Prince Stefan's sexy photos shot on a beach in Iloilo

"Nilagay ko ang mga photos sa Facebook album ko and somehow, may mga nakakita na ibang friends ko kaya it made it's way sa Internet. Nabalitaan ko na lang na nasa iba't ibang websites na siya. Natuwa rin naman ako kasi maraming nagkagusto sa photos ko. Buti naman at hindi nakakahiya kasi talagang pinaghirapan ko na ma-achieve ang katawan ko ngayon," says Prince Stefan about his sexy photos.


Marami ang nagulat nang masilayan nila ang sexy photos ng StarStruck 4 First Prince na si Prince Stefan. Kinunan daw ang mga litratong ito sa isang undeveloped beach sa Iloilo, ang home province ni Prince.

Kuwento ni Prince sa PEP (Philippine Entertainment Portal), kasama raw niya ang mga pinsan niya noong nakaraang Pasko para magbakasyon sa Iloilo at may pinuntahan silang beach na hindi pa masyadong napupuntahan ng mga turista. Doon daw naisipan ni Prince na magpakuha ng sexy photos.

"Bakasyon lang talaga ang punta namin doon," sabi niya. "Kaso ang ganda ng beach. Talagang hindi pa siya masyadong napupuntahan. Gusto ko na ako ang maunang mag-pictorial doon. Sa sobrang ganda kasi ng lugar, parang nakakapanghinayang na hindi ako makapag-pictorial doon.

"Gamit lang namin diyan ay ang digital camera na dala ko. Wala 'yang makeup or mga ilaw. Talagang simpleng pictorial lang. Hindi namin alam na maganda pala lalabas kapag na-transfer na sa computer."

Galing mismo sa Facebook account ni Prince ang sexy photos niya. Hindi naman daw niya ini-expect na may magkakainteres na mag-download ng kanyang sexy photos.

"Nilagay ko ang mga photos sa Facebook album ko and somehow, may mga nakakita na ibang friends ko kaya it made it's way sa Internet. Nabalitaan ko na lang na nasa iba't ibang websites na siya. Natuwa rin naman ako kasi maraming nagkagusto sa photos ko. Buti naman at hindi nakakahiya kasi talagang pinaghirapan ko na ma-achieve ang katawan ko ngayon," ngiti ni Prince.

Mabuti na lang daw at panay ang punta sa gym ni Prince para magpaganda ng katawan. Matagal din kasi siyang walang regular na taping kaya nagkaroon siya ng time para sa pagwu-workout.

"Since last year naman, I've been going to the gym," banggit niya. "Kahit na noong magkasunod ang mga shows ko, hindi ko nakakalimutan ang mag-gym. Paunti-unti naman ang pag-improve ng katawan natin. Hindi ko siya binibigla kasi bata pa naman daw ako. Dapat hindi raw masyadong matindi ang workout.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Paunti-unti, nadadagdagan ang pagwu-workout ko at nakikita ko na ang improvement sa body ko. Ngayon, mine-maintain ko na lang ang exercise. Kapag may mahabang time, nasa gym talaga ako. Tapos ingat na rin ako sa mga kinakain ko. If I want to stay fit, marami akong pagkain na isinasakripisyong hindi kainin."

ALJUR ABRENICA. Dahil sa magandang katawan ngayon ni Prince, hindi malayong maikumpara siya sa ka-batch niya sa StarStruck na si Aljur Abrenica, isa sa bagong leading men ng GMA-7. Hindi naman daw itinatago ni Prince na pangarap din niyang maging bida balang-araw.

"Kung mabibigyan ba tayo ng pagkakataon, why not, di ba?" ngiti niya. "Kaya nga nandito tayo sa trabahong ito is because may goal tayo. Hindi naman masama ang mangarap, e. Lahat naman kami ay gustong marating ang status na ni Aljur. Ang ganda na kasi ng nangyayari sa kanya at masaya kami for him.

"That's why habang naghihintay ka ng new project, inaayos mo na rin ang sarili mo. Kaya I work out, I attend acting workshops, at inaalagaan ko ang hitsura ko. Alam ko naman na balang-araw may mangyayaring maganda sa career ko at hindi ako nawawalan ng pag-asa. Lagi kong idinadasal na hindi ako mawalan ng trabaho. I'm not asking for too much, basta may trabaho tayo parati."

Okey lang ba na sexy roles ang ibigay sa kanya?

"Depende siguro sa role. Kung babagay ba sa akin, bakit naman hindi? Ang may final say naman diyan ay ang GMA Artist Center. Twenty years old pa lang kasi ako kaya binabagayan ako ng role. Ayoko namang maging awkward akong tingnan sa isang role. Pero kung may paghahanda, kakayanin ko naman siguro."

Napanood si Prince sa GMA-7 shows na Luna Mystika, Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, SRO Cinemaserye Presents Rowena Joy, at Tinik sa Dibdib.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN