Kamakailan ay nagkasalubong daw ang dalawa sa ASAP, at nginitian ni Nyoy si Nina, pero dinedma lang daw siya nito.
Sagot naman ni Nyoy na nakangiti, "The thing is, nakangiti naman ako palagi kahit sino ang kaharap ko...
"Nakangiti nga lang ako, meron pang masamang nasasabi. So, I think, baka may iba na namang interpretation for something. So, mas maganda siguro na right now, manahimik na lang muna."
OWES NOTHING. Wala raw nanggaling effort sa kanya para magkausap sila nang maayos. Tinanong namin kung wala ba siyang intensyong i-clear ang pangalan niya.
"Wala akong utang," kaswal niyang sagot. "Ang nangyayari kasi ngayon, it's her word against mine. The thing kasi is, that's all it would ever be. May sasabihin siya, papaniwalaan ng mga tao sa paligid niya. May sasabihin ako, papaniwalaan ng mga tao sa paligid ko. So, wala naman talagang mananalo."
Ayon kay Nyoy, mas gugustuhin nga raw sana niyang huwag na lang pag-usapan sa media ang isyu nilang dalawa ni Nina dahil nasa legal na proseso na rin naman ito.
"I think, maki-clear 'yan sa tamang venue ng pag-clear niyan, sa court... Inaayos na naman. May legal process na rin naman."
COURT CASE. Pero, tanong namin kay Nyoy, kung wala naman pala talaga siyang utang, how come na mapapaabot pa ito ni Nina sa korte?
"I can't talk details... I hope you understand. It's just that if I'll talk details about that, magkakaroon lang ng issue about it. What I can relay to everyone, yung mga details na ganyan ay inaasikaso, hindi 'yan pinapabayaan. May mga pangyayari na ngayon, hindi natin alam it's because it's beyond the media. So, I think it's useless to give my reaction about it. Kami nga sa pamilya we don't really talk about it, unless may kailangan."
Dugtong pa niya, "Hindi ko na rin po kayang i-defend... and I will not defend. Kumbaga, I will not be pushed for fighting about it because sa totoo lang, I care about it in the sense na inaasikaso na. Pero, hanggang dun na lang yung pag-care ko sa kanya...
"I'm just really sad na this much hatred is present because of money. Ako, alam ko there are statements na kailangang sabihin, I think... pero, siguro, I guess, everyone will agree na kung kayang sa likod na lang ng media asikasuhin ang isang bagay, dun na lang."
NEGATIVE IMPACT. Aminado si Nyoy na nagkaroon siya ng negative image dahil sa isyung ito.
"Of course, a lot of people are sad. Hindi lang sa akin. A lot of people are angry sa akin. A lot of people are sympathetic. Of course, a lot of people are very supportive sa akin. Hati-hati naman 'yan, e... it's all a matter of who they're friends with."
Naapektuhan din ang career niya.
"Of course, of course... kunwari, alam ko na may media sa certain events, of course, matatakot kang magpunta. Sa mga messages, sa mga Youtube, may mag-aano run... pero titiisin mo na lang dahil ikaw naman siyempre, alam mo naman ang totoo."
REGRETS. Hindi ba niya naisip na sige, ibigay na lang niya kung anuman ang hinihingi ni Nina?
"Kung meron lang... sa totoo lang, kung ganun lang kabilis... Ke kailangan ko bang magbayad or hindi, kung meron lang akong extra 1.4, ibibigay ko na lang," sey niya.
Sa huli, tinanong namin si Nyoy kung nagsisisi ba siya na naging sila ni Nina?
"Given the circumstances, oo...."
Sabay sabi niyang i-rephrase na lang daw nang, "I regret what happened kasi hindi mo naman masasabing walang magandang nangyari sa amin."
