Victor Basa wants to concentrate on films this year

"This year, I want to concentrate on acting, lalo na sa movies. It's a new challenge for me. When I did Maling Akala, I discovered so much about myself. I want to experience that again," says Victor Basa.


Ngayong 2010 ay hiling ng model-actor na si Victor Basa na maging active siya sa paggawa ng pelikula. Kaya nga natutuwa siya at mabilis natapos ang isang indie film na ginawa niya sa direksyon ni Adolf Alix Jr., ang Romeo & Juliet: 2010.

Na-introduce si Victor last year sa indie film na Maling Akala at marami ang na-impress sa kanyang acting debut kung saan nakasama niya si Jodi Sta. Maria. Dito naman sa Romeo & Juliet: 2010 ay si Alessandra de Rossi ang kapareha niya.

Ayon kay Victor, it's time na raw na mag-full time siya sa pag-arte sa pelikula. Naging successful na raw siya sa ibang fields tulad ng modeling, singing, dancing, at acting sa TV (Crazy For You, Your Song, Star Magic Presents, I Am KC, Rounin, Walang Kapalit). Iba raw kasi kapag pelikula na ang ginagawa niya.

"I've tried almost everything on TV," sabi niya. "This year, I want to concentrate on acting, lalo na sa movies. It's a new challenge for me. When I did Maling Akala, I discovered so much about myself. I want to experience that again.

"Kaya tama lang when this indie film came. I want to do it kasi hindi siya yung conventional na love story. It's a weird kind of story that is something different talaga. And it will be my first time to work with Alessandra de Rossi. I know she's a good actress and I know that she can help me through our scenes together."

Produced by Kisapmata Productions, Romeo & Juliet: 2010 also stars Max Eigenmann, Lemuelle Pelayo, Bing Pimentel, Jay Manalo, Rosanna Roces, Daria Ramirez, Sue Prado, Diana Malahay, and Jean Altavas.

IN A RELATIONSHIP. Sa personal na buhay naman ni Victor, sinabi nito na he's in a relationship with a non-showbiz girl. Pero last year nga na-link siya sa kapatid ni Maxene Magalona na si Saab. Sabi ni Victor, never sila naging official na magkarelasyon ni Saab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Saab and I, good friends lang kami talaga," giit ni Victor. "We never had a serious commitment. We just hang out and we love each other's company. Hanggang doon lang kami. But Saab is a nice person and we still communicate naman with one another."

Isa lang ang inamin ni Victor na naging girlfriend niya at ito ay ang Star Magic talent na si Valeen Montenegro, na nakarelasyon niya ng isang taon. Pero matagal na raw silang hindi nagkikita ni Valeen.

Ngayon daw ay may non-showbiz girlfriend siya na karelasyon niya for five months now.

"Mas okey karelasyon ang hindi taga-showbiz. Mas relaxed at hindi ka pressured. It's much better now kasi walang intriga," sabi ni Victor.

Kasama si Victor sa magwawakas nang May Bukas Pa ng ABS-CBN at sa Shall We Dance: Search For The Dance Superstar ng TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN